You are on page 1of 4

Kumikinang na Hiyas

Ni: Janeth Morado Lupango

Umiimbay ang balakang habang naglalakad sa madilim na kalye sa hilera ng iba’t-


ibang klase ng aliwan at lugar ng matinding kasiyahan. Kolorete sa mukha’y nagbabadya
ng kagandahang walang kapantay. Nang pumasok sa isang lugar ng patay-sindi lahat ng
kalalakiha’y di malaman kung ano ang gagawin at saan titingin. Bitbit niya’y isang vanity
bag “Hermes” pa ang tatak. Sa likuran niya’y isang babaeng di magkandatuto sa mga
dalang damit. Pumasok maya-maya’y mga kalalakihang dala ay iba’t-ibang klase ng ilaw.
May isang dala ay kamera, isa naman ay mga damit na naka hanger pa. Nang sumigaw
ang isa ng “direk magsisimula na ba?
Sa Panahon nila Ngayon
ni: Janeth Morado Lupango

“Di mo ako mahal” salitang laging sinasabi ng isang anak sa magulang kapag hindi
nabibigay ang gusto.
Pero natanong mo na ba sa ‘yong sarili “Ikaw kelan mo minahal ang iyong mga
magulang?
Ito ay mga bagay na napapansin natin ngayon sa mga kabataan.
Mas pinipili ang maghanap kaysa gumawa.
Ang magreklamo kaysa sa tumulong.
Millennials sila ngayon kung tawagin
Sunod sa luho sunod sa layaw.

Sa eskwela mapapansin mo
Iba-ibang ingay kanilang nililikha.
“Pre, bes, mate, bff nadownload mo na ba yung bagong season ng ML o mobile legends
ngayon?
Naku pre nalaro ko na nga kagabi, di ka naman updated eh.
Yan dyan sila magaling.
Tawagin mo sa oras ng klase para sa resitasyon
Kung hindi kalang tititigan sila ay yuyuko na lamang.

Sabi ni Gat. Jose Rizal na ang “Kabataan daw ang pag-asa ng Bayan”
Subalit sa araw-araw na namamasdan ko sa aking mga mag-aaral
Nasambit ko sa aking sarili “Pag-asa pa ba ng bayan ang mga kabataan ngayon?
Na imbes na nasa loob ng klase andun sa kanto at umiinom ng alak at naninigarilyo
At papasok sa paaralan upang magpasikat lamang.

Na sinasabing ang edukasyon ang sagot sa kahirapan.


Kahirapan na lalong nadaragdagan dahil sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan.
Oo totoo dahil sa kanilang makamundong isipan na nakukuha sa social media.
Social media na nagiging daan upang kabataan ay maengganyo sa makamundong
isipan.

At sa bawat araw na lumilipas ibayong awa ang aking nararamdaman.


Awa dahil sila ay salat sa kaalaman kulang sa kalinga at pagmamahal.
Naliligaw ng landas at nagugumon sa masasamang gawi.
Mga bibig na halos mura na lamang ang maririnig
Mura na parang natural na lamang sa kanilang pandinig.

Kasabay ng ebolusyon ng teknolohiya sa makabagong panahon


Nakagisnang pagpapahalaga ay isabuhay parin sana
Wala paring mas hihigit sa taong may malaking respito at paggalang sa kapwa tao
Pagmamahal sa magulang ay wag sanang kalimutan
Di ko man sinasabing ‘wag makisabayan sa agos ng mundo
Basta’t maging responsable sa bawat aksiyon na ginagawa mo.
ANG BATANG TAMAD MALIGO
Ni. Janeth Morado Lupango

Sa isang malayong probinsiya, may nakatirang isang mag-asawang may anak na


babaeng napakatamad maligo. Ang batang ito ay si Mikay. Mas inuubos nito ang oras sa
paglalaro. Kahit na nanlilimahid na ito sa dumi at pawis ay di niya alintana. Hanggang
isang tanghali habang naglalaro siya, bigla na lamang bumuhos ang napakalakas na
ulan.
“Naku nabasa ako! sambit ni Mikay.
“Halika maligo nalang tayo, basa na rin naman tayo ng ulan.” Sabi ng kaniyang kalarong
si Tina.
“Ayoko nga.” agad na sagot ni Mikay.
“Baka magkasakit ka kung hindi ka maliligo.” muling sabi ni Tina.
“Magpapalit lang ako ng damit pag-uwi ko mamaya sa bahay” ang muling sabi ni Mikay.
“Bahala ka” ang nasambit nalang ni Tina.
At naglaro sa ulanan ang magkaibigan. Pagkauwi sa kanilang bahay, nagbihis lng ng
damit si Mikay samantalang naligo naman si Tina. Kinagabihan, nanginginig at nag-aapoy
sa init ang batang si Mikay. Mataas ang kaniyang lagnat.
“Yan ang tigas kasi ng ulo mong bata ka! sinabihan na kitang maligo araw-araw. Alam
mo ba na sa tuwing hindi ka naliligo dumarami ang mga kagaw sa katawan mo. Hindi ito
maaalis kung hindi ka maliligo.” ang mahabang pahayag ng kaniyang ina. Hihina ang
resestinsiya sa katawan mo at madali kang kakapitan ng sakit dahil sa dumi na nasa iyong
katawan. “Gusto mo bang palaging magkasakit? Muling sabi ng kaniyang ina.
“Ayoko po Nay! ang sabi ng tamad na bata.
“Oh anu ang gagawin mo para hindi ka na magkasakit palagi? Tanong ng ina.
“Maliligo na po ako araw-araw at hindi na rin po ako maglalaro sa maduduming lugar.”
Pangako ni Mikay sa kaniyang ina.
“Tatandaan ko yan”. At niyakap si Mikay.

Mula nga noon ay araw-araw ng naliligo ang batang si Mikay. Hindi na rin siya
naglalaro sa maruruming lugar at iniingatan na niya ang kaniyang sariling hindi
magkasakit.

You might also like