You are on page 1of 1

Tarriela, Robert Matthew O.

BSA 1-1

Reaksyon sa SONA 2019 ni Pangulong Rodrigo Duterte

Ika-22 ng Hulyo 2019 naganap ang State of the Nation Address (SONA) ng ating Pangulong
Rodrigo Duterte. Ginanap ito sa Batasan Pambansa sa lungsod ng Quezon sa ganap na 5:15 ng
hapon. Ibinida niya ang kanyang mga nagawa at inilahad ang kanya pang gagawing programa at
polisiya sa kanyang natitirang oras sa kanyang termino.
Sa kabila ng mga bumabatikos sa kanya ay lubos akong natuwa sa kanyang mga napahayag. Isa
sa mga hinangaan ko ay ang pagpapatalsik niya sa mga opisyal na korap at walang ambag sa
lipunan. Inatasan niya ang mga taong nararapat sa posisyon na lubos akong natuwa dahil alam
ko na may magagawa sila na ikabubuti ng bansa. Natuwa din ako sa mga aksyon na nagawa niya
tungkol sa mga krimen na nangyayari sa bansa tulad ng mga patungkol sa droga at “plunder”.
Sumasang-ayon ako sa nabanggit niya na hindi mawawala ang mga droga kung patuloy ang
korapsyon sa bansa. Lubos din ako natuwa tungkol sa isyu sa Boracay dahil naiwasan masira
ang isa sa mga magagandang lugar sa Pilipinas pati na rin sa ibang lugar. Natuwa din ako sa
pagbibigay niya ng lupa para sa mga nangangailangan pati na rin ang pagpapatibay at
pagpapaunlad ng mga ahensya ng gobyerno. Binigyan niya din ng dagdag proteksyon ang mga
OFW at magpapatayo ng Department of Overseas Filipinos. Natuwa din ako sa mga nabigyan ng
pagkakataon na magkaroon ng edukasyon. Nagalak ako sa mga pagpapautang na naganap
upang magkaroon ng mga negosyo na makakapagbigay opotunidad sa mga nangangailangan.
Nagalak din ako sa pagbanggit ng pangulo na tumutulong ang local government unit, mayor at
governor na maisa-ayos na ang problema sa trapiko. Ibig sabihin nito na hindi lang mag-isa ang
ating pangulo sa laban na kanyang ikinahaharap. Natutuwa akong malaman na nagtutulungan
ang bawat isa upang maging mas maayos ang Pilipinas.
Sa kabuuan, masasabi kong lubos akong nagagalak sa mga nagawa ng ating pangulo at sa mga
balak pa niyang gawin. Hinahangaan ko siya dahil sa kanyang tapang at pagsisikap upang
maayos ang Pilipinas at paunalarin ito. Sinabi niya rin na hanggang sa dulo ng kanyang termino
ay mananatili ang kanyang pakikipaglaban. Hinangaan ko rin siya sa sinabi niya na magiging
bukas ang palasyo para sa mga hinaing na totoo at agad na aaksyon. Hinahangaan ko rin ang
sinabi niya na hindi siya kailanman magbibigay na utos na ilegal. Hinihiling ko na lang na
matupad ang kanyang mga mithiin para sa Pilipinas na maging mas maunlad. Nawa’y
magtagumpay siya, gabayan ng ating Panginoon at tulungan ng sambayanang Pilipino na
makamit ang pangarap ng bawat isa para sa Pilipinas.

You might also like