You are on page 1of 5

HOLY CROSS OF MINTAL, INC.

Mintal, Lungsod ng Dabaw


DEPARTAMENTO NG MATAS NA PAARALAN
Taong Panuruan 2013-2014

Program Plan of Action


BUWAN NG WIKA CELEBRATION

Rationale:
Alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Blg. 1041, s.1997, na nagpapahayag ng
taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-31, ang pagdiriwang ay
pangungunahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) na may paksang “Wikang
Pilipino para sa tuwid na daan”.kung saan
Ang pagsasagawa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay ngayong darating na ika-5 ng
Agosto sa taong kasalukuyan at ang kulminasyon ay ngayong darating na ika-31ng
Agosto sa taong kasalukuyan na gaganapin sa Holy Cross of Mintal covered court.

Layunin:
a. Maisakakatuparan ang mga tungkulin ng KWL ayon sa itinakda ng Seksyon
XIV, Letrang L ng Batas Republika 7104;
b. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;
c. Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na
makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang
pangwika at sibiko; at
d. Maganyak ang mamamayang Filipino na pahalagahan ang wikang Filipino sa
pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga Gawain kaugnay ng Buwan ng
Wikang Pambansa.

Ang mga sumusunod na diwa ang pangkalahatang tema ng pagdiriwang:

Ang wika Natin ay Wika ng Katarungan at Kapayapaan;


Ang Wika Natin ay Laban sa Katiwalian;
Ang Wika Natin ay Sandata Laban sa Kahirapan;
Ang Wika Natin ay Wika ng Mabilisan, Inklusibo, at Sustenidong Kaunlaran; at
Ang Wika Natin sa Pangangalaga ng Kaligiran.

Mga Kalahok:
1. Mga mag-aaral sa Mataas na Departamento
2. High School Faculty
Hinati sa tatlo (3) na paksa ang isang buwang pagdiriwang:

Petsa Kalahok Aktibidades Venue


Agosto 5-9 Isang mag-aaral sa Paggawa ng tula Silid-aklatan
bawat pangkat Alas 8-10 ng umaga

Agosto 12-16 Isang kalahok sa Patimpalak sa Ika-15 ng Agosto sa


bawat pangkat Pagkanta ganap na 4:30 ng
(elimination) hapon.
(elimination)
Isang kalahok sa
bawat kurikulum 1st year: St. Ursula
(kulminasyon) 2nd year: St.
Augustine
3rd year: St. Benedict
4th year: St. Luke

Agosto 19-23 10 lalake at 10 Sabayang Ika-23 ng Agosto sa


babae na mag- Pagbigkas ganap na 4:00 ng
aaral sa bawat hapon.
pangkat (elimination)

1st year: St. Ursula


Isang pangkat sa 2nd year: St.
bawat kurikulum Augustine
(kulminasyon) 3rd year: St. Benedict
4th year: St. Luke

Agosto 29 Kulminasyon: HCM Covered Court

Patimpalak sa
Filipiana
Sabayang
Pagbigkas
Sayawsa
Nayon @ Neo
Etniko
Patimpalak sa
Pagkanta

MGA PATIMPALAK SA BUWAN NG AGOSTO

I. Patimpalak sa Pagsulat ng Tula


Petsa: Ika-9 ng Agosto, 2012
Chairman: Gng. Catherine B. Gonzales
Venue: High School Library
Oras: 7:45-9:45

Mekaniks:
 Isang kalahok sa bawat pangkat.
 Ang tulang isusulat ay naakma sa tema.
 Binubuo ito ng limang saknong na may apat na taludtod sa bawat isa. Ito ay
maaaring may tugma o di kaya’y malayang taludturan.
 Kinakailangang magdala ng long bond paper at bolpen ang mga kalahok na
kanilang pagsusulatan ng tula.
 Bibigyan ang mga kalahok na lalabis sa itinakdang oras ay babawasan ng
sampung puntos mula sa kabuuang puntos na ibibigay ng inampalan.
Pamatayan sa Paghahatol:
Nilalaman 40%
Kaugnayan sa Tema 20%
Sining at Kariktan 20%
Talinghaga 20%
Kabuuan 100%

II. Patimpalak sa Pagkanta


Petsa: Ika-29 ng Agosto
Chairman: Gng. Cherry Bato
Venue: Covered Court

Mekaniks:
 May isang kalahok ang bawat pangkat.
 Ang bawat kalahok ay kinakailangang ang piyesa ay OPM.
 Kailangang isaulo ang piyesa.
 Ang kalahok ay bibigyan ng 4 na minute sa paglalahad ng piyesa.
 Ang sinumang kalahok na lalabis sa itinakdang oras ay babawasan ng isang
puntos bawat minuto sa kabuuang puntos na ibibigay ng inampalan.
 Pinal ang desisyon ng mga inampalan.

Pamantayan sa Paghahatol:
Kalidad ng Boses 40%
Stage Presence 30%
Audience Impact 30%
Kabuuan 100%

III. Sabayang Pagbigkas (elimination)


Petsa: Ika-23 ng Agosto
Chairman: Bb. Kristine Mae Cayanong
Venue: 1st year: St. Ursula
2nd year: St. Augustine
3rd year: St. Benedict
4th year: St. Luke

Mekaniks:
 May dalawampung kalahok sa bawat pangkat (10 lalake at 10 babae).
 Ang bawat kalahok ay kinakailangang may kasuotang ipiniprisinta.
 Kailangang isaulo ang piyesang ibibigay para sa sabayang pagbigkas.
 Ang mga kalahok ay bibigyan ng 10 minuto sa paglalahad ng piyesa.
 Ang sinumang kalahok na lalabis sa itinakdang oras ay babawasan ng isang
puntos bawat minuto sa kabuuang puntos na ibibigay ng inampalan.
 Pinal ang desisyon ng mga inampalan.

Pamanatayan sa Paghahatol:
Tinig 20%
Kilos at Galaw 15%
Bigkas 20%
Kasuotan 15%
Ekspresyon ng Mukha 15%
Panghikayat sa madla 15%
Kabuuan 100%

IV. Sayaw sa Nayon @ Neo Etniko


Petsa: Agosto 29, 2013
Chairman: Ms. Kristine Mae B. Cayanong
Venue: Covered Court

Mekaniks:
 Pipili ng tig-dalawang paris kada seksyon para mabuo ang sampong pares
bawat year level.
 Para sa first year at second year magpipresenta sila ng sayaw sa nayon.
 Para naman sa third year at fourt year magpipresenta sila ng Neo Etnekong
sayaw.

Pamantayan sa Paghatol:

V. Pagsuot ng Kasuotang Filipiniana


 Sa araw ng kulminasyon, ang lahat ng guro at mag-aaral ay magsusuot ng
Filipinianang kasuotan bilang pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalaki sa
kasuotang Pilipino.
 Magkakaroon ng pagpipili sa may pinakamagandang kasuotan sa guro at sa
mag-aaral.
 Sa bawat pangkat ay may representanteng isang pares na babae at lalaki.
 Ang mga mag-aaral na nakadamit ng Filipiniana ay may 30 puntos bilang
kanilang partisipasyon sa asignaturang Filipino.

Pamantayan sa Paghatol:
(Best in National Costume)

Kaakmaan 50%
Elegance/Projection 25%
Paggamit ng sariling 25%
Dayalekto 100%

Inihanda ni: Notado ni:

GNG. SHELA MARIE ENCIERTO G. VERGEL SOBERANO


Filipino Club Moderator Koordineytor, Student Services
GNG. CATHERINE GONZALES BB. EDILHYNIE JAMBANGAN
Koordinaytor sa Filipino Punongguro

Inaprobahan ni:

SR. STEPHANIE GIMENA, PM


Direktor ng Paaralan

You might also like