You are on page 1of 1

Gusto kong malaman mo, kung nasaan ka man ngayon, gaano ka man nalulunod, at gaano man

kalungkot ang iyong sitwasyon, hindi ito ang katapusan. Hindi ito pagtatapos ng iyong storya, hindi ito
ang huling kabanata ng iyong buhay. Alam kong maaring mahirap ngunit kung manatili ka’t ako’y
pakikinggan, malalaman mong malalagpasan mo ang sandaling paghihirap na ito.

Sa kasalukuyang estado ng mundo, halos kalahati ng populasyon ang humaharap sa mental


health crisis. Mahalagang malaman natin kung bakit tayo nalulunod sa ganitong sitwasyon at kung paano
tayo gagawa ng solusyon. Maniwala ka man o hindi, gumagawa tayo ng sarili nating negatibong emosyon.
Ang dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay nadedepress ay dahil sa paulit ulit na pag iisip ng mga
bagay at ang patuloy na paghawak sa mga bagay na ating pinaniniwalaan. Uulitin ko, ang dahilan kung
bakit ang isang indibidwal ay nadedepress ay dahil sa paulit ulit na pag iisip ng mga bagay, at paghawak
sa mga bagay na ating pinaniniwalaan. Kung palalayain natin ang sarili natin sa mga kaisipang ito, sa mga
paniniwalang ito, hindi natin mailalagay ang ating sarili sa rehas ng kalungkutan at kawalan ng direksyon
sa buhay.

Maraming bagay ang itinuturo sa atin, ngunit hindi ang kung paano maging masaya, at kung
gaano kahalaga ang ating emosyon at kaisipan. Walang ibang makakapaglagay sa atin sa kasiyahan kundi
ang ating mga sarili. Magkaroon ng pokus, at gumawa ng mga positibong bagay sa iyong buhay. Kapag
mas pinili mong unahin at idebelop ang iyong sairili bilang priyoridad, ay makakasabay ka sa mundo. May
mga taong tinapos ang kanilang sariling buhay dahil sa kaisipan at paniniwala na hindi sila karapat dapat,
hindi sila magalingg at hindi sila mahalaga. Kahit ang mga kiniiinggitang tao ay “hindi mahalaga”.
Kailangan mong pahalagahan ang iyong sarili, gumawa ng mga bagay na siguradaong magpapatunay na
isang kang postibong impluwensiya sa mundo. May mga magagandang araw pa ang darating. May mga
dahilan pa para iyong marating ang buhay na nararapat mong damhin. Hindi ibig sabihin na ang buhay ay
magiging perkpekto, ngunit kung may kapayapaan sa iyong kaisipan, mababago ang paraan ng iyong pag
kilala sa mga sitwasyong ito. Titignan ka ng mga tao ng walang halong simpatiya kundi pag asa. Dahil ang
iyong lakas ang kanilang magiging pag asa at ang kanilang pag asa ang magiging lakas ng iba. Maari kang
maging malakas, maari mong talikuran ang mga bagay na lumalagay sa’yo sa kahinaan, gumawa ng
hakbang para maging positibong pagbabago sa iba, para maging inpirasyon sakanila na titignan ka at
sasabihing “nagawa niya, at magagawa ko rin”.

Gusto kong malaman mo, kung nasaan ka man mgayon, gaano ka man nalulunod, at gaano man
kalungkot ang iyong sitwasyon, hindi ito ang katapusan dahil ito ang simula. Hindi ito pagtatapos ng
iyong istorya dahil ito ang pagsisimula, hindi ito nag huling kabanata ng iyong buhay dahil ito ang unang
kabanata pa lamang Alam kong maaaring mahirap ngunit tandaan mo ikaw ay mahalaga. Higit pa sa
mahalaga. Ang opinyon ng iba ay hindi depinisyon ng kung sino ka.

You might also like