You are on page 1of 1

“Kalikasan”

Alam naman natin na ang kalikasan ay isa sa sa mga pinagkukunan


natin ng makakain o hanapbuhay. Lahat ng tao sa mundo ay nakaasa sa
likha ng Panginoong Diyos. Ngunit bakit hindi natin magawang
pangalagaan ito? Bakit mas pinipili nating sirain ang kalikasang nagbibigay
satin ng buhay?

Nakakalungkot isipin na kabilang ako, sila, tayo ang sumisira sa


ating kalikasan, sa simpleng pagtatapon ng mga basura sa lansangan at
pagpuputol ng mga puno sa kabundukan ay may malaki na itong epekto sa
pagkasira ng kalikasan. Bakit nga ba? Bakit di natin magawang
pangalagaan ang kalikasan? Siguro ay itinatak natin sa mga sarili natin na
okay lang, na hindi naman mauubos ang mga puno, kasi marami ka pang
nakikita o marami ka pang natatanaw. Ngunit sana ay itanim din natin sa
ating isipan na unti unti ng nagbabago ang mga bagay na habang
tumatagal palala ng palala ang nangyayari sa paligid, na tayo rin ang
dahilan kung bakit natin nararanasan ito.

Pahalagahan natin amg mga likas na yaman, dahil tayo rin naman
ang makikinabang nito sa darating pang mga panahon. Magtanim ng mga
puno at gumawa ng hakbang para sa ikauunlad ng kailkasan. At
umpisahan ng disiplinahin ang sarili.

You might also like