You are on page 1of 7

Pamantasang Ateneo de Zamboanga

MATAAS NA PAARALANG JUNIOR


PAASCU Level III Accredited
Taong Pang-akademiya 2019 – 2020

SURING PAPEL SA FILIPINO 10


Jajalis, Darem P. - 10 St. Philip Evans

“Cupid at Psyche"
ni Lucius Apuleius

I) Pagpapakilala sa Akda

a) Ang Pamagat ng Akda


i) Ang pamagat ng pinakilalang akda ay ang "Cupid at Psyche". Ang gustong
ipahiwatig o ipakita ng akda o ang simbolismo ipinakita ng akda ay ang
paghihirap ng tao at sa huli ay makikita o makukuha natin ang
kaligayahan. Sa madaling salita, ang simbolismong ipinakita ay sa huli ay
may premyo kang matatangap kapalit sa mga pagdudusa na iyong
hinarap.

b) Ang may-akda
i) Ang sumulat ng akdang "Cupid at Psyche" ay si Lucius Apuleius , o mas
kilala siya bilang si Africanus. Siya ay ipinanganak noong 124 CE sa
Madauros, Numidia at pumanaw noong 170 CE. Siya ay isang talisik,
manananayusay at isang may akda na nakilala sa akdang isinulat niyang
"The Golden Ass". Siya ay nakapagaral sa Carthage at Athens, nalibutan
niya ang buong rehiyon ng Mediterranean at nakuha ang kanyang
atensyon at napaibig siya sa mga kulturang nakita niya sa mga lugar na
kanyang nilakbayan. Ang akdang isinulat ni Lucius Apuleius na

Pahina 1
nangangalang "Cupid at Psyche" ay unang nagpakita bilang isang akda na
may konting pagkaimoral.

c) Maikling Buod ng Akda


i) Si Psyche ay ang bunso sa tatlong magkakapatid. Siya ay sinasamba ng
mga tao dahil sa kanyang kagandahan at dahil dito ay nagalit si
Venus(Aphrodite kapag Greek) kay Psyche dahil nakakalimutan na siya
ng mga tao. Inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid na tamaan o
tirahin si Psyche at ipamahal sa isang nakakadiri at masungit na tao sa
mundo. Noong nakita ni Cupid ang kagandahan ni Psyche, tinamaan niya
ang sarili niya. Ang pamilya ni Psyche ay nagaalala kung hindi
magkakaroon si Psyche ng asawa kahit maraming sumasamba sa kaniya
ay napapangasawa pa din ng iba ang mga tao kaya nagdasal ang ama ni
Psyche kay Apollo at sinabi ni Apollo na pumunta sa taas ng isang burol at
mapapangasawa niya ay isang ahas. Si Psyche ay pumunta sa burol na
walang takot at siya'y napatulog.

Pahina 2
ii) Pagkagising niya ay nagulat siya ay na nasa isang mansyon. Kahit hindi
niya nakikita ang kanyang asawa, siya ay masaya kasama siya. Isang araw
ay sinabi ng mga kapatid ni Psyche na tignan ni Psyche ang itsura ng
asawa. Dahil doon, isang gabi ay pumunta si Psyche hawak ang isang
lampara. Nagulat si Psyche dahil nakita niya na ang kanyang asawa ay si
Cupid. Nagulat si Cupid at Psyche at napaso ang balikat ni Cupid at
bumalik siya kay Venus upang magpagaling, si Psyche ay naglakbay
upang mahanap si Cupid at nakita niya si Venus. Binigyan ni Venus si
Psyche ng mga pagsubok at nalampasan niya ito at sa huling misyon ay
dapat niyang makuha ang kagandahan ni Proserpine at siya'y
natagumpay. Ngunit nung siya'y paalis na ay siya ay naging usisa at
binuksan niyaang kahon at siya'y napatulog at nung nakita siya ni Cupid
ay naghiling kay Jupiter(Zeus kapag Greek) na gawin siyang imortal at
itinanggap naman nito ni Jupiter at natuloy ang kasal ng dalawa at
nagkaroon sila ng anak na ang pangalan ay "Voluptas(Pleasure ang
pagkasalin ng pangalang nito)".

II) Pagsusuri ng Nilalaman

a) Tauhan
i) Cupid
(1) Ang tungkulin ni Cupid ay dahil siya ay ang diyos ng pagmamahal, ang
kanyang tungkulin ay magpaibig ng mga tao. Sa akdang ito, ang
kanyang tungkulin ay mapasaya ang kanyang ina ngunit siya ay
napamahal kay Psyche.
(2) Si Cupid sa totoong buhay ay ang mga taong handang magmahal ng
kanilang minamahal kahit na ayaw ng magulang nito sa taong
minamahal nito.
ii) Psyche
(1) Ang tungkulin ni Psyche ay isang babae na matapang, handang gawin
ang lahat para makita muli ang minamahal.
Pahina 3
(2) Si Psyche sa totoong buhay ay mga taong handang ipaglaban o
harapin ang mga pagsubok. Kahit may pagkakaiba ang tao saatin ay
kaya pa din nating tanggapin ang taong iyon.
iii) Venus
(1) Ang tungkulin ni Venus ay siya ang diyosa ng pagmamahal at
kagandahan. Siya ang isa sa mga diyosang isinasamba ng mga tao sa
mundo. Sa akdang ipinakita ay siya ang diyosang nagalit dahil sa
kinalimutan na siya ng mga tao dahil may sinasamba nang iba ang
mga tao.
(2) Si Venus sa totoong buhay ay ang mga taong nagagalit dahil lamang
ay nawala na sa kanila ang pansin ng mga tao. Si Venus din sa totoong
buhay ay ang mga taong nagseselos sa ganda ng iba at dahil dito ay
napapanira nila ang mga buhay ng tao.
iv) Zephyrus
(1) Si Zephyrus ay ang diyos ng timog hangin. Siya ang nagdala kay
Psyche sa tahanan o mansyon ni Cupid. Siya din ang nagdala sa mga
kapatid ni Psyche papunta sa masyon ni Cupid noong gusto ni Psyche
bumisita sa kaniya ang kanyang mga kapatid.
(2) Si Zephyrus sa totoong buhay ay siya ang mga taong sumusuporta sa
kanilang mga kaibigan upang maging masaya ang kanilang kaibigan.
v) Jupiter
(1) Ang tungkulin ni Jupiter ay siya ang tagapagmamahala ng buong
diyos at diyosa sa Roman. Sa akdang ito, ang tungkuling kanyang
iginananap ay bilang isang diyos na nagbigay ng imortalidad kay
Psyche upang si Psyche at Cupid ang magkakatuloyan at magkakasal.
(2) Si Jupiter sa totoong buhay ay ang mga pari sila ang namamahala sa
kasal ng dalawang tao.
b) Banghay
i) Panimula
(1) Si Psyche ay ang bunso sa tatlong magkakapatid, sa kanilang tatlo ay
siya ang pinakamaganda at dahil dito ay siya ay sinasamba ng mga
Pahina 4
tao. Dahil dito, ay nagalit ang diyosang nangangalang Venus
(Aphrodite kapag Greek) kaya ipinadala niya si Cupid upang tamaan
at mahulog ang loob ni Psyche sa isang nakakadiri at ignoranteng
lalake. Nahulog si Cupid kay Psyche at tinamaan niya ang sarili at
maya maya ay pumunta si Psyche sa taas ng burol at nakatulog at
nagising sa mansyon ni Cupid.
(2) Masasabi kong normal sa tao ang magselos sa ibang tao ngunit ang
paghihiganti o pagaatake sa taong pinagselosan upang magiba ang
tingin ng tao sa kanya ay hindi nating masasabing makatao. Dahil ito
ay masasabi kong nakakapanira ng kaligayahan ng tao.

ii) Suliranin
(1) Ang suliranin o problemang ipinakita sa akdang ito ay dahil ang
pagseselos at galit ni Venus kay Psyche. Dahil dito ay nagkaroon ng
paghihirap si Psyche sa kanyang buhay. Dito din nagpakita ang
pagsubok dinaanan ni Psyche sa ngalan ng kanyang pagibig. Dito din
nagpakita ang problemang walang tiwala sa pagmamahalan ng
dalawa.
(2) Lahat ng suliranin na ipinakita sa akda ay napagbigyang solusyon at
wala ni isang problema ang hindi nasolusyonan nina Pysche at Cupid.
(3) Masasabi kong matatag at matapang si Psyche sa paghaharap ng mga
paghihirap ni Venus sa kanya dahil sa kanyang pagmamahal at
pagiging tapat kay Cupid at gayun din si Cupid kay Psyche.

iii) Kasukdulan
(1) Nung nalaman ni Psyche na si Cupid ang kanyang lalaki ay umalis siya
at naglakbay si Psyche upang hanapin si Cupid at nakita niya si Venus
at binigyan ni Venus si Psyche ng mga imposibleng pagsubok na
kanyang haharapin at natagumpayan naman nito ni Psyche sa tulong
ng mga ibang diyos at diyosa.

Pahina 5
(2) Ang masasabi ko dito ay handang harapin ni Psyche ang mga
pagsubok kahit masasabi nating mahirap at imposible ang mga
ibinigay ni Venus na mga pagsubok.

iv) Kakalasan
(1) Ang kakalasan ng akda ay ang huling pagsubok na ibinigay kay
Psyche na pumunta sa mundong ilalim at kumuha ng kagandahan ni
Proserpine (Persephone kapag Greek) at ilagay sa isang kahon,
Nakapagtampayan niyang dumaan sa isang asong may tatlong ulo at
nakatawid sa ilog dahil sa binayaran ni Psyche si Charon ng pera.
Pagkatapos nito ay nakapagtagumpayan ni Psyche na kumuha ng
kagandahan ni Proserpine at pagbalik ni Psyche ay binuksan niya nito
ang kahon dahil naisipan niya na mamahalin siya muli ni Cupid sa
karagdagang kagandahan nito ngunit siya ay naghina at nakatulog.
Gumaling na si Cupid at tumakas sa ina at hinanap si Psyche at
ginising niya ito.
(2) Masasabi kong tapat ang dalawa sa isa't isa dahil si Psyche ay hinarap
ang mga pagsubok ni Venus para kay Cupid at si Cupid ay tumakas sa
ina upang mahanap ang kanyang minamahal na si Psyche.
(3) May kaugnayan ang kasukdulan at kakalasan dahil ang dalawa ay
nagpakita ng nangyayari sa tiwala at pagiging tapat ng dalawa sa isa't
isa.

v) Wakas
(1) Kinausap ni Cupid si Jupiter na gawing imortal si Psyche at itinupad
naman ni Jupiter ang hiling at itinipon ang lahat ng mga diyos at
diyosa at naging imortal na si Psyche at hindi na galit si Venus kay
Psyche dahil nawala na sa kanya ang tingin ng mga tao at masayang
namuhay si Psyche at Cupid at nagkaroon sila ng anak na si Voluptas.
(2) Masasabi kong maganda ang akdang ibinasa dahil ang akda ay
nagpapakita ng pagmamahalan ng dalawang tao at pagtanggap ni
Pahina 6
Venus kay Psyche at sa pagtitipon ng mga diyos at diyosa upang
malaman nila na si Psyche ay isa nang imortal.
III) Pagtatalakay sa Teoryang Pampanitikan nakapaloob sa akda
a) Teoryang Romantesismo
i) Teoryang Romantesismo ay isang teorya na nagpapakita ng
pagmamahalan o pagiibigan ng dalawang taong magkaibang kasarian at
puwede din ang pagmamahal sa pamilya, kaibigan at iba pa.
ii) Ang kaugnayan ng teoryang ito sa akda ay dahil ipinakita ang
pagmamahalan ng dalawang karakter ng magkaibang kasarian at
pagmamahal ng pamilya ni Psyche sa kanya.
IV) Mensahe o Aral mula sa akda
a) Ang ipinakitang aral o mensahe ng akda sa mga mambabasa ay ang
mensaheng wag sumuko kahit anong mangyari. Magbigay tiwala sa isa't isa
upang malampasan ang mga pagsubok na ihaharap niyo at maging tapat sa
iyong minamahal.
V) Konklusyon
a) Ang masasabi ko sa akdang ipinakita at ibinasa ay ang akda ay maganda at
makakapagbigay magandang aral para sa mga taong madaling sumuko at
bumitaw sa mga pagsubok na haharapin. Masasabi ko rin na ang akdang
ipinakita ay magandang irekomenda sa mga estudyante mas lalo sa mga
magaaral sa "high school" upang malaman nila ang kahulugan ng pagiging
palaban at hindi sumusuko at maiwasang magkaroon ng personalidad tulad
ni Venus.

Sanggunian:
https://www.britannica.com/biography/Lucius-Apuleius
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/cupid-at-psyche-mitolohiya-panitikang.html

Pahina 7

You might also like