You are on page 1of 4

Hi!!

Alam nyo bang miss ko na kayo

Sa tuwing napapahinto ako kayo agad naiisip ko

Dati pala ganito tayo, dati pala tayo

Ang lungkot lang kasing isipin hindi umabot sa dulo

Nalihis ata at napunta sa ibang dulo sa kabilang dulo

Alam niyo ba na kasama kayo sa pinaka importanteng tao sa buhay ko

Sabi ng iba may dahilan kung bakit tayo ay pinagtagpo-tagpo

Pero siguro hindi sapat ang mga dahilang yun para tayo ay manatiling buo

Noog tayo ay nagkakilaa Nung una nahihiya pa sa isa't isa

Dumaan ang araw, linggo .At lumipas ang taon

Kayo'y aking naging barkada .Na di kalauna'y aking naging pamilya

Nagkaroon ako ng pagkakataon .Na kayo'y aking makasama

Sa masasaya't malulungkot na alaala Na hangang ngayon aking daladala

At dadalhin ko pa sa aking pagtanda

Magkasama tayong tumawa, kumanta, umiyak at higit sa lahat magkasama nating


hinarap sa mga hamon na sumubok sa ating pagkakaisa

May mga hindi pagkakaintindihan .Pero kinaya at sana kayanin pa

May mga pagkakamali . Pero may aral at sana di na maulit pa

Nung mga sandaling tayo pa, Wala pang sila

Masaya naman tayo diba?

Habang napapalayo ang isa .Napapalayo na rin ang iba

Unti unti ng nawawala ang pamilya

Pamilya na binuo natin na magkakasama U

Pamilya na binubuo ng ibat ibang mga taong

May ibat ibang estorya

Sana sa pagdating ng sila .Manatili parin ang una


Nanatili naman diba? At sana manatili pa ngunit wala na hindi na kinaya

Pero hindi naman natin yun pwedeng pigilan

Sapagkat yun ang nakatadhana .Ang makilala natin sila

Kailangan para subukin

Ang pagmamahalan at tiwala ng bawat isa

Tiwala? Nag tiwala ka nga ba? Tiwalang nawala na

At matuto na rin sa iba hindi lang sa kanila

Lumipas ang araw at linggo

Bumalik ang tayo

Dahil nanatili at pinili ang tayo . At sana manatili pa tayo

May napagtanto yun ay 'Mahal ko kayo'

At ako ay para sa inyo Ngunit nasaan na kayo

Miss na miss ko na Ang tayo. Masaya kapag tayo'y buo

Lumalabas ang kunting kulo . Pero meron paring tinatago

Ayos lang minsan kahit walang kibo. Basta natatanaw ko kayo

Dumaan tayo sa napakaraming aminan

Na palaging hunahantong sa iyakan at yakapan

Aminan na mas nagpatatag sa ating pagmamahalan

Mga lamesa't upuan na naging saksi sa ating iyakan

At dahil tayo'y pamilya ..Pamilya nga ba? Patawad kung akoy nagaalinlangan pa

Ang isat isay ating naging sandalan

Na sa kahit anong problemang dumaan sandal lng

Sandalan na akala ng iba at talagang maaasahan

Dahil sa making akala Nagsimula na naman ang hindi pagkakaintindihan

Ngunit sana atin ring maunawaan

Na hindi sa lahat ng pagkakataon ang sandalang yon ay andiyan


Para ating masandalan

Sila rin ay napapagod, nahihirapan at higit sa lahat nasasaktan.

Sana hindi nlng lumipas Ang panahon

At hindi na rin dumating ang ngayon

Noon, yakapan . Ngayon, titigan

Gustong gusto Kong bumalik sa noon at ipagpaliban ang ngayon.

Ngunit wala na plng pagkakataon

Ang saya saya natin noon .At gusto Kong balikan yon

Oo may natutunan tayo ngayon

Ngunit hindi naman natin mababalik ang noon

Yun ba ang kaplit Ng pagkatuto. Ang mawala ang tayo?

Ngayon makikita sa mata. Na nag-iba na talaga

Ang trato sa isat isa .Tila ba hindi tayo nagkakilala

Takot ng magtiwala .Dahil nung una siyang nagtiwala

Nasakatan lamang sya .Kaya ang tiwalang yun

Hinayaan nalang mawala

Sa tuwing kayo'y naaalala. D ko mapigilang mapaluha

Sapagkat sira na pala at tila wala ng pag-asang mabuo pa

Sana hindi na lng lumipas ang taon. At nanatili nlng sa noon

Ako ay nagmahal, nagmamahal, at patuloy paring magmamahal.

If you all think I'm selfish..SORRY..


Talagang nanaig sa puso't isipan

Sana patuloy na manaig ang pagmamahalan

Noon at Sana Hanggang Ngayon

You might also like