You are on page 1of 3

Department of education

HONORATO C. PEREZ, SR. MEMORIAL SCIENCE HIGH SCHOOL


Sta. arcadia, Cabanatuan city

Talumpa [Pangkat 5]

ti
Inihanda nina: John Edward Bautista
Justin Dave Gonzales
Ryan Jared Sioson

Ipinasa kay: Mrs. Genalynn A. Correa


Guro sa pagsulat

XII-Faraday
Hulyo 15, 2019
Talumpati
Ang talumpati ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang
paksa at ito ay binibigkas sa harap ng mga tigapakinig.
Layunin ng Talumpati
 Humikayat,
 tumugon,
 mangatwiran,
 magbigay ng kaalaman o maglahad ng isang paniniwala.
Iba’t ibang uri ng Talumpati
1. Talumpating PAMPALIBANG
-Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento.
Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.

2. Talumpating NAGPAPAKILALA
-Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na
kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga
tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging
tagapagsalita.

3. Talumpating Pangkabatiran
-Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko,
diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan. Gumagamit
dito ng mga kagamitang makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang
paksang tinatalakay.

4. Talumpating NAGBIBIGAY-GALANG
-Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa
kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.

5. Talumpating NAGPAPANGARAL
-Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga
kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit ang
ganitong uri ng talumpati.

6. Talumpating PAMPASIGLA
-Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan kalimitang
binibigkas ito ng:
1. Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro
2. Isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro
3. Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani
TATLONG URI NG TALUMPATI AYON SA PARAAN:
1. Dagli - Ito ang uri ng talumpati na hindi pinaghandaan.
2. Maluwag - May panahon para maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago
ang kanyang pagsasalita.
3. Pinaghandaan - Maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-aaral sa
paksa.
BAHAGI NG TALUMPATI
1. Simula
Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng paksa kasabay ng stratehiya upang makuha
sa simula pa lang ang atensyon ng tagapakinig.
2. Katawan o Gitna
Dito nakasaad ang paksang tinatalakay ng mananalumpati.
3. Katapusan o Wakas
Ito naman ang buod ng paksang tinalakay ng mananalumpati. Nakalahad dito ang
pinakamalakas na katibayan, katwiran at paniniwala para makahikayat ng pagkilos
mula sa mga tagapakinig ayon sa paksa ng talumpati.

PAANO GUMAWA NG TALUMPATI?


• Pumili ng magandang paksa.
• Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon tungkol sa napiling
paksa. Pwedeng mga dating kaalaman o karanasan o kaya ay mga babasahin na may
kaugnayan sa paksang gagamitin.
• Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa tatlong bahagi; ang simula,
katawan at katapusan.
• Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na pag-usapan lamang ang tungkol sa sarili at
pansariling kapakinabangan.
• Iwasan din naman na maging “boring” ang iyong pagtatalumpati.
• Kung maari ay magkaroon ng “sense of humor” sa pagdedeliber ng talumpati at laging
isipin ang iyong tagapakinig.

TALUMPATI TUNGKOL SA K-12


Mula sa Takdangaralin.ph

Ang programa ng K-12, pinag-aralan at napapanahon nga ba o sadya lamang minadali at kulang
sa kahandaan?
Isa sa mga pinakakontrobersiyal na naisakatuparan na batas noong nagdaang rehimen ay ang
programa ng K-12 ng ating pamahalaan.

Mayroong mga sumang-ayon pero mas nakararami ang sumasalungat. Andyan ang mga guro,
mga mag-aaral at higit sa lahat mga magulang.
Dagdag dagok, hirap, gastos, at pasakit – ganyan kung ilarawan ng mga hindi sumasang-ayon
ang programa ng K-12. Kabilaan ang mga apila at petisyon na hanggang ngayon ay nakabinbin
pa rin.

Mayroon namang mga pabor sa nasabing programa. Ayon sa kanila ito raw ay sadyang
napapanahon at lubos na nating kailangan. Sa lahat kasi ng kasapi ng rehiyon ng Asya, tanging
Pilipinas na lamang ang walang K-12.
Napag-iiwanan na raw tayo. Para sa kanila ito ang daan para malinang ng husto ang katalinuhan
at kakayahan ng mga mag-aaral.
Kung ako ang tatanungin ang kalidad ng edukasyon ay hindi nasusukat sa tagal ng taon o
panahon na igugugol ng isang mag-aaral sa loob ng paaralan.

You might also like