You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Ikalawang Markahang Pagsusulit


SY 2016-2017

Pangalan: ________________________ Pangkat: ___________


Petsa: ____________ Iskor: _________

Pangkalahatang Tuntunin:
1. Basahing mabuti ang mga panuto at sundin ang mga ito.
2. Para sa mga tanung na may pagpipilian, isulat ang sagot sa patlang.
3. Iwasang magpawi o magbura.

I. Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang tamang letra ng sagot at isulat ito sa patlang
bago ang bilang.
_______1. Ayon sa diksyunaryong Pilipino-Ingles, ang salitang “kapwa” ay salin ng mga salitang “Both at Fellow being” sa
wikang Ingles. Kapag itoý naririnig ang unang pumapasok sa isipan ay ang salitang Ingles na “Others” na
nangangahulugang:
A. pakikibahagi ng sarili sa iba C. pakikibahagi ng tulong sa iba
B. pakikibahagi ng pamilya D. pakikibahagi ng lahat ng meron sa iba
_______2. Sa mga kalamidad na pinagdadaanan ng ating bansa, maraming tao ang nagpapakita ng tunay na kahulugan
ng pakikipagkapwa. Bakit ito ay lubhang mahalaga sa tao?
A. Upang magkaroon ng maraming kakilala
B. Ang kaunlarang buhay ay nakasalalay sa pakikipagkapwa
C. Sa pakikipagkapwa malalaman ng tao ang lipunang kanyang kinabibilangan
D. Maraming bagay ang matutuhan ng isang tao na magdadala sa kanya sa kaganapan at magbibigay
kahulugan sa kanyang buhay.
_______3. Papaano mo mapauunlad ang iyong sarili? Ito ay sa pamamagitan ng ________.
A. Pagmamahal sa Diyos C. pagkakaroon ng tamang pagkilos
B. Pagtulong sa kapwa kungkinakailangan D. lahat ng nabanggit
_______4. Ang mga sumusunod ay senyales ng mabuting pakikipagkapwa maliban sa isa. Alin ito?
A. “Salamat, ang laki ng tulong na ibinigay mo.”
B. “Sabihin mo lang, pupunta ako para tulungan ka.”
C. “Hindi ako ngumingiti sa tao lalo’t hindi ko kilala.”
D. “Pakinggan natin si Adora, baka may maganda siyang mungkahi.”
_______5. Bakit ang pamilya ang may pinakamalaking impluwensya sa katauhan at kabuuang pag-unlad ng isang tao?
A. sapagkat dito siya nagkaisip
B. sapagkat dito siya naging tao
C. sapagkat ito ang kanyang dalang pangalan
D. sapagkat dito unang natuto ang tao at nagkaroon ng kasanayan
_______6. Ang mabuting pakikipagkapwa ay naibabatay sa paggalang ng karapatan ng iba. Alin ang nagpapakita ng
paggalang ng karapatan?
A. Pagsunod sa mga karapatan C. pagsagot ng pabalang sa tanong
B. Paggawa ng sarili mong kagustuhan D. paghikayat sa iba na sumama sa iyo
_______7. Sa pakikipagkaibigan dapat nating iwasan ang [agiging mkasarili. Kung uunlad ang ating pagkatao dapat
isabay natin ang pag-unlad n gating kaibigan. Sa anong antas ng pakikipagkaibigan ito kabilang?
A. Pag-unlad ng sarili C. kapwa pag-unlad kasabay ng iba
B. Paggawa ng sarili mong kagustuhan D.sabay o kapwa pag-unlad ng dalawang
magkaibigan
______8. Papaano makakaapekto ang pamilya sa isang indibidwal?
A. Pamilya ang unang nagturo ng pagbasa at pagsulat
B. Pamilya ang tumutugon sa pangangailangang pinansyal
C. Pamilya ang nagbibigay inspirasyon sa bawat miyembro nito
D. Pamilya ang humuhubog sa kabuuan ng isang indibidwal mula pagkabata
______9. Kung minsan ang panlabas na kaanyuan ang pinagbabatayan natin ng ating pakikipagkapwa. Kalian natin
masasabi na ang tao ay may mabuting kapwa?
A. Kapag nakikiisa siya sa hangarin ng bawat isa
B. Kapag kaya niyang ibahagi ang sarili
C. Kung inuunawa niya lahat ng kamalian ng bawat isa
D. Kapag namumula o namumuna siya ng kapintasan ng iba
______10. Nararapat tayong mag-ingat sa pagpili ng isang mabuting kaibigan. Alin sa mga sumusunod ang dapat na
maging pamantayan nito?
A. Ang kaibigan ay handang tanggapin ang kamalian
B. Ang kaibigan ay handang umalalay kung kinakailangan
C. Ang kaibigan ay handang pagtakpan ang iyong kasalanan
D. Ang kaibigan ay magandang kasama kung palagiang nagbibigay
______11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng isang tunay na kaibigan?
A. Mapagbigay sa lahat mong kahilingan
B. Gumagawa ng takdang aralin ng kaibigan niya
C. Ipinagtatanggol ka niya sa lahat ng pagkakataon
D. Tinatanggap ang iyong tunay na pagkatao maganda man o masama.
______12. “Dapat tumulad ang isang pamilya sa walis tingting, matibay na nagbibigkis. “Ang pagpapahalaga nakapaloob
sa kaisipang ito ay:
A. Pagkakaisa B. pananagutan C. pagsisikap D. pag-uunawaan
______13. Walang kibo at imik ang iyong kaibigan. Papaano mo haharapin ang ganitong sitwasyon?
A. Hindi ko siya papansinin C. Kakausapin ko siya ng may pang-unawa
B. hindi ko siya iimikan o iibuin D. ipapakita kong hindi ko gusto ang inaasal niya
_____14. “Tainga niya ay bukas, mata niya ay mulat, bibig niya ay nangungusap, puso niya ay tumatanggap, alin sa
sumusunod na pahayag ang nais ipakahulugan nito?
A. Isang kaibigan na sarili lamang ang iniisip
B. Isang kaibigang handing making at magpayo
C. Isang kaibigan ang tanging hangad ay siya lamang ang pakinggan
D. Isang kaibigang handang tumulong kapag siya ay tinutulungan lamang.
______15. Mayroong pangangailangan ang tao na makapagpapaunlad sa kaniyang sarili, at ang lahat ng ito ay makukuha
niya sa ibang tao na kung tawagin ay:
A. Kaaway B. Kaibigan C. Kalahi D. Kapitbahay
______16. Iba’t iba ang uri ng komunikasyon. Tumutukoy ito sa kagamitang papel at pansulat para ipabatid ang
impormasyong nais.
A. Pagmamasid B. Pakikinig C. Pagsusulat D. Pakikipag-usap
______17. Upang mapanatili ang maganda, mabuti at maayos na ugnayan sa kapwa, mahalaga at kailangan ang regular
na:
A. Komunikasyon B. Pagdadamayan C. pakikipagkita D. Pagsasama
______18. Alin sa mga sumusunod ang dapat iwasan kung nakikipag-usap?
A. Pagtingin sa mukha ng kausap C. Pakikipag-usap ng nakaharap sa kausap.
B. Pag-unawa sa sinasabi ng kausap D. patuloy ang pagtatrabaho habang nkikipag-usap
_____19. Kung ikaw ay may suliraning kinakaharap ngayon, papano mo ito haharapin?
A. Tatakasan ang problema C. babalewalain na lamang ito
B. Magkukulong na lamang at iiyak D. sisikapin malunasan ang problema
_____20. Bago ka sa paaralan at ninanais mong makilala at patunayan ang iyong kakayahan sa iyong mga kamag-aaral.
Ano ang nararapat mong gawin?
A. Magtatayo ng isang “Fraternity” upang maging siga.
B. Sumali sa mga samahang pang-akademiko sa paaralan.
C. Takutin ang mga kamag-aral upang gawin ang lahat ng iyong ninanais.
D. Siraan ang mga kaklase sa guro at gumawa ng kwento kahit ito ay hindi totoo.
______21. Papaano mo maipapakita ang pagtulong mo sa kapwa?
A. Magbibigay ng limos sa mahihirap C. Tutulong sa mga nasalanta ng bagyo
B. Magbibigay ng donasyon sa nangangailangan D. Lahat ng nabanggit
______22. Kailan masasabi ng isang tao na nagging matagumpay ang proseso ng komunikasyon?
A. Kapag mahinahon ang pag-uusap C. Kapag sumasang-ayon lamang ang nakikinig
B. Kapag nauwi sa walang saysay ang pag-uusap D. Kapag naging angkop ang pagkakaunawa ng
tumatanggap ng mensahe.
______23. Papaano maipapakita ang pagtanggap na may bukas na isipan sa iyong kapwa?
A. Pag-aantala ng tulong sa kapwa.
B. Pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan
C. Pagsasawalang bahala sa nararamdaman ng iba
D. Pakikinig na may pang-unawa sa ibang tao o kasama
______24. Nakita mo na nangongopya ang iyong kamag-aral sa pagsusulit. Ano ang iyong gagawin?
A. Isusumbong mo siya sa guro
B. Ibubuko mo sa klase upang siya ay mapahiya
C. Ipagsasabi mo sa iba pagkatapos ng pagsusulit
D. Hahayaan na lang siya at paaalalahanan pagkatapos ng pagsusulit
_______25. Ang dahilan upang magtiwala ang isang tao sa kaniyang sarili at subukan ang marami pang pakikipag-
ugnayan sa iba ay tinatawag na____?
A. Pagtanggap sa kapwa C. Pagtanggap sa sarili
B. Pagtanggap sa kapamilya D. Pagtanggap sa kaibigan
_______26. Ano ang maaaring bunga kung ang mga magulang na namumuno sa pamilya ay walang pagkakasundo at
pagkakaunawaan?
A. Huwarang pamilya B. malayang pamilya C. watak watak na pamilya D. matibay na pamilya
_______27. Ang tibay ng pagsasamahan ay dapat magkaroon ng tamang pagpapasya. Anong pagpapasya ang
nakapaloob kapag ang lahat ay pumayag at tumanggap ng kapasyahan ng pangkat bagamang ang ilang kasapi ay may
pagtutol?
A. Authority B. Consensus C. Majority D. Plurarity
_______28. Naatasan ka ng iyong guro na maging lider ng iyong pangkat. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ipamahagi ang gawain sa mga miyembro
B. Ikaw na lider ang dapat gumawa ng lahat na gawain
C. Diktahan ang lahat ng miyembro ng kanilang nararapat gawin
D. Pabayaang ang miyembro lang ang magsagawa habang ikaw ay nakupo lang
______29. Alin sa mga sumusunod ang isang mabilis na instrumentong nakapagpapabago ng saloobin, paniniwala,
damdamin at hinuha ng tao?
A. Batas at paaralan C. media at information technology
B. Curfew sa pamayanan D. payo ng magulang
______30. Ang pagsunod sa kulay ng ilaw sa pagtawid ng daan ay isang halimbawa ng komunikasyon. Ito ay
komunikasyon sa pamamagitan:
A. Pagmamasid B. Pagsusulat C. Pakikinig D. Pakikipag-usap
______31. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
A. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan.
B. Ang tao ang may inklinasyon na maging mapag-isa.
C. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
D. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.
______32. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay _______.
A. Nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
B. Nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
C. Pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad
D. Pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa
______33. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa _______.
A. Kakayahan ng taong umunuwa
B. Pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
C. Espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
D. Pagtulong at pakikiramay sa kapwa
______34. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng ____ bilang paglilingkod
sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
A. Hanapbuhay B. Libangan C. Pagtutulungan D. Kultura
______35. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
A. Panlipunan B. Pangkabuhayan C. Politikal D. Intelektwal
______36. Naililinang ng tao ang kaniyang ______ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa mga
samahan.
A. Kusa at pananagutan C. Sipag at tiyaga
B. Talino at kakayahan D. Tungkulin at karapatan
______37. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ______.
A. Kakayahan nilang umunuwa sa damdamin ng iba
B. Kakayahan nilang makiramdam
C. Kanilang pagtanaw ng uatang na loob
D. Kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot
______38. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
A. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan.
B. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
C. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
D. Pakikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka
______39. Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng malim na pagkakaibigan?
A. Pagpapayaman ng pagkatao C. simpleg ugnayang interpersonal
B. Pagpapaunlad ng mga kakayahan D. pagpapabuti ng personalidad
______40. Bakit itinuturing na birtud ang pakikipagkaibigan?
A. Dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
B. Dahil mkakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan dahil sa paulit-ulit na pagdanas dito.
C. Dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
D. Dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
II. Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung di-wasto ang pahayag.
_________41. Nararapat na may lakip na paggalang at pagmamahal ang pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa.
_________42. Ang pakikipagkapwa ay nagpapatatag ng mga birtud ng katarungan at pagmamahal.
_________43. Ayon kay Aristotle, ang pakikipagkapwa-tao ay isa sa mga kalakasan ng mga Pilipino.
_________44. Ayon sa Webster’s Dictionary ang pagkakaibigan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa
isang tao dahil sa pagmamahal o pagpapahalaga.
_________45. Ang tao ang humuhubog ng kaniyang pagkakaibigan.
_________46. Ang katapatan ay daan upang magkaroon ang magkaibigan ng oras para sa isa’t isa.
_________47. Ang pag-unawa ay nangangahulugang paglagay ng sarili sa sitwasyong kinalalagyan ng kaibigan.
_________48. Ang isang tunay na kaibigan ay nkahandang ingatan ang lihim ng isa pa.
_________49. Ang pag-aalaga ay proseso ng pagtulong sa kaibigan na siya ay lumago at makamit ang kaniyang
kaganapan at hindi upang siya ay sanaying maging palaasa.
_________50. Ang paghingi ng kapatawaran ay nangangahulugan ng kahinaan ng isang tao.

You might also like