Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere
Noli Me Tangere
K a b a n a t a X V I Si Sisa
Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na
sa labas ng bayan. May isang oras din bago
marating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan.
Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya
ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa
buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Si Sisa
lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin.
Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa,
naipagbili niya ang mga alahas niya ng siya ay
dalaga pa. Minsan lang umuwi ang kanyang asawa
at sinasaktan pa siya.
K a b a n a t a X V I I Si Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong
sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo.
Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin.
Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw
ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi
ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng
sakristan mayor.
Kabanata XVIII
Mga Kaluluwang Naghihirap
Dumeretso si Sisa sa ksina ng kumbento.
Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari
niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa
kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong
niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin.
Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang
sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay
nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng
dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng
makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos
ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga
guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina
Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa
ng alila.
Kabanata XIX
Mga Suliranin ng Isang Guro
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo, ang lawa
ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay
napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa,
nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro.
Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng
lawa itinapon ang labi ni Don Rafael
K a b a n a t a X X Ang Pulong sa Tribunal
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na
siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga
may kapangyarihang mga tao sa bayan. May labing
isang araw na lamang ang nalalabi at pista na.
Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at
kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa
pyesta.
Kabanata XXIV
Sa Kagubatan
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Padre
Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng
almusal. May inabot na sulat ang kanyang
kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak
ang liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda
niya ang kanyang karwahe at nagpahatid sa
piknikan.
Kabanata XXV
Sa Tahanan ng Pilosopo
Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng
paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa
rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan
lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat
nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay
kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.
K a b a n a t a X X V I Ang Bisperas ng Pista
Sa bahay ng mga nakakariwasa, nakaayos ang
minatamis na bungang kahoy, may nakahandang
pagkain, alka na binili pa sa Maynila na
katulad ng hamon at ng relyenong pabo, serbesa,
tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat
pa mula sa Europa. Ang mga pagkain ganito ay
inuukol sa mga banyaga, kaibigan o kaaway, at
sa mga Pilipino, mahirap man o mayamanupang
masiyahan sila sa pista.
K a b a n a t a X X V I I I Sulatan
Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa
Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang
malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang
mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga
Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walng
makakatulad sa karangyaan ng pista ng
pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano,
pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga kakilala
at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete,
Batanggas at Maynila.
Kabanata XXIX Ang Umaga
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at
ginamit ang mga hiyas na itinatago nila.
Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang
prusisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at
inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa
kapatiran ni San Francisco.
Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw
sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong
ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na
makikilala ang mayayaman at mahihirap.
K a b a n a t a X X X I X Si Donya Consolacion
Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni
Donya Consolacion ay pinid na pinid. Nang
umagang iyon, ang asawa ng alperes at paraluman
ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba.
Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang
asawa. Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang
pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad
ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para
sa sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa
ngang maganda kaysa kay Maria Clara.
Kabanata XLVIII
Ang Talinhaga
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng
kanyang hindi pinasabing pagdalaw. Nakatingin
lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang
bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot
si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang
siya dadalaw. Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra
na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-
aalinlangan, gulo ang kanyang isip.
Kabanata XLIX
Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay
hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin
si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Hindi na nag-
aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra
na siya ang sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya
ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan
Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan
at pagbabala.
Kabanata LXII
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na
nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay
nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa
pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman
binabasa ni Maria ang dyaryo. Pamaya-maya dumating si
Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain
ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at
pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na
ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking
kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang
mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang
kumbento.Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan
ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng
tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang
binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin
kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na
pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang
kamatayan.
Kabanata LXIII Ang Noche Buena
Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay
nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na
nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na
masayang-masaya ang mga tao. Ngunit ngayon lungkot na
lungkot ang buong bayan. Wala man lamang nakasabit na
mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni
Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng
kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga
bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na
isa ng palaboy pero hindi naman nananakit ng
kapwa.Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan.
Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang
tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng
alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang
katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang
sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni
Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot.
Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng
alilang babaing nasa daan.
Kabanata LXIV Katapusan
Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na
si Padre Damaso sa Maynila. Namatay si Padre Damaso
sa sama ng loob. Sa kabilang dako, si Padre Salvi
habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay
nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clara na
pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na
rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila. Ilang
linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si
Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap
ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip
at nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling
niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na
umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto
na lamang mabuhay mag-isa.