You are on page 1of 4

GRADES 1 to 12 DAILY Paaralan Butansapa National High School Baitang 9

LESSON LOG
(Pang-Araw-araw
Guro MA. THERESE M. DEVARAS Asignatura FILIPINO
na Tala sa Petsa/Oras July 22, 2019 Markahan Unang Markahan
Pagtuturo)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog-
Silangang Asya
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing
panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang
pampanitikan ng Timog-Silangang Asya
C. .Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ (F9WG-Ie-43)
Layunin Naipapahayag ang sariling emosyon/damdamin sa iba’t
ibang paraan at pahayag.
II. NILALAMAN Wika: Emosyon/Damdamin sa Iba’t Ibang Paraan
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-
p.49-50
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo www.google.com
Kayumanggi, Perla Guererro et.al.
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagbabalik aral sa nakaraang aralin.
Pagsisimula ng Bagong Aralin
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin Damhin Mo!

Ipahahayag ng mga mag-aaral ang kanilang damdamin sa


mga larawan.

Gabay na Tanong:
a. Anong damdamin ang nangibabaw sa bawat larawan?
b. Ilarawan kung bakit nakaaapekto sa iyo ang mga
kalagayan sa larawan?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa 1. Nakatulong ba ang mga salitang naglalarawan upang


Bagong Aralin maayos na makapaglahad? Pangatuwiranan.
2. Anong kahalagahan ang maibibigay ng mga salitang
naglalarawan sa paglalahad ng iba’t ibang
damdamin/emosyon?
D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Pagtalakay ng paggamit ng wastong salitang naglalarawan
Paglalahad ng Bagong Kasanayan # 1 sa mga pahayag na bumubuo sa pagbibigay ng komentaryo,
blog o sa mga taludturan.

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Sa mga tulang naglalarawan, ganap na nabubuo sa isipan


Paglalahad ng Bagong Kasanayan # 2 ng mga mambabasa na may inilalarawan sa tulong ng mga
salitang naglalarawan. Sa tulong ng mga salitang ito, ang
damdamin ng tuwa, lungkot, galit o iba pang damdamin ng
makata o ng isang manunulat sa isang kalagayan, pook o
pangyayari ay buong laya niyang naipahahatid sa kaniyang
kapwa.
Sanggunian: Kayumanggi ni Perla Guererro et. al
F. Paglinang sa Kabihasaan (tungo sa Isagawa ang Pagsasanay sa Gawain 10 (p.49). Gawin ito sa
Formative Assessment) inyong kwaderno.
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-  Magbigay ng komentaryo gamit ang salitang
araw na Buhay naglalarawan tungkol sa isang napapanahong isyu.
H. Paglalahat ng Aralin  Paano nakatulong ang mga salitang naglalarawan sa
pagsusuri ng damdamin?
 Paano nakatutulong ang mga salitang naglalarawan
sa pagbibigay ng komentaryo tungkol sa isang isyu?

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Piliin ang damdaming naaangkop sa bawat taludtod


ng tula. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

A B C D

1. Daloy, aking luha…daloy aking luha sa gabing malalim


Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin,
Hugasan ang puso – yaring abang pusong luray sa hilahil,
Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tiisin!
“Luha” ni Rufino Alejandro

2. Sa niyanig-yanig ng mundong mabilog


Kapag may malaking bombing sinusubok
Ang ehe ng mundo ay baka mahutok
At saka malihis sakanyang pag-ikot,
Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos
Dahil sa paghinto ng kanyang pag-inog!
“Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan” ni Simon A. Mercado

3. Marahang-marahang
Manaog ka, Irog, at kata’y lalakad,
Maglulunoy katang
Payapang-payapa sa tabi ng dagat;
Di na kailangang
Sapnan pa ang pang binalat-sibuyas
Ang daliring garing
At sakong na wari’y kinuyom na rosas!
“Sa Tabi ng Dagat” ni Ildefonso Santos

4. Ikinulong ako sa kutang malupit:


Bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
Lubos na tiwalag sa buong daigdig
At inuring kahit buhay man ay patay.
“Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez

5. Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop


Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!
“Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” ni Amado V.
Hernandez
Susi sa Pagwawasto
1. C 2. B 3. A 4. C 5. D

1. Karagdagang Gawain para sa Takdang Gumawa ng tulang naglalarawan sa kasalukuyang isyu ng


Aralin/Remediation ating lipunan. Tatlong saknong lamang.
V. Mga Tala
____Natapos ang aralin/gawain at maaari nang magpatuloy
sa mga susunod na aralin.
____ Hindi natapos ang aralin/gawain dahil sa kakulangan
sa oras.
____Hindi natapos ang aralin dahil sa integrasyon ng mga
napapanahong mga pangyayari.
____Hindi natapos ang aralin dahil napakaraming ideya ang
gustong ibahagi ng mga mag-aaral patungkol sa paksang
pinag-aaralan.
_____ Hindi natapos ang aralin dahil sa
pagkaantala/pagsuspindi sa mga klase dulot ng mga
gawaing pang-eskwela/ mga sakuna/ pagliban ng gurong
nagtuturo.

Iba pang mga Tala:

VI. Pagninilay
A. Bilang ng Mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na nagpatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito ___ _sama-samang pagkatuto
nakatulong? ____Think-Pair-Share
____Maliit na pangkatang talakayan
____malayang talakayan
____Inquiry based learning
____replektibong pagkatuto
____ paggawa ng poster
____pagpapakita ng video
_____Powerpoint Presentation
____Integrative learning (integrating current issues)
____Pagrereport /gallery walk
____Problem-based learning
_____Peer Learning
____Games
____Realias/models
____KWL Technique
____Quiz Bee
Iba pang Istratehiya sa pagtuturo:______________
___________________________________________________
__________________________________

F. Anong suliranin ang aking naranasan


na solusyunan sa tulong ng aking
punong-guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni:

MA. THERESE M. DEVARAS


Guro

Kaalam:

ROWENA MAYO LOTO


Punong Guro I

You might also like