You are on page 1of 1

Wikang Filipino: Noon, Ngayon at Bukas

Maligayang araw sa inyong lahat!


Bago ko simulan ang aking pananalumpati, ako'y magtatanong ng isang mahalagang katanungan
ukol sa nasabing paksa. Mahal niyo ba ang wikang Filipino?

Ayon kay Dr. Jose Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho
at malansang isda" nais ko ulit ipaalala kung paano pinahalagahan at minahal ng ating
pambansang bayani ang ating wika. Ngunit, ito pa ba ay ating taos pusong minamahal kagaya ng
dati? Ang wika ay mahalaga, pinahahalagan at dapat alagaan ng bawat Pilipino bagkus ito ang
naging bunga ng ating pagiging makabayan.
Filipino ba o Pilipino? Teka, baka naman tagalog? Madalas itong natatanong ng ating mga
kababayan ukol sa ating wikang pambansa. Ginagamit paba nila ito? Ayon sa pananaw ni San
Buenaventura, "Ang wika ay larawang binibigkas at isinusulat." Ang wika ay hindi namamatay o
nawawala hangga't mayroong mga taong bumibigkas nito.

Nakalulungkot isipin na ang wikang dapat ay magsisilbing daan para sa pagkakaintindihan at


pagkakaisa ng sambayanan ay unti-unting naglalaho o napapalitan. Erpats, petmalu, lodi, edi
wow. Ilan lamang ito sa mga salitang nauuso nlalo na sa kasalukuyang panahon. Ngunit,
nakakalungkot isipin na may mga Pilipino pa rin na hindi naiintindihan o pag-aaralan ang
pambansang wika

Sabi sa pahayag ng Filipino Journal, Responsibilidad ng bawat tao na pagyamanin ang kanyang
kaalaman sa paggamit ng pinakamahalagang armas ng komunikasyon. Dahil kung habang
nagiging bihasa ka sa tamang paggamit ng wika e mas nababawasan ang di pagkakaintindihan ng
bawat tao.

Inihayag ni john kelvin briones, na ang mga resulta ng nat, karamihan sa mga estudyante ay mga
“least mastered skills” na hindi na nagagamit ng maayos ang wika gaya ng gramatika. Sa
panahon ngayon, sa ating pag-aaral natin nabibigyang halaga ang wikang filipino. Isulong ang
kampanya sa paggamit ng wikang Filipino. Ano ang kaya mong gawin? Simulan ngayon!

You might also like