You are on page 1of 2

HOLY CHILD CATHOLIC SCHOOL, INC.

Plaza Amado V. Hernandez, Tondo, Manila


SCHOOL YEAR 2018 - 2019

ARALING PANLIPUNAN 9

Panahong Saklaw: Mayo 28, 2019 ( Unang Kapatan/Kwarter)


Sanggunian: Imperial, Consuelo M.et al, 2017. Kayamanan: Ekonomiks Rex Book Store Inc., Nicanor
Reyes Sr. St. Sampaloc, Manila.
Mga kinakailangang kagamitan: Mapa at worksheets
Paksang Aralin: Basic Geogaphy
PAGTATAKDA NG LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng 60-minutong pag-aaral, inaasahang 80% ng mga mag-aaral ay:
1. Natutukoy ang mga pangunahing direksiyon, imahinaryang guhit at oras na ginagamit sa
pang-araw-araw na pamumuhay
2. Napapahalagahan ang mga pangunahing direksiyon, imahinaryang guhit at oras sa pang-
araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa ating daigdig
3. Naisasabuhay ang mga aral na natutunan patungkol sa pagtukoy ng direksiyon at lokasyon
ng isang lugar, kahalagahan ng oras at panahon

EXCELLENCE
Demonstrates the ability to analyze and solve problems

I. PANIMULA
A. Panalangin, pagbati, pagtala ng bilang ng klase, at pagaayos ng kanilang mga upuan.
B. Pagganyak:
a. Hahatiin ang klase sa apat na pangkat
b. Ang bawat pangkat ay magbibigay ng dalawang miyembro
c. Ang isa ay magbibigay ng direksiyon samantala ang isa pang miyembro ay nakatakip
ang mata at hahanapin ang mga bagay na kanilang mabubunot
d. Ang may pinakamabilis na oras na matapos ang gawain ay siyang panalo

II. PAGLALAHAD
A. Direksiyon
 Tatalakayin ang iba’t ibang pangunahing direksiyon sa asignaturang Filipino at Araling
Panlipunan
 Tutukuyin ng isa o higit pang kalahok ang direksiyon na ibibigay ng tagapagturo
 Gagawa ng isang mapa ang mga kalahok batay sa ibibigay na impormasyon at panuto
HOLY CHILD CATHOLIC SCHOOL, INC.
Plaza Amado V. Hernandez, Tondo, Manila
SCHOOL YEAR 2018 - 2019

ARALING PANLIPUNAN 9

B. Imahinaryang Guhit sa Globo at Mapa


 Itatanong sa mga kalahok kung mahilig silang bumiyahe? Lokal o internasyonal?
 Pamilyar ba kayo sa GPS? Compass?
 Tatalakayin ang iba’t ibang imahinaryong guhit na nakikita sa globo at mapa
 Pagturo kung paano kinukuha ang lokasyon ng isang bansa batay sa longhitud at
latitude
 Pagtukoy sa mga bansa batay sa ibibigay na digri longhitud at digri latitud

C. Pagtukoy ng Oras ng bawat bansa


 Ituturo kung paano tutukuyin ang oras ng bansa at lungsod gamit ang mapa
 Tutukuyin kung paano nagkakaiba ang oras ng isang bansa o lungsod sa ibang bansa o
lungsod
 Moving Activity (Tick Tack):
i. Bawat istasyon ay may bansang ibibigay ang tagapagturo
ii. Ang mga kalahok ay bibigyan lamang ng 1 minuto upang sagutin ang nasabing
gawain
iii. Kinakailangang lumipat sa susunod sa istasyon kapag narinig na ang salitang
Move.
iv. Ang may pinakamaraming tamang sagot ang siyang mananalo

REMARKS:

__________________________________________________________________________________

Date: Observed/Checked by:


Comments:

You might also like