You are on page 1of 3

Department of Education

Region III- Central Luzon


Schools Division of Tarlac Province
B.S AQUINO NATIONAL HIGH SCHOOL
Concepcion, Tarlac

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7


Pangalan: _________________ Pangkat: _____________
Petsa: _________________ Iskor: _____________
I Isulat ang titik ng tamang sagot
_________1.may kakayahang alamin ang diwa at buod ng isang bagay
a.puso b. isip c. katawan d. walang sagot
________2. Nakakaramdam ito ng mga bagay na nangyayari sa ating buhay
a.puso b. isip c. katawan d. walang sagot
_________3. Sumasagisag sa pandama, paghawak , paggalaw, paggawa at pagsasalita
a.puso b. isip c. katawan d. walang sagot
_________4. Isa sa mga nilikha ng Diyos na naaayon sa kanyang wangis
a. halaman b. hayop c. tao d. bato
_________5. Nilikha ng Diyos na nagangailangang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.
Kumukuha ng sustansiya upang makayanang suportahan ang sarili
a. halaman b. hayop c. tao d. bato
_________6. Ayon sa kanya ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap, ang isip, puso at
katawan
a. Dr. Jones Manuel b. Dr. Manuel Dy Jr. c. Dr. James Dy Jr. d. Dr. Manny Dy Jr.
_________7. May tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos loob
a. halaman b. hayop c. tao d. bato
_________8. May kakayahang mangatwiran
a.puso b. isip c. katawan d. walang sagot
_________9. Tawag sa kakayahang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
a. puso b. katawan c. kakayahan d. kilos loob
________10. Hindi nasusukat sa dami at taas ng pinag-aralan kundi kung paano ginagamit ang
kaalaman upang ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng pagkatao
a. karangyaan b. kapayapaan c. pagpapakatao d. katalinuhan
________11. Pangunahing tunguhin ng kilos loob
a. kabutihan b. kaalaman c. katotohanan d. karunungan
________12. Ang tao ang natatanging nilikha ng Diyos sapagkat
a. may kakayahang mabuhay
b. tanging ito lamang ang may isip at kilos loob
c. matalino ang tao
d. kaya nitong gawin ang lahat ng naisin
________13. Pinakamaraming kakayahan sa tatlong nilikha ng Diyos
a. halaman b. hayop c. tao d. bato
________14. Mahalagang bahagi ng pagkatao na ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng
isip at puso sa konkretong paraan
a.puso b. isip c. katawan d. walang sagot
________15. Batas na ibinigay ng Diyos sa tao bago pa niya ito likhain
a. Golden rule b. likas na batas moral c. Hammurabi code d. walang sagot
________16. Uri ng konsensiya na nakabatay sa maling primsipyo
a. Tama b. mali c. Masama d. mabuti
________17. Katangian ng likas Batas Moral na nakabatay sa mismong katotohanan
a. Obhetibo b. Unibersal c. Eternl d. Immutable
________18. Uri ng konsensiya na nahuhusgahan nang tama
a. Tama b. mali c. Masama d. mabuti
________19. Nakakita ng pera si Melody at isinauli niya ito sa may-ari. Anong uri ng konsensiya
ang ginamit ni Melody?
a. mali b. tama c.unibersal d. masama
________20. Natatanging nilalang na nararapat na tumanggap na Likas na Batas Moral mula sa
Diyos
a. halaman b. hayop c. tao d. bato
________21.Taglay ng tao kayat’ nalalaman niya ang tama o mali, ito daw ang batas na
itonanim ng Diyos sa isip ng tao
a. konsensiya b. puso c. katarungan d. kabutihan
________22. Ayon kay Lippo, binibigyan nito ng direksyon ang pamumuhay ng tao
a. Golden rule b. Likas Batas Moral c. Batas ng tao d. aklat
________23. Tinig na nagpapaalala sa atin kung mali o tama an gating ginagawa. Ito ay may
kakayahang humusga ng mabuti o masama
a. konsensiya b. Bibliya c. batas d. multo
________24. Salitang Latin na ibig sabihin ay “ with o mayroon”
a. Scientia b. cum c. valore d. habere
________25. Salitang Latin na ibig sabihin ay “ knowledge o kaalaman”
a. Scientia b. cum c. valore d. habere
________26. Ano ang bunga ng pagsunod ng tao sa tamang konsensiya?
a. maipapalaganap ang kabutihan
b. makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. maiiwasan ng tao ang masama
_________27. Nagbibigay hugis at direksyon sa kalayaan
a. Likas Batas Moral b. kaalaman c. kabutihan d. katotohanan
_________28. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang___________
a. isip b. dignidad c. kilos loob d. karapatan
_________29. Kalayaang magnais o hindi magnais
a. kalayaang gumusto b. kalayaang tumukoy c. freewill d. walang sagot
_________30. Kalayaan upang tukuyin kung alin ang nanaisin
a. kalayaang gumusto b. kalayaang tumukoy c. freewill d. walang sagot
_________31. Uri ng kalayaan na nakasalalay sa kilos loob ng tao
a. Panlabas b. panloob c. pandama d. walang sagot
_________32. Kalayaan upang isakatuparan ang ninanais ng kilos loob
a. Panlabas b. panloob c. pandama d. walang sagot
_________33. Ito ay hindi lisensiya upang gawin ang lahat ng naisin sapagkat ito ay hindi lubos
at may limitasyon na nakasalalay sa Likas na Batas Moral
a. kalayaan b. karapatan c. dignidad d. konsensiya
_________34. Ang kalayaan ng tao ay may__________sapagkat nagging Malaya lamang tayo
sa ating pagpili at mga pasya
a. konsensiya b. limitasyon c. kabutihan d. walang sagot
_________35. Ayon sa kanya ang kalayaan ay nakakayaang gawin ng tao ang nararapat upang
makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao
a. Esther Esteban b. Santo Tomas de Aquino c. Felicidad Lipio d. Lippo
_________36. Ayon sa kanya ang kalayaan ay pagiging Malaya upang gamitin ang kilos loob
upang pumili ng particular na bagay o kilos
a. Esther Esteban b. Santo Tomas de Aquino c. Felicidad Lipio d. Lippo
_________37. Ayon sa kanya ang kalayaan ay hindi lubos sapagkat may kaugnayan daw ito sa
Likas na Batas Moral
a. Esther Esteban b. Santo Tomas de Aquino c. Sr.Felicidad Lipio d. Lippo
_________38. Alin ang nagpapakita ng totoong kalayaan?
a. maagang pakikipagrelasyon sa katapat na kasarian
b. paninigarilyo
c. pagtarato nang masama sa kapwa
d. pag-iwas sa sugal
_________39. Nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at
paggalang mula sa kanyang kapwa
a. kilos loob b. konsensiya c. kalayaan d. dignidad
_________40. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo
a. Hammurabi code b. Golden rule c. Gilgamesh d. batas
_________41. Ang dakilang lumikha sa tao bilang panatay-pantay sa lahat ng bagay
a. Buddha b. Diyos c. Moses d. Abraham
_________42. Ang lahat ng tao ay may_________kaya’t nararapat lamang na ibigay sa kanila
kung ano ang nararapat
a. katapatan b. karapatan c.katarungan d. buhay
_________43. Ang tao ay mayroong___________na nagbibigay sa kanya ng kakayahang
umunawa ng konsepto, mangatwiran at gamit nito ay maisasakatuparan ang tama
a. isip b. kalayaan c. kakayahan d. katapangan
_________44. Ang lahat ng tao ay may_____________kaya nararapat lamang na igalang at
pahalagan sila
a. dignidad b. kalayaan c. buhay d. kahusayan
_________45. Halimbawa ng pinagbabatayan sa dignidad ay ang igalang ang
sariling_________at buhay ng kapwa
a. ari-arian b. bahay c, buhay d. walang sagot
_________46. Ang salitang dignidad ay mula sa salitang Latin na Dignus na ibig sabihin
ay__________
a. katapatan b. katarungan c. kahulugan d. karapat-dapat
_________47. Dahil ditto ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi
makakasakit sa ibang tao
a. dignidad b. kalayaan c. kilos loob d. kahusayan
_________48. Siya ang nagpakilala at nagpatanyag ng Gintong aral na nagsisilbing gabay kung
paano tratuhin nang tama an gating kapwa
a. Aristotle b. Felicidad Lipio c. Confucius d. Mencius
_________49. Saan nagkapantay- panatay ang tao?
a. sa paningin ng Diyos at sa lipunan
b. sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
c. sa kanilang dignidad bilang tao at sa kanilang mga karapatan sa buhay
d. pagdating sa huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
_________50.alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng tao?
a. ipinagkakaitan ng karapatang pantao
b. pananakit ng damdamin ng kapwa
c. pagpapamalas ng diskriminasyon
d. pagtanggap sa tunay na estado ng tao

Prepared by: Noted by: Approved by:

Karen B. Alday Melissa C. Dimla Jesus C. Mercado


Teacher-I HT VI – EsP Department Principal III

Howell Q. Bermudo
Teacher- I

Princess Joy Paraan


Teacher- I

You might also like