You are on page 1of 2

Juan Gomez de Liano at ang Fighting Maroons ay uusad papuntang finals, ito ang

unang pagbabalik ng UP simula pa noong 1986. Kuha ni Mark Demayo, ABS-CBN News

MANILA, Philippines - Ang laro ng Unidersidad ng Pilipinas laban sa Adamson


University ay gumawa ng isang kasaysayan.

Sa unang pagkakataon simula noong 1986 ay nakapasok ang Fighting Maroons sa Semi-
Finals ng UAAP Season 81 - Liga ng mga kalalakihan sa Basketball.

Nanalo ang Unibersidad ng Pilipinas laban sa Adamson University sa klasikong overtime


ikor na 89-87 sa Araneta Coliseum noong Nobyembre 28, 2018.

Si Juan Gomez de Liano nagpakita ng kakaibang gilas sa buong laro, nguti si Paul
Desiderio ang tunay na gumawa noon mga panahong kailangang-kailangan. Noong una
pa lamang ay sinabi na ni Juan GDL na dadalhin niya ang kaniyang grupo sa Semi-Finals
ng liga. Siya ay umiskor ng pitong puntos pagka pasok pa lamang niya galing sa bench.
Siya ang umiskor ang gumawa ng 23-13 noong unang kuwarte ng laro.

Nanatiling lamang ang Fighting Maroons hanggang ikalawang kuwarter ngunit bago
magtapos ang ikatatlong kuwarter ay humabol ang Soaring Falcons at ginawang 64-67
ang iskor.

Noong huling kuwarter ay dikit parin ang laban. Palitan ng puntos ang nangyari
hanggang noong 10.7 sigundo na lamang ang natitira at lamang parin ng tatlo ang UP.
Akala ng marami ay tapos na ang laban hanggang naka-iskor ng tres si Jerom Lastimosa
na nag pantay ng kanilang iskor at dahilan ng overtime.

Adamson University ang nanatiling lamang sa 12 minutong dinagdag sa oras ngunit ang
graduating guard na si Paul Desiderio ay naka-iskor ng dalwang puntos nooong 6.6
seconds na lamang ang natitira sa oras at ang Adamson guard na si Jerom Lastimosa ay
tumira ng tres at ito ay sumala na nagpapanalo sa Unibersidad ng Pilipinas.

Sa huli, si Juan GDL ay may career-high iskor na 30 puntos kasama nito ay 6 rebounds at
2 assists samantalang si Desiderio ay mayroong 16 puntos, 4 na steals, and 2 assists. Ang
Season MVP naman na si Akhuetie ay mayroong 13 puntos at 17 na rebounds. Para
naman sa Soaring Falcons, Jerrick Ahanmisi ay mayroong 20 puntos at si Lastimosa
naman ay mayroong 17 puntos, 7 rebounds, and 5 assists.

Ang pagkapanalo ng Unibersidad ng Pilipinas ay nangangahulugan na makakaharap nila


ang hindi pa natatalong Ateneo de Manila University sa best-of-three Finals na
mangyayarin sa Disyembre 1, 2018 sa MOA Arena.

Reperensiya: https://news.abs-cbn.com/sports/11/28/18/at-long-last-up-fighting-maroons-
top-adamson-for-1st-uaap-finals-trip-in-32-years
https://sports.abs-cbn.com/uaap/news/2018/11/28/up-fights-onto-uaap-81-finals-fending-
adamson-50405
https://news.abs-cbn.com/video/sports/11/28/18/watch-highlights-of-the-heart-stopping-
adamson-up-soap-opera-game

You might also like