You are on page 1of 3

Si Santiago at ang Sirena

Maraming siglo na ang nakaraan

Mayroong lalaki Santiago ang pangalan,

Sa mga dagat sa Pagadian

Araw – araw siyang nakikipagsapalaran

Isang hapon habang siya’y nangingisda

Tinig kanyang narinig,sadyang kay ganda

Sinundan niya ang boses hanggang natagpuan

Isang babaeng mahiwaga ang katawan.

Kalaunan ay naging magkasintahan sila

Dahil sa sobrang pagmamahal ni Santiago kay Clara,

Naisipan nitong sa kaharian sumama

Upang dito nalang tumira.

Sa likod ng malaking bato kung saan sila unang nagkita

Nakipaglaro ang magkasintahan sa mga isda,

Nang biglang dumating,grupo ng mangingisda

Nagulat sila sa kanilang nakita.


Sinulong nila si Santiago

Dahil akala nila ito’y nagayuma

Agad prinotektahan ng lalaki ang kanyang minamahal

Sinikap ng sirenang makaalis sa batuhan.

Sa kasamaang palad ito parin ay namatay

Marahas na pagpatay sinabi ng mga isda,

Puno ng kaharian ng sirena

Galit sa tao kaya binigyan ng parusa.

Nagpakawala sila ng malakas na alon

Naging sanhi ng kamatayan ng mga tao roon,

Ngayon bumait ang mga tao sa dagat

Pag-aalaga rito ang siyang nararapat.

~~WAKAS~~

You might also like