You are on page 1of 2

JESSA KAMILLE

Habang Malaya ang mga kriminal, rapist, drug traffickers , mga magnanakaw , mga
teroristang walang takot na pumapatay at gumagawa ng lagim , kidnappers, at carjackers , at ang
riding in-tandern, ang ating lugar ay mananatiling magulo at patuloy na madagdagan ang mga
inosenteng namamatay dahil sa kagagawan ng mga iresponsableng tao. Kaya sa nangyayaring
hindi na makatao, kinakailangan ng ating bansa na ipatupad ang death penalty. Ayon sa
Republic Act No. 7659, ang death penalty ay ang parusang ipinapataw sa mga
kagimbal-gimbal na krimeng nakahahapis at kakilakilabot. Kung ilalagay
natin sa kasalukuyang sitwasyon ng bansanatin maaring hati ang magiging pananaw
ng sambayanan tungkol dito. Ang iba ay pabor habang ang ibanaman ay hindi
sasang-ayon rito. Ngunit kamatayan nga ba ang tunay na solusyon upang
tuluyangmaresolba ang problemang ito?
Maraming dahilan kung bakit kailangan na talagang ipatupad ang death penalty. Wala
ng takot sa batas at patuloy na paggawa ng krimen ng mga kriminal. Gaya na lang ang ginawa sa
16-anyos na dalaga sa cebu na sinsabing ni rape at ang malala binalatan pa ang kanyang mukha
at nakuha pa ang mga kanyang lamang loob kabilang ang kanyang lalamunan. Sa pagkakataong
ito, kailangan pa bang hintayin na mas marami pa ang mabibiktima ng suspek kung pwede
naman na siya nalang ang tapusin kaysa matapos ang buhay ng ibang mga taong inosente. Kahit
sinong biktima ang makakaranas nito walang ibang maiisip kundi “ kung buhay ang inutang,
buhay rin ang kabayaran”
Isa rin ang Paglala ng krimen sa Lipunan. Gaya ng drugs, gun-for-hire killings, murder,
rape, child prostitution, kidnapping, robbery, acts of terrorism at malversation of public funds, ay
ilan lamang sa malalalang krimen na patuloy na nagaganap sa ating bansa sa kasalukuyan na
kailangang tuldukan.

Nababawasan ang kriminal kaysa sa mabubuting mamayan ng Pilipinas.


Kapag napatupad ang death penalthy , mapapaigting nito ang mga kaso
nang pagpatay ng mga inosenteng tao, sa halip magiging tulay ito o daan upang
mabawasan at matakot ang mga kriminal na gumawa ng masama.
Kinakailangan na din talagang ipatupad ito para sa kaayusan at kaligtasan
ng mamamayan dahil sa ngayon, wala ng sinasanto ang mga mamamatay tao kaya
kailangan na din silang pugsahin upang ang kaguluhan ay matapos.
Ang Death Penalty ay isa tungo sa pagbabago ng mga tao. Mas-uusigin ng
mga tagahatol ang mga tao upang sa gayon , mas maibigay ang akmang
kaparusahan rito. Ang death penalty ay magsisilbing isang patnubay na batas na
dapat sunduin upang ang mga kriminal ay matakot na kalabanin ang gobyerno at
gamitin ang kasaman laban sa mamayan, dahil kapag may death penalty , hindi
lang mababawasan ang krimen , makakatulong pa ito na makapanghikayat ng tao
na huwag nang ituloy ang krimen na maari niyang gawin
Sa pagpapatupad nito maaaring ang kinabukasan ng mga sumusunod na henerasyon ay
maisalba mula sa hindi kanais-nais na nangyayari sa ating lipunan. Pati na rin sa pagkakaroon ng
patas na batas sa mga ibang bansa. Dahil kung naririnig ninyo maraming Pilipino na ang
naparusahan at nabitay sa mga dayuhang bansa subalit ang iba'y nanaaakusahan lamang. At ito'y
napakasakit pakinggan. Kaya kung ito'y maipapatupad sa ating bansa kung sinuman ang
makagagawa ng krimen maging pinoy, dayuhan o toresta ay mapaparusahan ng parusang
kamatayan, dahil ang batas ay walang kinikilingan at walang pinoprotektahan dapat lahat ay patas.
Upang pagkakaisa ay makamit.
Kaya’t ibalik ang Death Penalty sa ating bansa upang mabawasan ang krimen na nagaganap
sa ating bansa.

You might also like