May mga Pilipino na hindi napapahalagahan ang pagiging
mamamayang Pilipino, kung ano ba talaga ang ugaling makapilipino o kaya’y pagpapakita ng pagmamay-ari nating mga Pilipino GAWAIN 1 GAWAIN 1
Paano mo mailarawan ang mga Pilipino?
Papaano mo maipagmalaki na ikaw ay isang Pilipino?
Ano-ano ang mga kaugalian ng isang Pilipino?
GAWAIN 2 • Pagpapakita ng tula na nasa Screen (LCD projector ang gagamitin) • Pansinin ang mga salitang nakalimbag sa tula
Bansang Pilipinas! Kay swerte mo naman,
Ako’y Pilipinong may pusong makamasa Talim ng panulat ang aking sandata, Kay dami nating bayanin na handang lumaban.
O, liyag kong Inang Bayan,
Sa aking bisig nais kitang iduyan, Talas ng tabak at panulat ang ating pananggalang Sa mapang api at sukab na dayuhan. Alam mo ba na… Ang panghalip ay bahagi ng pananalita na ginagamit bilang panghalili sa mga pangngalan upang maiwasan ang pag-uulit-ulit nito.
Panghalip na Panaong Paariit-ulit nito.
Panauhan Kailanan
Taong Nagsasalita Isahan Dalawahan Maramihan
Akin/ko Atin/natin Atin/natin Taong kausap Amin/namin Taong pinag- Iyo/mo Inyo/ninyo Inyo/ninyo usapan Kanya/ niya Kanila/nila Kanila/nila GAWAIN 3 Ibigay ang angkop na panghalip paari para mabuo ang pangungusap.
1. Maraming magagandang tanawin na makikita dito sa _____ bansa.
2. Palagi ______pumupunta sa ______palayan. 3. Pinupuntahan ng mga dayuhan ang Boracay na ipinagmamalaki ______ sa ______ bansa. 4. Gustong-gusto _____ang mapuputing buhangin na nasa _________ dalampasigan. 5. Sa _____ iniatas ang mga gawaing iyan. 6. Nasa ______ ang pagpapasya upang kayo’y aasenso. 7. Sa _____ang bagong sapatos na nasa ibabaw ng cabinet. 8. Nangako silang daraan muna sa _______. PAGLALAPAT GAWAIN 4 – Pangkatang Gawain Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 4
Gagawa ng walo (8) Gagawa ng dayalogo Gagawa ng sariling Gagawa ng isang
Pangungusap na gina tungkol sa pagpapahalaga isang saknong na tula na awitin na may Gamitan ng pangha- ng tunay na Pilipino, gamitin nagpapahayag sa karaniwang himig, Lip na paari, bilugan ang ang mga panghalip na paari. pagpapahalag ng pagiging gagamitan ng panghalip panghalip at isulat tunay na Plipino, gamitin paari ang awit. ang panauhan ang panghalip na paari. at kailanan nito. TANDAAN MO
Ang panghalip na paari ay inihalili sa taong
nagmamay-ari ng bagay o lugar. May mga panghalip na paari na isahan at may maramihan. PAGSUBOK NG KAALAMAN Isulat sa patlang ang panghalip na paari na dapat gamitin sa pangungusap.
1. Hiniram niya ang ______ payong na pula kanina.
2. Ang _______ bahay ay napakalaki sa kanilang barangay. 3. Pangalagaan ______ ang bansang Pilipinas, ang pinakamamahal _______ bayan. 4. Malawak ang ______mga dalampasigan, dapat _______alagaan at hindi abusuhin. 5. Tangkilikin _____ ang mga gawang Pilipino, bilhin ang gawa ng mga kapwa ______ Pilipino. 6. Ibigay mo sa ______ ang mga bulaklak na ito. 7. Ang pansit at tinapay ay para sa _______ mga anak. 8. Ang mga bag na nasa labas ay sa ________. GAWAIN 5
Gagawa ng isang (1) saknong na tula tungkol sa
ating pagiging Filipino; makadiyos,makabansa, makabansa,makatao at makakalikasan.