WIKANG FILIPINOSA PAMBANSANG KALAYAAN AT PAGKAKAISAni Pat V.
Villafuerte
Bawat buhay, masaya’t malungkot, magulo’t
makulayay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan;mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusanmaging sa paglaki hanggang sa kamatayan.Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sadaigdig:ng mga paham, syentipiko, mananaliksik, o ng mga guro, doktor, abogado, mangingisda’t magbubukidbawat isa, may mithiin, may pangarap na naismakamit:ang mailuklok ang pangalan na kasintayog ng langitat isama sa mga bituing di-masungkit-sungkit.Iisa ang diwang kanilang pinapanday iisa ang mithiing sa puso nila’y bumubukal iisa rin ang himig na kanilang hinihiyaw: kami’y palayain o bayan kong minamahal. A, oo nga palabilanggo sila ng sariling bayan, may piring ang matamay busal ang bibig, may gapos- tanikala Sila’y mga buhay ngunit di -humihingasila ang larawan ng masang hinahamak, lumuluha,nagdurusa.Sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa bawathenerasyonmay palawakan ng isip, may palitan ng paniniwalamay tagisan ng matuwid, maging ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit. Sila- sila’y nagtatagpo, kayu - kayo’y nagpapangkat tayu- tayo’y nag -iisip, nagsusuri, bumabalangkas.Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamitwikang Filipino! Wikang maka-Diyos, makabayan,makatao.wikang naglalagos sa isipang makabansawikang nanunuot sa damdaming makalupa. At,paisa-isang dila, parami-raming labi, sama- samangtinigbumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalithinihiling ay kalayaan! katarungan! katarungan!kalayaan! Ah,hanggang kailan susukatin?hanggang kailan bubuhayin?hanggang kailan maaangkin?Layang mangusap, layang sumulatlayang mamuhay, layang manaliglayang humalakhak, layang maghimagsikmaghimagsik! maghimagsik! maghimagsik! Kasaysayan pala’y mababago isang saglit sa dakong silangan . . . doon sa silanganang sikat ng araw . . . sumilip, sumikat, uminitnaantig ang diwang inaliping higittumibok ang pusong dating di-humihibiknagising ang ugat ng hapong mga bisig. bawat isa’ y nagkaisang mailantad sa daigdigang mga pang-aaping sugat niyaring dibdib.sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo,magkakapatidsama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag- alsa’t tumindig. lakas ng tao! lakas ng bayan! lakas ng daigdig!laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, samapanlupig.Pangkat-pangkat, sama-sama. kapit-bisig bawat isa kilala’t di -kilala, kaaway at di- kaaway, mayama’t mahirap, matalino’t mangmang, aktibista’t militar. nagkaisang ganap sa isang mithiing kapanga-pangarap.propesyonal at di-propesyonal, manggagawa,kawani, guro,mangangalakal, estudyante, iskolar, istambay,sundalo, pulis, drayber, pari, madre, mangingisda’t magbubukid.nagkaisa,nagkasama, nagkasama, na