You are on page 1of 19

Home

About Us

K-12 Curriculum

Issuances

LRMDS

Transparency Board

Schools

Services And Resources

ALS

CLASSNET

Contact Us

Log In!

Search!

TAKEaQUIZ1

BAHAGI I :COMMUNICATION SKILLS

Direction: Read the paragraph carefully and answer the questions that follow.

Carbon dioxide, one of the burn gases, not only exists naturally in the atmosphere but is also produced
when human fossil fuels (coal, oil and gas), cars, power stations and factories all burn gases for energy
(to make a car move or generate electricity). This adds more carbon dioxide to the atmosphere,
thickening the blanket of greenhouse gases surrounding the earth. This means that fewer rays of heat
from the sun are able to get back out into space. So, much like a thicker duvet keeps your warmer at
night, the thicker blanket of greenhouse is warming the earth up and changing our climate.

1.What is considered as the big killer in the opinion of the author?

a. carbon dioxide

b. thick blanket

c. heat from the sun

d. all of these

2. What other factors contribute to global warming aside from the abundance of carbon dioxidein our
planet?

a. greenhouse gasses

b. fossil fuels

c. heat from the sun

d. oxygen

3. What does duvet means ?

a. gas

b. blanket

c. light

d. clothing

4. The following are examples of fossil fuels EXCEPT

a. coal

b. oil

c. gas
d. plastic

You say you're satisfied with that old basset hound of yours? Fine, Dogs are wonderful pets. No one
knows that better than the folks down at The Pet Set. Dogs are loyal, friendly and lovable.

But can they change their colors in the twinking of an eye?

Do they dance, hiss and puff up like baloons?

Do they make stranger say, "Boy, is that weird!"

If you answered "No" to any of these questions, perhaps the next question is "Why don't you have a
chameleon?" Because, really and seriously, folks, chameleons are marvelous pets.

They're neat, clean and easy to care for.

They don't bark, meow, chatter or warble

Plus ... They're the darndest conversation starters this side of a red turbo sports car.

5. In the paragraph dogs are being compared to

a. pets

b. cats

c. folks

d. chamelion

6. The paragraph is

a. Informative and precise

b. entertaining

c. purposive

d. humurous

7. The paragraph also attempts to persuade a general audience to _________________


a. stop taming dogs and cats

b. stop caring for pets because they are useless

c. buy chamelions

d. both A and B

8. What animal changes color on their own ?

a. dogs

b. cats

c. parrots

d. chameleons

Home

About Us

K-12 Curriculum

Issuances

LRMDS

Transparency Board

Schools

Services And Resources

ALS

CLASSNET

Contact Us

Log In!
Search!

TAKEaQUIZ3

PROBLEM SOLVING AND CRITICAL THINKING

Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod na tanong.

1. Kung ang isang dolyar ay naipapalit ng P 43.50, magkano maipapalit ang limang dolyar?

a. P 215.50

b. P217.50

c. P219.50

d. P221.50

2. Nakalista sa ibaba ang pinamili ni Mina sa palengke. Gaano kabigat lahat ang kanyang napamili?

Gulay 1-3/4 kilo Prutas 500 gramo Isda 3 kilo Baboy 2.5 kilo

a. 7.75 kilo

b. 7.25 kilo

c. 7 kilo

d. 6.75 kilo

3. Si Alvin ay gwardiya sa isang pabrika, ang oras ng kanyang pag-uwi ay 21:30. Anong oras ang labas niya
sa pabrika?

a. 11:30 ng umaga

b. 11:30 ng gabi
c. 9:30 ng umaga

d. 9:30 ng gabi

4. Ang markang nakuha ni Joyce sa kanyang 5 asignatura para sa unang markahan ay ang sumusunod: 87,
82, 80, 81 at 78. Ano ang average niya para sa markahang iyon?

a. 81.5

b. 81.6

c. 81

d. 81.8

5. Niresetahan si James ng 2 tabletang Vitamin B supplement 3 beses maghapon sa loob ng 6 na araw.


Ilang tableta lahat ang kailangan nyang bilhin?

a. 18 tableta

b. 6 tableta

c. 36 tableta

d. 42 tableta

6. Ang isang supot ng asukal ay may timbang na 500 gramo. Kung ang isang kutsarang asukal ay
katumbas ng 4 na gramo,ilang kutsara ng asukal ang laman ng supot?

a. 125 kutsara

b. 120 kutsara

c. 115 kutsara

d. 110 kutsara

7. Si Pamilya Santos ay naglaan ng P12,000 para sa badyet ng kanilang pamilya sa buwan ng Enero.
Binahagi niya ito sa mga sumusunod:

pagkain — 30%, baon ng mga anak sa paaralan — 20%,

bayad sa kuryente at tubig — 15%, upa sa bahay — 25%,


mga di inaasahang gastusin — 10%.

Magkano ang inilaan ng Pamilya Santos sa pagkain para sa buwan ng Enero?

a. P3,600

b. 360

c. 3,000

d. 2,400

8. Anong bilihin ang pinakamababa ang halaga bawat kilo?

a. kalabasa

b. patatas

c. upo

d. talong

9. Kung si Angela ay bumili ng 2 kilong upo at 3 kilong patatas, magkano ang kanyang babayaran?

a. 120Php

b. 135Php

c. 150Php

d. 155Php

10. Magkano ang sukli ni Angela kung siya ay nagbayad ng P500 sa tindero?

a. 380 Php
b. 345 Php

c. 365 Php

d. 350 Php

Home

About Us

K-12 Curriculum

Issuances

LRMDS

Transparency Board

Schools

Services And Resources

ALS

CLASSNET

Contact Us

Log In!

Search!

TAKEaQuiz2

SINING PANGKOMUNIKASYON

Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod na tanong .


1. ___________ ako ng sorbetes kahapon.

a. Kain

b. Kakain

c. Kumain

d. Kumakain

2. Ang malaking titik ay ginagamit sa pagsulat ng

a. tanging ngalan ng tao o pook

b. ngalan ng araw, buwan mga pagdiriwang

c. simula ng isang pangungusap

d. lahat ng nabanggit

3. Ang Piloto ay isang uri ng kasarian ng pangngalan na

a. pambabae

b. panlalaki

c. di-tiyak

d. walang kasarian

4. Si Wilson ay nakita ko na nagmamaneho ng matulin na kotse. Ang kasalungat ng salitang may


salunggihit ay

a. maingay

b. mabilis

c. mabagal

d. mausok
5. Alin sa mga sumusunod ang salitang ugat ng pandiwang pagtulungan

a. tulong

b. pag tulong

c. tulungan

d. pag

6. Tadtarin mo ng pino ang kamatis at sibuyas. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugan ng

a. manipis

b. isang uri ng puno

c. maliit na maliit

d. mainam

7. Si Lola Basyang ay _______________ ng magandang alamat kagabi

a. kuwento

b. nagkuwento

c. nagkukuwento

d. nagkuwentuhan

8. Magbabakasyon sa ibang bansa sina Leona at Maya. Ang mga salitang may salungguhit ay halimbawa
ng

a. pang-abay na pamaraan

b. pang-abay na pamanahon

c. pang-abay na panlunan

d. pang-abay na pang-agham

9. Maraming bundok sa Pilipinas. Ang bundok apo ang ____________sa lahat


a. mataas

b. higit na mataas

c. lubhang mataas

d. pinakamataas

10. Mataba ang kanyang aso na si Putol. Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng

a. pang-abay

b. pang-uri

c. panghalip

d. pandiwa

Home

About Us

K-12 Curriculum

Issuances

LRMDS

Transparency Board

Schools

Services And Resources

ALS

CLASSNET

Contact Us

Log In!
Search!

TAKEaQUIZ5

PAGPAPALAWAK NG PANANAW

Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod na tanong.

1. Sina Berto at Domeng ay magkaibigan. Isang araw, habang naglalaro ng basketbol ay napatid ni Berto
nang di sinasadya si Domeng. Nasaktan si Domeng at nakadama ng galit kay Berto. Subalit ipinasya
niyang umuwi muna upang magpalamig ng ulo. Aling estilo ng pamamahala ng hidwaan ang kanyang
ginamit?

a. Pagbibigay

b. Pakikiisa

c. Pag-iwas

d. pakikipaglaban

2. Matatagpuan ang mga Ifugao sa

a. Kanlurang Visayas

b. Hilagang Luzon

c. Katimugang Luzon

d. Silangang Mindanao

3. Nagkataon na nagkasabay sa family reunion ninyong magkakamag-anak ang selebrasyon ng unang


anibersaryo ng kumpanyang iyong pinapasukan. Ano ang iyong gagawin?
a. Hihingi ng paumanhin sa mga kamag-anak dahil maiintindihan naman nila ang aking sitwasyon.

b. Pupunta sa family reunion dahil minsan lamang kaming magkikita-kita ng aking mga kamag-anak.

c. Hindi na lamang pupunta sa alinmang okasyon.

d. Pupunta saglit sa trabaho upang makiisa sa selebrasyon at pagkatapos ay tutungo sa family reunion.

4. Ang Philippine Air Lines (PAL) ay nagkaroon ng malaking problema na naging sanhi ng suspension ng
operasyon nito sa maraming lugar. Ano ang magiging epekto ng pangyayaring ito sa isang magsasakang
katulad ni Mang Andres?

a. Mahihirapan si Mang Andres sa pagbebenta ng kanyang mga produkto sa ibang lugar.

b. Hindi na magkakaroon ng pagkakataon si Mang Andres na sumakay sa eroplano.

c. Maninibago si Mang Andres dahil nasanay na siya na may eroplanong lumilipad sa ibabaw ng kanyang
sakahan.

d. Walang epekto kay Mang Andres dahil hindi siya sumasakay sa eroplano.

5. Ang United Nations (U.N) ay maaaring makialam sa ilan sa mga problema ng mga bansang miyembro
nito para

a. Sa sariling kapakanan

b. Patunayan ang karapatang makialam

c. Pangalagaan ang karapatan ng mga miyembro nito

d. Pangalagaan ang kapayapaan sa buong mundo

6. May mga hindi pagkakaunawaan ang ilang bansa tungkol sa kani-kanilang teritoryo. Ano ang
makatarungang solusyon dito?

a. Paggamit ng armas

b. Pantay na paghahati ng teritoryo

c. Pakikibahagi ng teritoryo ng nakakahigit na bansa sa maliliit na bansa


d. Pagsusuri ng batayan sa kasaysayan tungkol sa bansang may tunay na karapatan sa teritoryo

7. Ano ang dapat mong gawin kung marami kang kailangan tapusin subalit kinakapos ka na sa oras?

a. Tatapusin lamang ang gustong gawin

b. Gagawa ng sistema sa pagtatrabaho

c. Ipapasa sa ibang tao ang trabaho

d. Magmamadali sa paggawa

8. Ano ang pinakamagandang dahilan sa pakikipag-penpal sa isang banyaga o taga-ibang bansa?

a. Upang makahanap ng mapapangasawang banyaga

b. Upang makahanap ng kakilala para makaalis ng bansa

c. Upang mapalawak ang kaalaman

d. Upang masanay sa pagsusulat sa wikang ingles

9. Ang mga sanga ng punungkahoy na tanim ni Eddie ay nakasasagabal sa pagtubo ng mga halaman ni
Jose. Ano ang nararapat gawin ni Jose?

a. Tatabasin ni Jose ang mga sanga nang hindi nagpapaalam kay Eddie.

b. Makikiusap si Jose kay Eddie na tatabasin ni Jose ang mga sangang nakasasagabal sa kanyang bakuran.

c. Sasabihin ni Jose kay Eddie na dapat tabasin ni Eddie ang sanga dahil nakakasagabal ito.

d. Walang dapat gawin si Jose dahil wala siyang karapatang ipaputol ang sanga ng punungkahoy

10. Mas mabuti kung tayo ang maglalabas (export) ng produkto natin sa ibang bansa kaysa tayo ang mag-
aangkat (import). Ano ang kabutihang idudulot nito?

a. Marami ang magkakaroon ng trabaho.

b. Tataas ang mahalaga ng piso at aangat ang ating ekonomiya.

c. Darami ang mga turista dito sa atin.


d. Magtataasan ang presyo ng bilihin.

Home

About Us

K-12 Curriculum

Issuances

LRMDS

Transparency Board

Schools

Services And Resources

ALS

CLASSNET

Contact Us

Log In!

Search!

TAKEaQUIZ4

KABUHAYAN AT LIKAS NA YAMAN


Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod na tanong.

Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong bilang 1-4

Nag-iisang barangay ang Masaya sa isla ng Bulalakaw. Ito ay binubuo ng anim na sitio. Ang Masaya ay
sagana sa likas-yaman. Malawak ang mga bukirin para sa mga palay, mais at niyog. Malawak dn ang
kanipaan, bakawan at kawayanan. Sa kanyang dalampasigan, ang coral reef ay mayaman sa kabibe, sigay,
tahong at iba pang pagkaing- dagat. Ngunit walang kalsada sa buong isla Bulalakaw

1. Nakaiskedyul ang paghango ng talaba sa susunod na buwan. Ang makukuha rito ay aabot sa humigit
kumulang 10 tonelada. Ano ang pinakamabuting paraan upang maibenta kaagad ang mga ito?

a. Ibenta ng tingi sa karatig na probinsya

b. Ibenta sa mga darating na turista

c. ibenta sa taga barangay Masaya

d. ibenta sa komprador at sakador

2. Dadami ang produksyon ng tahong kung daragdagan ang

a. Haba ng mga kawayan

b. Dami g ma kawayan

c. dami ng mga trabahador

d. edukasyon ng mga trabahador

3. Aling likas na yaman sa Masaya ang mahalaga sa pagtatag ng tahungan?

a. Kawayanan

b. Kanipaan

c. Bakawan

d. bukirin

4. Sa pagtatahong, kailangan ang maninisid. Sino ang HINDI karapat-dapat na tanggapin sa gawaing ito?
a. Mga batang lalaki na 10 taong gulang lamang

b. Mga dalagang higit sa 18 taon ang edad

c. Mga dating bilanggo

d. mga lalaking may asawa

5. Sinisikap na mapanumbalik ng mga mangingisda at kinauukulan ang kasaganahan ng ating likas na


yamang dagat. Aling aksyon ang NALILIHIS sa layuning ito?

a. Pagtataguyod ng pangangasiwa ng baybaying pangisdaan at likas na yaman nito

b. Pagkakaroon ng alternatibong pangkabuhayan

c. Pagkakaisa sa hanay ng mga mangingisda

d. Paggamit ng pinong lambat

6. Aling katangian ang HINDI kinakailangan para maging mahusay na negosyo?

a. Mapag-organisa ng sarili at ng ibang tao

b. Magaling magbenta ng mga patubo

c. Mapagbigay sa mga pulubi

d. Mapagsapalaran

Apat na uri ng Organisasyong Pangnegosyo

A. Sariling Pangnegosyo C. Kooperatiba

B. Korporasyon D. Sosyohan

Ang nakalista sa itaas ay apat na uri ng organisasyong pangnegosyo. Sa mga bilang 7-8 ay ang mga
pahayag na nagsasaad ng katangian o sitwasyon tungkol sa mga ito. Piliin ang uri ng organisasyon na
siyang tinutukoy sa bawat pahayag.
7. Ang paghalal ng mga namumuno ay idinaraan sa dami ng share o laki ng puhunang naiambag ng
miyembro.

a. Sariling Pangnegosyo

b. Korporasyon

c. Kooperatiba

d. Sosyohan

8. Kusang nagsasama-sama at nagtutulong-tulong ang mga may-ari upang lumkha ng mga serbisyo o
produktong tutugon sa kanilang pangangailangan.

a. Sariling Pangnegosyo

b. Korporasyon

c. Kooperatiba

d. Sosyohan

9. Si Inez, isang masahista, ay nagkaroon ng mga kliyente sa isang malaking subdibisyon. Gagawa siya ng
survey upang mapataas niya ang uri ng kanyang serbisyo roon. Alin sa mga ito ang HINDI kailangan sa
survey?

a. Presyo ng serbisyo

b. Kita ng kliyente

c. oras/petsa ng serbisyo

d. istilo ng masahe

10. Aling kilos ang dapat gawin ng mga mamamayan laban sa maling paraan ng pangingisda?

a. Isumbong sa DENR ang gumagawa ng modernong lambat

b. Huwag bilhin ang mga produkto ng palaisdaan

c. Sumali sa kampanya laban sa pagdidinamita


d. Huwag munang kumain ng isda

You might also like