You are on page 1of 35

DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 10

(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa paggamit ng isip sa
Pangnilalaman paghahanap ng katotohahan at paggamit ng kilos-loob sa paglilingkod/pagmamahal.

B. Pamantayan sa Nakakagawa ang mga mag-aaral ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
Pagganap hanapin ang katotohanan at maglingkod at magmahal.

C. Mga kasanayan sa 1. Natutukoy ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon. EsP10MP-Ia-1.1
Pagkatuto. Isulat ang 2. Napaghahambing ang kakayahang taglay ng tao at hayop.
code ng bawat kasanayan 3. Nahihinuha ang kahalagahan ng gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob mula sa mga naranasang
sitwasyon sa buhay.

II. Nilalaman Modyul 2: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 TG p. 11-21


Guro
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p. 21-41
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-

38
aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop, meta strips, Manila paper, graphic organizer
Panturo pnoytalks.com/2015/06/k-to-12-learning-materials-for-grade-10.html
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Gamit ang KWL technique, ipaliwanag ng mga mag-aaral ang kuhulugan ng isip at kilos-loob.
aralin at pagsisimula ng Tatawag ng ilang mag-aara upang basahin ang mga kasagutan. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
bagong aralin. (Reflective Approach)
A.
K (know) W (want) L (Learned)
Isip
Kilos-loob.

B. Pasagutan ang paunang pagtataya.

Paunang Pagtataya
1. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga
upang bigyan ito ng kahulugan?
a. Mag-isip

39
b. Makaunawa
c. Maghusga
d. Mangatuwiran

1. 2. Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kanyang damdamin?
2. a. Ang tao ay may kamalayan sa sarili
3. b. Malaya ang taong pumili o hindi pumili
4. c. May kakayahan ang taong mangatuwiran
5. d. May kakayahan ang taong mag-abstraksiyon
6.
3. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
a. Magagawa ng taong kontrolin ang kanyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit
nito sa tamang direksiyon
b. Ang tao ang namamahala sa kanyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kanya ng
kailangan niyang gawin
c. Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kanyang kakainin upang maiwasan ang
pagkakasakit
d. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay
natatangi.

4. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maipluwensiyahan ang kilos-
loob.” Ano ang kahulugan nito?
1. a. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob
2. b. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
3. c. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti
4. d. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito

40
5.
5. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang
pahayag?
1. a. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
2. b. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip
3. c. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama at kakayahan ng isip
d. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyong naihahatid dito

4. 6. “Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto,” ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig
5. sabihin nito?
1. a. Ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito
2. b. Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan
3. c. May kasama akong nakakita sa katotohanan
4. d. Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao
5.
1. 7. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa?
2. a. Kakayahang mag-abstraksiyon
3. b. Kamalayan sa sarili
4. c. Pagmamalasakit
5. d. Pagmamahal

8. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-
abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng
tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
a. Nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo
b. Nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapwa
c. Napauunlad nito ang kakayahang mag-isip

41
d. Nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob
1.
9. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
a. Pagmamahal
b. Paglilingkod
c. Hustisya
d. Respeto
1.
10. Ang hayop ay may kamalayan sa kanyang kapaligiran dahil may matalas itong kakayahan
upang kilalanin ang bagay na nakikita, tunog o amoy ng kanyang paligid lalo na kung ito ay may
kaugnayan sa kanyang buhay. Mayroon din itong pakiramdam sa kung ano ang mabuti at
masama para sa kanyang kabutihan o kapakanan. Mula sa mga pahayag, para saan ang
kakayahang ito ng hayop?
a. Kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila
b. Ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kanyang sarili
c. Mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito
d. Upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Natutukoy ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon.
2. Napaghahambing ang kakayahang taglay ng tao at hayop
3. Nahihinuha ang kahalagahan ng gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob mula sa mga naranasang
sitwasyon sa buhay.

B. Tunghayan ang dalawang larawan. Paghambingin ang katangian ng tao at hayop. Isulat sa tsart
ang kasagutan. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng natapos na gawain

42
pagkatapos pasagutan ang mga tanong sa kasunod na pahina. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)

Tanong Tao Hayop


1 Ano ang mayroon sa bawat
isa upang makita ang babala?
2 Ano ang kakayahang taglay
ng bawat isa upang
maunawaan ang sinasabi ng
babala?

1. Ano ang pagkakatulad ng hayop at tao?


2. Ano ang pagkakaiba ng hayop at tao?
3. Paano kumilos ang hayop? Ang tao?

43
4. Ano ang natuklasan mo tungkol sa hayop at sa tao batay sa pagsusuri ng mga larawan?

C. Pag-uugnay ng mga Pangkatin ang klase sa tatlo. Gamit ang PowerPoint Presentation, ipabasa sa mag-aaral ang
halimbawa sa bagong sumusunod na sitwasyon. Pumili ng isang mag-aaral sa bawat pangkat upang magbahagi ng
aralin kasagutan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach)

Pangkat 1-Sitwasyon 1
Magkakasama kayo ng ilan sa iyong mga kaklaseng kumakain sa kantina. Masaya kayong
nagkukuwentuhan nang biglang napunta ang usapan tungkol kay Liza, isa rin sa inyong kaklase.
Wala siya sa grupo ninyo nang oras na iyon. Ayon sa isa ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa
isang lalaking may asawa. Kapitbahay ninyo si Liza.

1. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?


2. Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaklase mong nagkukuwentuhan tungkol kay
Liza?
3. Ano ang magiging epekto kay Liza ng gagawin mo?
4. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo?
5. Babaguhin mo ba ang naging pasya mo? Bakit oo? Bakit hindi?

Pangkat 2-Sitwasyon 2
May inirekomendang pelikula ang matalik mong kaibigang dapat mo raw panoorin dahil maganda
ito ayon sa kanya. Mag-isa kang nanonood nito sa inyong bahay ngunit sa kalagitnaan ng pelikula,
may isiningit palang malaswang eksena (pornograpiya).

1. Ano ang gagawin mo sa pagkakataong ito?


2. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo?

44
3. May epekto rin ba sa ibang tao ang gagawin mo? Kanino? Pangatuwiranan.
4. Gagawin mo pa rin ba ang iyong piniling gawin? Bakit?

Pangkat 3-Sitwasyon 3
Sinisiraan ka ng iyong kaibigan sa crush mo. Natuklasan mong kaya niya ginawa ito ay dahil crush
din pala niya ang crush mo.

1. Ano ang mararamdaman mo sa pangyayaring ito?


2. Ano ang gagawin mo sa kaibigan mo? May kaugnayan ba ito sa iyong nararamdaman o
emosyon?
3. Ano ang magiging epekto nito sa kaibigan mo?
4. Ano ang magiging epekto nito sa iyo?
5. Papalitan mo ba ang iyong piniling gagawin?

D. Pagtalakay ng bagong Punan ang tsart sa ibaba ng mga impormasyon kung saan mo ginagamit ang iyong isip at kilos-
konsepto at paglalahad ng loob batay sa mga naging sagot mo sa tatlong sitwasyong tinalakay. Gawin ito sa iyong notbuk.
bagong kasanayan #1 Sitwasyon Para saan ginamit ang:
Isip Kilos-loob
1.
2.

E. Pagtalakay ng bagong Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Magsagawa ng skit na nagpapapakita ng kahulugan at gamit
konsepto at paglalahad ng ng isip at kilos-loob. Sagutan ang katanungan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative
bagong kasanayan #2 Approach)

45
Ano-ano ang nahinuha mong kahulugan at gamit ng isip at kilos-loob?

F. Paglinang sa Balikan ang mga naging sagot sa Know at Want sa pasimula ng aralin. Isulat sa bahaging L
Kabihasahan (Tungo sa (Learned) ang mga natutuhang kahulugan ng isip at kilos-loob. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
Formative Assessment) (Reflective/Constructivist Approach)
K (know) W (want) L (Learned)
isip
Kilos-loob.

G. Paglalapat sa aralin sa Itala ang mga pansariling pamamaraan ng paggamit ng isip at kilos-loob sa pagharap sa mga
pang-araw-araw na buhay sitwasyon sa buhay. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kasagutan. (Gawin sa
loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)

Niyaya ka ng kaklase mong mag-cutting classes, sinabi niya sa iyong papunta kayo ng mall at
ililibre ka niya sa panonood ng inaabangan ninyong pelikula. Sa paanong paraan mo gagamitin ang
iyong isip at kilos-loob?
1.____________________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________________

H. Paglalahat sa aralin Ang tao ang inaasahang may malaking papel na gagampanan sa mundong kanyang
kinaroroonan at ginagalawan. Mahalaga rito ang gagawin niya sa kanyang sariling pagkatao bilang
persona upang tuluyang makamit ang kanyang pagiging personalidad. Sa kanyang pag-iisip,
pagpapasya at pagkilos, nagiging bukod-tangi ang tao.

I. Pagtataya ng Aralin Gumawa ng isang maikling talatang binubuo ng limang pangungusap na nagpapaliwanag kung

46
paano dapat gamitin ang isip at kilos-loob ng tao? Isulat sa notbuk ang kasagutan.

J. Karagdagang gawain para 1. Gamit ang ipinamahaging sipi basahin ang usapang Tikboy at Buknoy.
sa takdang-aralin at 2. Alamin ang kahulugan ng argumento.Isulat ang sagot sa notbuk.
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

47
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punong-guro at
superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

48
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 10
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa paggamit ng isip sa
Pangnilalaman paghahanap ng katotohahan at paggamit ng kilos-loob sa paglilingkod/pagmamahal.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ang mga mag-aaral ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
hanapin ang katotohanan at maglingkod at magmahal.

C. Mga kasanayan sa 1. Nasusuri kung ginamit ng tama ang isip at kilos-loob ayon sa tunguhin ng mga ito.
Pagkatuto. Isulat ang code EsP7MP-1c-2.2
ng bawat kasanayan 2. Naipaliliwanag ang mga argumentong inilatag at nakapagbibigay ng reaksiyon kung ginagamit
nang tama ang isip at kilos-loob ayon sa tunguhin ng mga ito.
3. Napahahalagahan ang tamang paggamit ng isip at kilos-loob.

II. Nilalaman Modyul 2: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 TG p. 11-21


Guro

49
2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p. 21-41
Kagamitang Pang-Mag-
aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop, metastrips


Panturo pnoytalks.com/2015/06/k-to-12-learning-materials-for-grade-10.html
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Pumili ng kapareha at sagutan ang tanong sa ibaba sa pamamagitan ng brainstorming. Isulat ang
aralin at pagsisimula ng sagot sa metastrips. Tumawag ng ilang mag-aaral para magbahagi ng output. (gawin ito sa loob
bagong aralin. ng 5 minuto) (Constructivist Approach)

Paano ginanagamit nang wasto ang isip at kilos-loob ng tao?

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Nasusuri kung ginamit nang tama ang isip at kilos-loob ayon sa tunguhin ng mga ito.
2. Naipaliliwanag ang mga argumentong inilatag at nakapagbibigay ng reaksiyon kung ginagamit
nang tama ang isip at kilos-loob ayon sa tunguhin ng mga ito.
3. Napahahalagahan ang tamang paggamit ng isip at kilos-loob.

50
B. Pangkatin ang klase sa tatlong grupo. Magsagawa ng isang skit na nagpapakita ng tamang
paggamit ng isip at kilos-loob. Sagutan ang tanong sa ibaba. (gawin ito sa loob ng 5 minuto)
(Collaborative Approach)

Ano ang natuklasan mo sa isinagawang gawain? Ipaliwanag.

C. Pag-uugnay ng mga Gamit ang powerpoint presentation, basahin ang usapan sa pagitan ng magkaibigang Buknoy at
halimbawa sa bagong Tikboy. Tunghayan kung paano sila nagbigay ng katuwiran kung tama bang mangopya sa
aralin pagsusulit o hindi. Tumawag ng ilang mag-aaral at pasagutan ang mga tanong sa ibaba. (gawin ito
sa loob ng 15 minuto) (Reflective Approach)

51
52
1. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Tikboy na maling mangopya sa asignaturang Edukasyon sa
Pagpapakatao lamang? Bakit?
2. Totoo ba na walang taong naaapektuhan sa pangongopya ng iba? Ipaliwanag.

D. Pagtalakay ng bagong Pag-aralan ang argumentong nakasulat sa una at ikalawang hanay. Itala ang iyong reaksiyon sa
konsepto at paglalahad ng ikatlong hanay. Sagutan ang mga tanong sa ibaba at talakayin ang natapos na gawain. (gawin sa
bagong kasanayan #1 loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

Unang Argumento Salungat na Argumento


Reaksiyon
Pangongopya:
Walang kasiyahan sa tagumpay na
Walang kasiyahan sa pagkakaroon ng
hindi pinagpaguran.
bagsak na grado.

53
Ikalawang Argumento
Pero sino nga ba ang hindi nandaraya? Salungat na Argumento
Halos karamihan kung hindi man lahat, ay Pero, makatuwiran ba itong dahilan Reaksiyon
nag-aakalang maaari nilang balewalain ang ng aking pagkopya?
alituntuning ito.
Salungat na Argumento
Ikatlong Argumento Marahil binibigyan ko lang ng katwiran
Maliit na bagay lang ang pangongopya. ang takot kong harapin ang Reaksiyon
Wala namang taong nasasaktan. kahihinatnan ng hindi ko pagbalik-aral
ng leksiyon.
Ikaapat na Argumento Salungat na Argumento
Para sa ibang tao, mas mahalaga ang Iyan nga ang dahilan kaya magulo Reaksiyon
tagumpay kaysa sa prinsipyo. ang buhay, di ba?

1. Ano ang natuklasan mo sa gawaing ito tungkol sa kakayahan ng iyong isip?


2. Ano ang pinagbatayan mo ng iyong pangangatuwirang ibinigay sa reaksiyon? Paano nito
maaapektuhan ang iyong kilos-loob?
3. Makatarungan ba para sa iba ang pangongopya ng ilan?

E. Pagtalakay ng bagong Gamit ang inihandang metastrips, punan ng tamang konsepto ang graphic organizer. Pumili ng
konsepto at paglalahad ng sagot sa ibaba. Tumawag ng ilang mag-aaral at ipaliwanag ang tunguhin ng isip at kilos-loob.
bagong kasanayan #2
Malaman ang katotohanan pumili karunungan

Birtud pag-ibig mag-isip

54
isip
Tunguhin

Kilos-loob

F. Paglinang sa Tumawag ng ilang mag-aaral at ipaliwanag ang konseptong ipinapahayag ng kasabihang ito:
Kabihasahan (Tungo sa “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos –
Formative Assessment) loob”. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)

G. Paglalapat sa aralin sa Sumulat ng isang karanasan sa buhay na ginamit mo ng tama ang iyong isip at kilos-loob. Isulat sa
pang-araw-araw na buhay notbuk ang kasagutan at isumite sa guro. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist
Approach

H. Paglalahat sa aralin Ang isip at kilos-loob ay mahalagang sangkap upang makamit ang pagpapahalagang moral.
Ang kakayahang kumilos nang may katuwiran ay nangangailangan o humihingi ng pagpapalit ng
pokus sa buhay. Ang pokus na ito ay ang pagpapahalaga sa kapwa at paglalagay sa kanila na una
bago ang sarili; ang tumugon sa kung ano ang kailangan ng sitwasyon kaysa sa magpaalipin sa
sariling pagnanais at kapritso.

I. Pagtataya ng Aralin Gumawa ng isang slogan na binubuo ng sampu hanggang labinlimang salita gamit ang temang
“Isabuhay: Tamang Paggamit ng Isip at Kilos-loob Tungo sa Paghanap ng Katotohanan,
Paglilingkod at Pagmamahal”. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Constructivist Approach)

55
Kraytirya
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%

J. Karagdagang gawain para 1. Gamit ang binuong pangkat, basahin ang paksang nakaatang sa bawat isa.
sa takdang-aralin at Pangkat 1- Kalikasan ng Tao
remediation Pangkat 2- Tamang Paggamit ng Isip
Pangkat 3- Kilos-loob
2.Maghanda ang bawat mag-aaral na naatasang mag-ulat sa bawat pangkat.
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-

56
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punongguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa
guro?

57
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 10
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo) Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras Markahan Una
IKATLONG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa paggamit ng isip sa
Pangnilalaman paghahanap ng katotohahan at paggamit ng kilos-loob sa paglilingkod/pagmamahal.

B. Pamantayan sa Nakagagawa ang mga mag-aaral ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
Pagganap hanapin ang katotohanan at maglingkod at magmahal.

C. Mga kasanayan sa 1. Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng
Pagkatuto. Isulat ang katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. EsP10MP-Ic-2.3
code ng bawat kasanayan 2. Nakapagsasagawa ng pag-uulat sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon.
3. Napahahalagahan ang nahinuhang batayang konsepto ng aralin.

II. Nilalaman Modyul 2: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip t Kilos-Loob


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 TG p. 11-21


Guro
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p. 21-41
2. Mga Pahina sa

58
Kagamitang Pang-Mag-
aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop


Panturo pnoytalks.com/2015/06/k-to-12-learning-materials-for-grade-10.html
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Tumawag ng ilang mag-aaral at ipaliwanag ang ibig sabihin nito:
aralin at pagsisimula ng “Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto”.
bagong aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng
katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. EsP10MP-Ic-2.3
1. Nakakapagsagawa ng pag-uulat sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon.
2. Napahahalagahan ang nahinuhang batayang konsepto ng aralin.

C. Pag-uugnay ng mga Pangkatin ang klase sa 3 grupo. Gamit ang metastrips, sumulat ng isang salitang kasingkahulugan
halimbawa sa bagong ng salitang nakaatang sa bawat pangkat. Pumili ng isang miyembrong magbabahagi sa klase.
aralin (Gawin sa loob ng 20 minuto) (Collaborative Approach)

59
Pangkat 1-Emosyon
Pangkat 2-Ispiritwal
Pangkat 3-kamalayan

D. Pagtalakay ng bagong Balikan ang binasang sanaysay sa takdang aralin. Magsagawa ng malikhaing presentasyon ang
konsepto at paglalahad ng bawat grupo tungkol sa paksang nakaatang. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative
bagong kasanayan #1 Approach)

Pangkat 1- Kalikasan ng Tao- Talkshow


Pangkat 3- Tamang Paggamit ng Isip- Tula
Pangkat 2- Kilos-loob - Radyo-balita

Pangkat 1- Kalikasan ng Tao.

Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas de Aquino, ang tao ay binubuo ng ispiritwal at materyal na
kalikasan. Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang kakayahan ng tao. (E. Esteban, 1990, ph.48)

1. Ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) dahil sa kanyang panlabas at panloob na


pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa, naghuhusga at nangangatuwiran
2. Ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty) dahil sa mga emosyon at dahil sa kilos-loob
Ipinakita ito ni Esteban gamit ang tsart sa ibaba:

60
Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao
Kalikasan ng Tao Pangkaalamang Pakultad Pagkagustong Pakultad
Materyal Panlabas na Pandama Emosyon
(Katawan) Panloob na Pandama
Ispiritwal Isip Kilos-loob
(Kaluluwa)
(Rasyonal)

Nakakaalam ang tao hindi lang dahil sa kanyang isip kundi dahil din sa kanyang pandama.
Sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama - ang paningin, pandinig, pandama, pang-amoy at
panlasa, nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad. Ang reyalidad ang siyang
nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam. Ang mga panloob na pandama ay ang:
kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct.
Kamalayan – pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa
Memorya – kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o
karanasan
Imahinasyon – kakayahang lumikha ng larawan sa kanyang isip at palawakin ito
Instinct – kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang
hindi dumaan sa katuwiran

Pangkat 2- Tamang Paggamit ng Isip


Ang Isip
Ang isip ay walang taglay na kaalaman o ideya mula sa kapanganakan ng tao. Nakukuha niya ito
sa ugnayan niya sa reyalidad sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama. Samakatuwid, ang
kakayahang ito na nakakabit sa materyal na katawan ang nagbibigay ng kaalaman sa isip. Kung

61
ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip

Pangkat 3- Kilos-loob
Kilos-Loob
Inilarawan ito ni Santo Tomas ang kilos-loob bilang isang makatuwirang pagkagusto (rational
appetency) sapagkat ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Umaasa ito sa isip, kaya’t
mula sa paghuhusga ng isip ay sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos-loob. Upang
maunawaan ang kalikasan ng kilos-loob bilang natatanging kakayahan ng tao, mahalagang
ihambing ito sa emosyonal na buhay ng hayop. Sa hayop, anuman ang mapukaw na emosyon ay
kumikilos ito nang naaayon dito. Kung ito ay galit, maaari itong mangagat (depende sa kalikasan ng
hayop). Samantalang sa tao, dahil may kamalayan at may kakayahan itong kumuha ng buod o
esensiya sa mga bagay na umiiral, maaaring ang emosyon at ang kilos-loob ay magkakaroon ng
magkaibang pagkilos
Ipinanganak man ang taong hindi TAPOS, nilikha naman siyang kawangis ng Diyos na may isip at
kilos-loob upang tuklasin ang katotohanan at buuin ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng
pagmamahal at paglilingkod sa kanyang kapwa. Sa puntong ito maaaring sabihing ang ginawang
paglikha ng Diyos ay hindi pa tapos, nagpapatuloy ito sa kamay ng mga taong nagsisikap lilukin ang
kanilang kinabukasan, mga taong nagsisikap paunlarin ang kanilang sarili at abutin ang pagka-sino
ng kanilang pagiging tao

E. Pagtalakay ng bagong Mula isinagawang presentasyon, tumawag ng ilang mag-aaral at pasagutan ang sumusunod na
konsepto at paglalahad ng mga tanong.
bagong kasanayan #2 1. Ano ang taglay ng tao upang makaya niyang buuin ang kanyang pagkatao? Ipaliwanag.
2. Ano ang kakayahan ng isip? Ng kilos-loob?
3. Paano nagkakaugnay ang isip at kilos-loob sa katangian ng pagkatao ng tao?

62
F. Paglinang sa Ano ang ibig sabihin na ang tao ay hindi tapos? Gumuhit ng isang bagay na maglalarawan sa iyong
Kabihasahan (Tungo sa sagot. Ipaliwanag ang simbolong ginamit. Tumawag ng dalawang mag-aaral upang magbahagi sa
Formative Assessment) klase. (gawin ito sa loob ng 5 minuto) (Constructivist/Reflective Approach)

G. Paglalapat sa aralin sa Gumawa ng isang maikling sanaysay na binubuo ng 5 hanggang 10 pangungusap hinggil sa sinabi
pang-araw-araw na buhay ni Scheler “Ang pagmamahal ay ang pinakapangunahing kilos ng tao”. Iugnay ang kahulugan nito
sa sariling karanasan sa buhay.Isulat ang sagot sa notbuk at isumite ito sa guro. (gawin ito sa
loob ng 5 minuto) (Constructivist/Reflective Approach)

H. Paglalahat sa aralin Ang kalayaang likas sa tao ay nauugnay sa pagpapahalagang ninanais niyang taglayin bilang
tao. Kung paano ito ginagamit ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng isang tao at nagpapakilala ng
uri ng kanyang pagkatao.

I. Pagtataya ng Aralin Ipaliwanag ang kahalagahan ng gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob gamit ang nakahandang
graphic organizer. Isulat ang sagot sa notbuk.

63
Rubriks:
Nahinuha ang batayang konsepto na hindi ginagabayan ng guro- 20 puntos
Nahinuha ang batayang konsepto ng may kaunting paggagabay ng guro- 15 puntos
Nahinuha ang batayang konsepto ngunit kailangan ng labis na paggabay ng guro- 10 puntos
Nahinuha ang batayang konsepto sa paggabay paggabay ng guro- 5 puntos

J. Karagdagang gawain para Maghanda ang bawat pangkat na naatasang magsagawa ng dula-dulaan hinggil sa tamang
sa takdang-aralin at paggamit ng isip at kilos-loob.
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

64
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punungguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

65
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 10
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKAAPAT ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa paggamit ng isip sa
Pangnilalaman paghahanap ng katotohahan at paggamit ng kilos-loob sa paglilingkod/pagmamahal.

B. Pamantayan sa Nakagagawa ang mga mag-aaral ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
Pagganap hanapin ang katotohanan at maglingkod at magmahal.

C. Mga kasanayan sa 1. Nakakagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang hanapin ang
Pagkatuto. Isulat ang katotohanan at maglingkod at magmahal. EsP710MP-Ic-2.4
code ng bawat kasanayan 2. Nakasusulat ng pagninilay hinggil sa reyalisasyon tungkol sa pagtuklas ng katotohanan upang
magmahal at maglingkod.
3. Nahihinuha ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga angkop na kilos bilang isang kabataan
upang maipakita ang kakayahang maglingkod at magmahal.

II. Nilalaman Modyul 2: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 TG p. 11-21


Guro

66
2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p. 21-41
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: flash cards, Manila paper, marker, LCD projector, laptop
Panturo pnoytalks.com/2015/06/k-to-12-learning-materials-for-grade-10.html
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Isagawa ang dula-dulaang inihanda ng bawat pangkat hinggil sa tunguhin ng isip at kilos-loob.
aralin at pagsisimula ng Tumawag ng ilang mag-aaral at pasagutan ang tanong sa ibaba. (gawin ito sa loob ng 5 minuto)
bagong aralin. (Reflective Approach)

Paano ipinakita ng mga tauhan ang tamang paggamit ng isip at kilos-loob sa pagharap ng
sitwasyon?

B. Paghahabi sa layunin ng A.Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin
aralin at pagganyak 1. Nakakagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang hanapin ang
katotohanan at maglingkod at magmahal.
2. Nakasusulat ng pagninilay hinggil sa reyalisasyon tungkol sa pagtuklas ng katotohanan upang
magmahal at maglingkod.

67
3. Nahihinuha ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga angkop na kilos bilang isang kabataan
upang maipakita ang kakayahang maglingkod at magmahal.

C. Pag-uugnay ng mga Gamit ang powerpoint presentation, basahin ang sitwasyon at isulat sa loob ng speech balloon ang
halimbawa sa bagong iyong mga katuwiran sa naging pasya mo kaugnay ng iyong pag-aaral at ang gagawing solusyon.
aralin Tumawag ng dalawang mag-aaral at ibahagi ang kasagutan sa klase. (Gawin sa loob ng 10
minuto) (Reflective/Constructivist Approach)

Maganda ang performance mo sa iyong pag-aaral. Napatunayan mo na ang iyong kakayahan


mula pa noong ikaw ay nasa mababang taon ng sekondarya. Subali’t mula nang nakilala mo
at naging barkada si Rolly na mahilig sa internet gaming at walang interes sa pag-aaral,
naimpluwensiyahan ka niya. Napabayaan mo na rin ang iyong pag-aaral. Nanganganib din na
hindi mo matapos ang Junior High School sa taong ito. Kinausap ka ng iyong ama, hinihingi
niya sa iyo na sabihin sa kanya ang iyong katuwiran sa iyong naging pasya at ang plano
mong gagawing solusyon kaugnay nito.

D. Pagtalakay ng bagong Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa notbuk ang iyong reyalisasyon tungkol sa mga ito. Magkaroon
konsepto at paglalahad ng ng malayang talakayan hinggil sa kasagutan ng mga mag-aaral. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
bagong kasanayan #1 (Reflective/Approach)
1. Nagagawa ko bang gamitin ang aking isip tungo sa pagtuklas ng katotohanan?
2. Nagagawa ko bang gamitin ang aking kilos-loob upang magmahal at maglingkod?

68
3. Ano ang plano kong gawin kaugnay nito?

E. Pagtalakay ng bagong Gamit ang metastrips, sumulat ng isang tanong na hindi pa malinaw sa kaugnay ng paggamit ng isip
konsepto at paglalahad ng at paghahanap ng katotohanan. Tumawag ng ilang mag-aaral upang sagutan ang mga tanong.
bagong kasanayan #2 (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)

F. Paglinang sa Pangkatin ang klase sa tatlong grupo. Gumawa ng isang rap na nagpapakita ng kahalagahan ng
Kabihasahan (Tungo sa pagsasagawa ng mga angkop na kilos bilang isang kabataan upang maipakita ang kakayahang
Formative Assessment) maglingkod at magmahal. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)

Kraytirya:
a.Nilalaman-30%
b.Presentasyon-50%
c.Orihinadidad-20%

G. Paglalapat sa aralin sa Punan ng tamang impormasyon ang talahanayan. Isulat sa notbuk ang iyong naramdaman at
pang-araw-araw na buhay reyalisasyon mula sa gawain. Ibahagi ito sa iyong magulang o kapamilya at palagdaan. Pagkatapos
isumite ang gawain sa guro. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)

Petsa Sitwasyon Tugon o ginawa Reyalisasyon

69
Kraytirya:
Nakagawa ng 10 pataas na pagkakataong tumulong o tumugon sa namasdang pangangailangan
ng kapwa o hinihingi ng sitwasyon- 20 puntos

Nakagawa ng 8 pagkakataong tumulong o tumugon sa namasdang pangangailangan ng kapwa o


hinihingi ng sitwasyon-15 puntos

Nakagawa ng 5 pagkakataong tumulong o tumugon sa namasdang pangangailangan ng kapwa o


hinihingi ng sitwasyon-10 puntos

Nakagawa ng 3 pagkakataong tumulong o tumugon sa namasdang pangangailangan ng kapwa o


hinihingi ng sitwasyon-5 puntos

H. Paglalahat sa aralin Ipinanganak man ang taong hindi tapos, nilikha naman siyang kawangis ng Diyos na may isip
at kilos-loob upang tuklasin ang katotohanan at buuin ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng
pagmamahal at paglilingkod sa kanyang kapwa.

I. Pagtataya ng Aralin Isulat ang mga mahahalagang repleksiyong nakuha mula sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot
sa sumusunod na tanong. Limang puntos bawat bilang.(Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective Approach)
1. Ano ang iyong naramdaman nang balikan at suriin mo ang pagpapasya at pagkilos na isinagawa
mo ng mga nagdaang araw?
2. Ano-ano ang iyong natuklasan sa pagtala mo ng iyong mga pasya at kilos na nagpakita ng mga
negatibong katangian?
3. Ano ang nakahadlang sa paggamit mo ng iyong kalayaan sa mapanagutang paraan?

70
J. Karagdagang gawain para Maghanda para sa Unang Lagumang Pagsusulit.
sa takdang-aralin at
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

71
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliraninang aking


naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking
punungguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

72

You might also like