You are on page 1of 1

EDITORYAL

Wag padalus-dalos

Wala nang makakaharang pa sa gobyernong Arroyo para ipatupad ang Cyber Education project
ng Department of Education (DepEd) sa kabila ng kinakaharap na kontrobersiya sa mga
proyektong popondohan ng bansang China.

Sa katunayan nakipagpulong na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang gabinete


upang tiyaking magiging tuluy-tuloy at walang anumang balakid pa sa implementasyon sa
ikinukunsiderang napakahalagang proyekto para sa sektor ng edukasyon.

Bilang ganansiya tiniyak ng gobyerno na malaking benepisyo ang hatid ng cyber education
project sa milyun-milyong mag-aaral na Pinoy sa bansa.

Sa deklarasyon ng Pangulo, tila wala na ngang makapipigil pa sa administrasyong Arroyo para


pigilin ang cyber education project ng DepEd.

Pero hindi ba’t nauna nang inihayag ng gobyerno na pag-aaralan munang mabuti ang lahat ng
transaksyon sa pagitan ng China matapos na mabunyag ang umano’y suhulan at overpricing sa
kontrobersiyal na national broadband network deal na dapat ay napasakamay ng ZTE
corporation ng China.

Dahil sa alingasngas na nilikha ng kontrobersiya sa broadband deal hindi dapat magpadalus-


dalos ang gobyerno sa pagpasok sa cyber education project.

Hindi kailangang ibase lamang ng gobyerno sa benepisyong hatid ang pagsusulong ng proyekto
sa halip dapat ay isaalang-alang din ang iba pang aspeto lalo na ang katiyakang malinis at
walang anumang bahid ng anomalya ang proyekto.

Magsilbing leksyon sana sa gobyerno at mga opisyal ng pamahalaan ang kontrobersiyang nilikha
ng broadband deal kaya’t pag-aralang mabuti anumang proyektong papasukin ng pamahalaan
upang hindi makumpromiso ang ating bayan....

Tiyaking payapa at malinis.


Sa wakas ay nagkaroon na ng linaw ang isyu sa urong-sulong na pagdaraos ng Sangguniang
Kabataan at Barangay election at itinakda nga ito ngayong Oktubre 29.

Tuluyan nang nabasura ang panukalang pagpapaliban sa halalan na unang ikinasa ng Mababang
Kapulungan ng Kongreso subalit hindi kinatigan ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso dahilan
upang magbigay ng direktiba ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pulisya at militar na
tiyaking mapayapa ang idaraos na halalan sa huling linggo ng buwang kasalukuyan.

Ngayong opisyal nang inanunsyo ng Palasyo ang halalan para sa SK at barangay, siguro ay
matatahimik na ang mga incumbent SK at barangay officials at maluwag na tatanggapin ang
kautusang magdaos ng eleksyon para sa panibagong mamumuno sa mga barangay.

Dahil opisyal nang idaraos ang halalan, ang tanging hangad lamang natin ay maging malinis at
mapayapa sana ang gaganaping eleksyon.

Wala sanang magbubuwis ng buhay o dugong dadanak sa pagkakataong ito dahil kaawa-awa
naman ang mga inosenteng taong nadadamay sa anumang kaguluhang maaring mamayani bago
ang halalang pambarangay.

Para naman sa mga sasabak sa halalan, huwag maghasik ng kaguluhan kapalit ng kagustuhang
manatili sa kapangyarihan dahil tiyak tapos ang inyong ambisyong maglingkod sa bayan.

You might also like