You are on page 1of 5

PAMAHALAAN

Pangkat 3

Narrator: May 17 taong gulang na estudyanteng nagngangalang

Andrew. Magaalas- 7 na ng umaga’y naglalakad pa lamang

siya papuntang eskwelahan.

Andrew: Nako mahuhuli ata ako sa unang asignatura namin ngayong

araw

*On Call*

Andrew: Oh hello? Napatawag ka?

Kabilang linya: Asan ka na ba? magsstart na first class natin. Pupunta ka

ba?

Andrew: Oo naman. Malapit na ako, naglalakad na

Kabilang linya: Bilisan mo, tayo pa naman ang unang magrereport kung

Mawawala ka as our reporter nako pano na grade natin

Nyan?

Andrew: Oo na dami mong sinasabi, sabi na ngang malapit na ako e

Kabilang linya: Tsaka nga pala yung manila paper, Cartolina at ibang

materials nadala mo na…

Pulis: Sir!

*nasagasaan*

Kabilang linya: hello? Anong nangyayari jan? Andrew andyan ka pa ba?

*End Call*

Pulis: Sir gumising ho kayo! Sir!

Aly: Ay jusq! Tulong! May nabunggo! Kelangan kong tawagan ang

kaibigan ko bago pa siya maubusan ng dugo


*On call*

Aly: Hello joy! Tulong, may naaksidente dito sa Street Pinagpala.

Magpapadala sana ako ng ambyulansya

Karen: Ha? O sya sige magpapadala ako dyan

*End call*

*Tunog ng Ambyulansya*

Karen: Isakay ninyo na yan

SA HOSPITAL

Aly: Salamat po sa tulong ninyo sir. Malaking tulong po ang inyong

naambag.

Pulis: Walang anuman binibini. O sya ako’y aalis na’t magtatrabaho pa

Aly: Sige po. Ma-iingat po kayo

Aly: oh joy! Kumusta ang pasyente?

Karen: Okay na naman ata sya. Under operation sya ngayon

Aly: hay salamat naman, sana maging maayos

Karen: kaano-ano mo ba sya? Bakit ka na sangkot dito ha

Aly: naglalakad lang ako sa tabi ng kalsada hanggang sa nakita ko yung

Naaksidente na nakahandusay na lang

Karen: hay nako kaya naman pala, oh ito pinagkakatiwalaan kita niyan

tawagan mo kung sino man ang kaibigan o kamag-anak ng

pasyente at papuntahin na dito

Aly: Sige salamat

Narrator: Naghalungkat si Alyssa sa bag na pagmamayari ng

Naaksidente. At pakatapos nito ay tinawagan niya ang unang

Recent number na tumawag rito


*On call*

Alexa: Hello Andrew? Anong nangyari kanina? Bakit biglang naputol ang

linya?

Aly: Ah kaibigan nyo ho ba sya? naaksidente po kasi ang may-ari ng

cellphone na ito kung pwede po ay pumunta kayo rito kasama ang

magulang niya

Alexa: Ha? Saang hospital ba sya dinala?

Aly: dito sa AAA General Hospital

Alexa: sige salamat, pupunta na ako diyan

*End call*

Narrator: Dali daling pumunta si alexa sa hospital upang bisitahin ang

Kaibigan

Aly: Ikaw ba ang kaibigan ng naaksidente?

Alexa: Oo ako nga. Nasaan na siya? Ayos lang ba siya?

Aly: Nasa ER sya ngayon under operation

Alexa: Jusko, sana maayos ang operasyon

Aly: bakit ikaw lang? asan ang mga magulang niya?

Alexa: wala na syang tumatayong magulang. Nag-iisa na lamang siya sa

buhay

Narrator: Makalipas ang limang oras, lumabas na ang doctor at

Kinausap sila tungkol sa pasyente

Alexa: doc! Kumusta po ang kaibigan ko?

Doc: Maayos na siya. Huwag na kayong mag-alala, mabuti nga’t nadala

Kaagad siya rito sa hospital at naagapan pa dahil kung hindi

nausbusan na ata siya ng dugo


Aly & Alexa: Maraming salamat po doc

Doc: Asan pala ang mga magulang ng pasyente?

Alexa: Wala na po siyang magulang at bata palang ay naulila na. Isa po

siyang scholar sa eskwelahan namin. Mabait at masinop po

iyang bata kaya maraming nagmamahal.

Doc: Ah. Saaking opinion ay pwede kong sagutin ang mga bayarin.

nainspire ako sa kwento ng batang ito. At pwede na siyang umalis

next week.

Alexa: Talaga po? Maraming salamat po doc! Malaking tulong po ito

Aly: Sa tingin ko mas mabuti kung hihingi tayo ng pabor na baguhin ang

stratehiya sa batas trapiko

Alexa: Oo nga no, magandang ideya yan

Narrator: Sama-samang dumulog sina nurse joy, aly at alexa sa mayor

ng barangay para ipaabot ang nasabing isyu tungkol sa Batas

Trapiko.

Mayor: Ano ba ang maitutulong ko sainyo mga binibini?

Karen: Narito kami para humingi ng pabor na magpatupad ng

panibagong batas trapiko na kung saan lahat ay

mabebenipisyuhan hindi lang kami kundi tayong lahat

Mayor: Ganoon ba? Ano ba ang inyong opinion o inaasahan tungkol

rito?

Alexa: Dagdagan po sana natin ang mga nakabantay na pulis at traffic

Enforcers.

Aly: Kung pwede sana po ay bigyan natin itong pansin dahil marami na

ang masasamang nangyayari sa ating pamayanan.


Mayor: Magandang ideya ang inyong naisip. Kailangan na nga natin

ng mga pagbabago sa bayan.huwag kayong mag-alala,

maaasahan niyo ako riyan.

Karen, Aly & Alexa: Maraming salamat po Mayor!

Narrator: At naipatupad na nga ang nasabing panibagong Batas Trapiko.

Naging maganda at matiwasay ang kanilang pamahalaan.

Isa ang Batas Trapiko sa mga importanteng batas na ipinauukala

ng pamahalaan na dapat sundin ng mga motorista upang maiwasan ang

aksidente sa kalsada o lansangan. Isa rin ito sa mga dapat bigyang

pansin ng pamahalaan dahil dito nakasalalay ang kaligtasan ng tao.

Kailangang maging maingat sa pagdedesisyon tungkol dito upang

maiwasan ang mga aksidenteng nangyayari sa pang araw-araw.

You might also like