You are on page 1of 2

Sa nag-iisang Ama ng Bayan ng Rizal, punongbayan Rafaelito V.

Andres,
sa mga kagalang-galang na pinili ng bayan: Punongbayan Hanna Katrina
Andres, Pangalawang Punongbayan Bonifacio Soliven, mga Miyembro ng
Sangguniang Bayan, Gilbert Arellano, Cindy Abesamis, Dennis Soliven,
Gino Placido, Linda De Guzman, Czespher Talens, at Dr. Segundo
Cervantes; sa kanilang mga pamilya na siyang pinaghugutan nila ng lakas
laban sa mapanghamong halalan, gayun na rin sa kanilang mga
makakasama Pangulo ng Liga ng mga Punongbaranggay Benigno Paras at
sa lahat ng mga punongbarangay at opisyales ng barangay na narito , IP
Representative Alberto Betuing, Pangulo ng Pederasyon ng Sangguniang
Kabataan Bryan James Placido at sa mga Sangguniang Kabataan
Chairpersons at Councilors na narito, mga kapwa ko manggagawa ng
pamahalaang lokal at pambansa, mga kapwa Rizalenyo, mga kaibigan,
mga nagmamahal sa bayan,

Sa ngalan ng mahigit sa apat na raang kawani na bumubuo sa


mapagkalingang pamilya ng lokal na pamahalaan ng Bayan ng Rizal,
malugod po namin kayong tinatanggap sa isang makasaysayang
kaganapang ito

Anim na taon ang nakalipas nang maganap ang pinakahuling pagsasalin


ng kapangyarihan sa noon ay bagong pamunuan. Anim na taon na
nadama ng bawat Rizalenyo ang pagkalinga, ‘di-matatawarang serbisyo
publiko at Lubusang Asikaso para sa isang Bayang Sigurado. Kasabay ng
pagsasara ng mga voting precints noong nakaraang eleksyon ay
sinelyohan din natin ang ating sagradong hatol kasabay ng pag asa na
maipagpapatuloy ng ating mga pinili ang magagandang mga programa
na tumatak sa puso at isipan natin bilang mga mamamayan. Sa
kalagitnaan natin ngayon, kasama natin ang mga bagong
pinagkatiwalaan natin na magdadala sa atin sa lalong katiwasayan.
Ngunit, bago po tayo magpatuloy ay lingunin natin ang mga namuno at
nagtaguyod sa bayan natin sa nakaraang anim na taon. Kung kaya,
hinihiling ko po sa bawat isa, bilang tanda ng ating respeto at
pasasalamat sa kanila, na bigyan natin sila ng sampung segundong
palakpakan…….
Sa pagsasalin ng kapangyarihang magaganap ngayon at sa panunumpa
ng ating mga bagong inihalal ng bayan, bawat tindig, salita at kilos po
ninyo ay ang salamin sa kung sino ba ang tinatanaw ng ating mga
kababayan ngayon. Sa pelikulang Quezon’s Game, ilang ulit na
kinuwestyon ng mga mismong nasa pamahalaan ang pamumuno ng
dating Pangulong Quezon. Mas lalo pang sinubok ang prinsipyo at
katatagan ng dating pangulo sa desisyon nitong iligtas at kupkupin ang
mga Hudyo mula sa tiyak na kamatayan sa Holocaust. Nilibak ito ng mga
kapwa Pilipino at sinabing inuuna pa raw ng pangulo ang kapakanan ng
ibang lahi kaysa mga Pilipino. Ngunit, anuman ang sinabi nila upang
madismaya at mawalan ng pag asa ang dating pangulo, hindi siya naging
makasarili bagkus ay mas lalo siyang naghangad na makatulong sa
nangangailangan Pilipino man o hindi. Aniya, iyon ang TAMANG GAWIN.
Nawa ay manalig po tayo sa prinsipyo ng TAMANG GAWI at TAMANG
GAGAWIN at sabay sabay po nating tanawin ang TALA paroon.

Maraming salamat po at magandang umaga po sa ating lahat.

You might also like