You are on page 1of 13

Buod

ng
noli me
tangere
ni : Jose protacio rizal
Mercado y Alonso realonda

ipinasa ni : Julian sanchez

ipinasa kay : vina mae borlongan


talambuhay
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang
Pambansang
Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang
sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19,
1861. Ang kanyang mga magulang ay
sina G. Francisco Mercado at Gng.
Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang
nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang
kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng
Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876
na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya
ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at
Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng
sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang
bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at
Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at
Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El


Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle
sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P.


Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga
Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga
Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya
at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at


ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya
namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit
at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan,
hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang
kapaligaran.

Noong Setyembre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang


magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3,
1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon
nakulong siya sa Fort Santiago.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng


kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng
rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi


Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga
susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa


Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
Kaligirang kasaysayan
ng noli me tangere

Ang Noli Me Tangere (Touch Me Not)


ay isang nobela na
isinulat ni Jose Rizal. Nabibilang sa kaligirang
kasaysayan na ang pangunahing
dahilan ng kanyang pagsusulat nito ay upang
magbigay kritika sa pamamahala ng
mga Kastila at sa pag-asang bigyan ng pagkakataon
ang Pilipinas na maging
kalahok ito sa Spanish Assembly.

Inilimbag ni Rizal ang akdang ito sa Berlin sa


Alemanya noong
1887 at sinundan ng akda niyang El Filibusterismo.
tauhan
Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap
na makapagpatayo ng paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan
ng mga kabataan ng San Diego.

Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay
Ibarra para makilala ang kanyang
bayan at ang mga suliranin nito.

Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-
amahan ni Maria Clara.

Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na
napalipat ng ibang parokya matapos
maglingkod ng matagal na panahon
sa San Diego.
Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso,
nagkaroon ng lihim na pagtatangi
kay Maria Clara.

Maria Clara
Mayuming kasintahan ni
Crisostomo; mutya ng San Diego na
inihimatong anak ng kanyang ina
na si Doña Pia Alba kay Padre
Damaso.

Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng
marurunong na mamamayan ng
San Diego.
Sisa
Isang masintahing ina na ang
tanging kasalanan ay ang
pagkakaroon ng asawang pabaya at
malupit.

Basilio
Panganay na anak ni Sisa.

Crispin
Panganay na anak ni Sisa.

Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa
kapangyarihan sa San Diego.
Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating
labandera na may malaswanbibig
at pag-uugali.

Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na
mestisang Kastila kung kaya
abut-abot ang kolorete sa
mukha at maling pangangastila.

Don Tiburcio de Espadaña


Isang pilay at bungal na
Kastilang napadpad sa Pilipinas
sa paghahanap ng magandang
kapalaran; napangasawa ni
Donya Victorina.

Linares
Malayong pamangkin ni Don
Tiburcio at pinsan ng inaanak
ni Padre Damaso na napili para
mapangasawa ni Maria Clara.
buod
ng bawat
kabanata
ng
noli me
tangere
Kabanata I - Isang Handaan
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don
Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring
kapitan Tiago. Kabilang sa mga bisita ang bagong
dating sa Pilipinas na si Padre Damaso na nailabas ang
kanyang mapanlait na ugali.

Kabanata II - Si Crisostomo Ibarra


Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito
ay anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating
lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa
Europa. Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni
Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa,
ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong
kamukha niyang panauhin.

Kabanata III - Ang Hapunan


Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang uupo
sa isang dulo ng mesa. Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre
Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre
kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre
Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla
ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-
dapat na umupo. Maraming nakausap si Ibarra at
pagkatapos ay nagpaalam ng uuwi bagamat pnigilan
ni Kapitan Tiago dahil dadating si Maria Clara ay hindi
nagpatinag ang binata.
Kabanata IV - Erehe at Pilibustero

Naglakad-lakad si Ibarra at nakilala niya si Tinyente


Guevarra na pinakiusapan niyang magkwento tungkol sa
buhay ng kanyang ama dahil wala siyang nalalaman
tungkol dito. Ayon dito, ang kanyang ama ang
pinakamayaman sa kanilang lalawigan bagamat siya ay
ginagalang ay kinaiinggitan. Pinagbintangan siyang
nakapatay kaya pinagbintangan siyang erehe at
pilibustero.

Kabanata V - Pangarap sa Gabing Madilim

Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. Mula


sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay
sa kabila ng ilog. May isang magandang binibini na
nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at
ginto. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino,
pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni
Maria Clara.

Kabanata VI - Si Kapitan Tiago

Ang katangian ni kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng


langit. Siya ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha.
Maitim ang buhok, at kung hindi lamang nanabako at
ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki.
Dahil sa siya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong
tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobeyerno at
halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa
sarili ay isang tunay na Kastila at hindi Pilipino.
Kabanata VII - Suyuan sa Asotea
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang
tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang
tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, dali-
daling pumasok sa silid si Maria Clara. Tinulungan siya ni
tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Nang magkita na sila ni Ibarra at nagtama ang kanilang
paningin, nakaramdam silang dalawa ng tuwa.

Kabanata VIII - Mga Alaala


Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa
Maynila, marami siyang naalala. Kabilang dito ang mga
kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe,
mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad
ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako
ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na
nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga
karitong hila ng mga makupad na kalabaw.

Kabanata IX - Mga Suliranin Tungkol sa Bayan


May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni
Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya
Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria.
Biglang dumating si Padre Damaso at kinausap si
Kapitan Tiago. Tutol si Padre Damaso sa
pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay Ibarra.
Kabanata X - Ang San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas
na nasa isang baybayin ng isang lawa at my malalapad
na bukirin at palayan. Mula sa pinakamataas na bahagi
ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang
kabuuan ng bayan.

You might also like