You are on page 1of 1

ACCEPTANCE

Sa ating pinagpipitagang Tagamasid Pampurok, Gng.


Ruel H. Subito, mga kagalang-galang ng Punong-Guro at
Ulong-Guro, mga mahuhusay na tagapagdaloy, mga kapwa
ko masigasig na guro magandang hapon po sa inyong lahat.
Kumusta po tayo ngayon? tayo ba ay puno na? punong-
puno na? batid ko po na punong-puno na tayo ng kaalaman
sa makabagong pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang ilan
sa atin ay may alam na subalit hindi pa buo at sapat, kung
kaya sa unang araw pa lang ng Palihan ay ating nang
inihanda ang ating sarili sa pagtanggap ng bagong
kaalaman, karunungan at positibong pananaw tungo sa
matagumpay na paghubog ng matatag at maunlad na
kabataang Pilipino.
Ang Palihang ito ay nagsilbing gabay at lakas nating mga
guro na linangin at buhayin ang pagnanais ng ating mga
mag-aaral hindi lang sa masining na pagbasa, pagsulat at
pagbigkas kundi pati na rin sa pagmamahal sa kahalagahan
ng wikang Filipino.
Sa ating pag-uwi naway bitbit natin ang kawili-wili,
kapanapanabik at kagiliw-giliw na pagsisimula ng
pagbabago sa ating sinumpaang tungkulin.
Bilang isang guro na nagtapos ng Batsilyer ng
Edukasyong Pangsekundarya-Medyor sa Englis, 7 taong
nagturo sa asignaturang Englis at ngayon ay
magdadalawang taon nang nagtuturo sa Filipino, ang
hamon na ito ay napapanahon sa wari ko…kaya’t walang
pag-aalinlangan at buong puso ko itong tinatanggap.
Maraming salamat at mabuhay tayong lahat!

You might also like