Professional Documents
Culture Documents
Alamat NG Pilipinas
Alamat NG Pilipinas
“Huwag kayong lumabas ng ating kweba,” ang bilin ng ama. “Dyan lamang
kayo sa loob dahil may mga panganib sa labas. Hintayin ninyo ako sa loob ng
kweba.”
“Tulungan ninyo ako!” sigaw ni Minda. Narinig nina Lus at Bisaya ang sigaw ni
Minda. Abot ang sigaw sa loob ng kweba kaya tumigil sa paggawa ang
dalawa.
“Si Minda humihingi ng tulong!” sabi ni Lus na nanlalaki ang mga mata sa
pagkagulat.
Mabilis nilang nilusong si Minda, malalim pala doon. Inabot nila ang kamay
nila sa kapatid. Pati sila ay nadala ng dambuhalang alon. Kawag, sipa, taas ng
kamay, iyak sigaw at walang tigil na kawag. Sa kasamaang palad ang tatlong
dalagang higante ay hindi na nakaahon.
Nang dumating ang amang higante nagtataka siya bakit walang sumalubong
sa kanya. Dati-rati ay nakasigaw na sa tuwa ang tatlo nyang anak kung
dumating sya. Wala ang tatlo sa kweba, ni isa ay wala roon.
“Saan kaya nagtungo ang tatlo kong anak?” Tanong nya sa sarili. “Saan kayo
Lus, Minda, Bisaya!”
Walang sumasagot, hinanap niya sila sa paligid ngunit wala sila roon.
Pinuntahan niya ang ilang malapit na pulo, ni anino ay wala.
“Baka may pumuntang tao at dinala silang pilit,” sabi ng higante sa sarili.
“Mga anak! Ano pa? Wala na” himutok ng ama. Nawalan na siya ng ganang
kumain. Tumayo, umupo, tumingin sa malayo. Isa-isang hinagod ng tingin ang
bawat munting bato at kahoy sa malayo. At sa pagod at hapis napahilig sa
isang bato at tuluyang natulog. Mahabang pagkatulog ang nagawa ng
kawawang higante.
Nang magising ang higante, kinusot niya ang kanyang mga mata. May nakita
siyang wala doon dati. Tumayo bigla at tiningnan mabuti.
“Ano ito? Saan galing ang tatlong pulong ito? Sila kaya ang tatlong ito?”
Tanong sa sarili, lalong lungkot ang naramdaman ng amang ulila.
“Ang tatlong pulong ito! Sina Lus, Minda at Bisaya ito!” ang sabi niyang
malakas.
At buhat noon tinawag na Luson, Bisaya at Mindanaw ang tatlong pulo. Dito
nagmula ang bansang Pilipinas. Nasa gawing timog ng Asya. Bahagi ito ng
Pilipinas sa katimugang bahagi ng Asya.
Aral:
Ang pagiging matigas ang ulo ay nagdudulot ng kapahamakan sa tao.
Pagkaminsan pa nga ay kapahamakan din ang dulot nito sa iba.
Ang pagsunod sa magulang ay hindi isang parusa. Bagkus ito ay
nagpapakita ng paggalang natin sa knila.
Sumunod sa utos ng magulang upang makaiwas sa kapahamakan.
.