You are on page 1of 1

1st scene

Madilim ang classroom dahil nakapatay ang ilaw habang nagpiplay sa projector ang last scene ng movie
ni rizal na binaril siya sa Luneta o Bagumbayan.

Biglang iilaw at ipapakita ang iba’t ibang reaksyon ng mga estudyante nang biglang magtatanong ang
propesor.

Prof (pagayao): Sino ba talaga si Dr. Jose P. Rizal?

Student 1(emilio, Juntilla): para sa akin si Dr. Jose P. Rizal ay isang tunay na pambansang bayani ng
Pilipinas dahil pinagtanggol nya ang pilipinas laban sa mga kastila.

Prof: sang ayon ba kayong lahat sa sinabi ni emilio?

Student 2 (Kim): kung ako ang tatanongin, mas karapat dapat si Andres Bonifacio, sapagkat itinaya nya
ang kanyang sariling buhay upang makamit ang inaasam nating kalayaan.

(ang ibang mga estudyante ay magbubulungan at sasang-ayon)

Student 3 (Garcia): alam mo Emilio, hindi kailangan ng dahas upang tawaging pambansang bayani. Katulad
na lamang ng ginawa ni Rizal, ginamit nya ang kanyang utak upang gisingin ang isipan ng mga Filipino para
ipaglaban ang kanilang karapatan at imulat sa karahasan ng mga kastila.

Student 4 (Karnain): ngunit nararapat kay Andres Bonifacio ang titulong iyon!! dahil namatay siyang
nakikipaglaban at may paninindigan. Di gaya ni Rizal, ni hindi man lang pinagtanggol ang kanyang sarili.

Student 5 (Kasmili): hindi ako naniniwala, mas pinili lang ni Rizal ang hindi makipaglaban ng dahas dahil
alam niyang hindi masosolusyonan ng dahas ang isa pang dahas.

(Magdidikusyon ang apat na estudyante, pagkatapos ay pipigilan ng guro)

Prof: sandali lamang, parehas silang pambansang bayani ng Pilipinas, ang pagkakaiba nga lang ay namatay
si Rizal ng may dignidad at karangalan samantalang si Andres Bonifacio naman ay hinuli at pinatay ng
walang pag aalinlangan. Dahil kung atin naming sasaliksikin ng mabuti si Rizal pa rin ang utak ng
rebolusyon at si Bonifacio naman ang tagapagpatupad nito.

: balikan natin ang nakaraan upang malaman natin kung sino nga ba si Jose P. Rizal

(Lights Off)

You might also like