You are on page 1of 1

ALAALA

Di ko maiwasan
Tumingin sa kawalan
Hinahanap ang sagot
Sa mga tanong mong malabo
Hindi ko namalayan
Nagmumukmok sa isang tabi
Sapagkat di mawari
Saan humantong ang mga gabi

Kay hirap mong limutin


Mga alaala’y nakabinbin
O kay sakit isipin
Ikaw ay lumisan na rin

CHORUS
Mga pangarap nating naglaho na
Ang puso ko ay nagdurusa
At kung hindi na maibabalik sa dati pa
Babaunin na lamang sa alaala

Nais ko mang umasa


Panaho’y nakalipas na
Kahit nasasaktan
Umiiyak sa nakaraan
Hanggan doon nalang
Ating pinagsamahan

Pag-ibig nating kay lupit


Ayaw mo ng kumapit
O kay pait at hapdi
Ng damdaming kay sidhi
Ang palayain ka ay masakit
Ngunit ako pa rin ay nakangiti

CHORUS
Mga pangarap nating naglaho na
Ang puso ko ay nagdurusa
At kung hindi na maibabalik sa dati pa
Babaunin na lamang sa alaala

Babaunin ka na lamang sa alaala…

You might also like