na siya sa trabahong ito. Maayos ang trabahong ito at malki ang kanyang sinisweldo, kaya ang kanyang kaibigan na si Bella na walang trabaho sa ngayon ay nagtanong sa kanya.
Bella: “Alison maganda ba talaga ang call center?”aniya
habang pinagmamasdan ang kaibigan sa pag lilinis ng kwarto nito.
Alison: “oo naman! Sa tingin mob a tatagal ako ng
limang taon kung hindi ito magandang trabaho,puyat lang ang kalaban mo pero mataas ang sweldo” Sabi ni Alison habang ipinapagpag ang kanyang kobre-kama.
Bella: “sabagay nakikita ko ang mga naipupundar mo, mga
alahas at magarang sasakyan ay hindi mo makakamit sa maliit lamang na sweldo. Nakikita ko rin na masaya ka sa ginagawa mo.”
Alison: “korek ka diyan girl! Sobrang laking tulong ng
aking pag ca-call center sa pag abot ng mga pangarap ko. Wika ni Alison habang nakangiti at nakatingin sa mga larawan niya na nasa iba’t ibang bansa sa pader ng kanyang kwarto.”
Bella: “sis! Baka pwede mo akong ipasok diyan, wala pa
kasi akong trabaho simula ng nagtanggal sa dati kong trabaho.”