Spoken

You might also like

You are on page 1of 1

Lovelyn G.

Sison
ABM-3

TUNAY NA BAYANI
Meron akong ibabahagi,
Sana’y ako ay dinggin
Hindi ko man ito kinuha sa dulo ng bahaghari,
Kayamanan pa ring maituturing.
Nakakita ka na ba ng malaking kahon?
Mga nilalama’y nagbibigay kasiyahan,
Iba’t-ibang kagamitang kinakailangan at di-kinakailangan.
May mga sabong pampakinis ng balat,
Tsokolateng singtamis ng ngiti ng sinumang makakain,
At mga kasuotang hindi naman nakasanayan.
Saan na nga ba galling ito?
Ah! Duon sa kabilang Bayan.

Sa iba ang karanasang ganito’y tila kay sarap maranasan,


Ngunit para sa akin, Ayoko na ulit itong asahan.
Dahil sa likod ng mga ngiting inyong nakikita,
Sa likod ng kislap ng aking mga mata,
Nakakubli ang pangungulila.
Pangungulila sa isang magulang,
Ilang taon nang nasa ibang bayan.
Sila’y OFW o Overseas Filipino Worker,
Mga tinaguriang bayani ng ating bayan,
Bayaning hatid ang pag-unlad ng ating ekonomiya,
Bayaning tinitiis ang pagod at kalam ng sikmura,
Bayaning kinabukasn ng pamilya ang hangad,
Bayaning sa akin ngayon ay nagbigay buhay,
Bayaning tunay na siyang bumuhay.

Pangako ko ang aking pangako ay di mapapako,


Pangako na sa takdang panahong tayo’y magkasama muli,
Oras at pagmamahal ating gugugulin.
Sa ngayo’y aking tatapusin,
Aking sinimulang daang tatahakin,
Patungo sa tagumpay at ikaw ang kapiling.

You might also like