You are on page 1of 1

ALAMAT

ANG ALAMAT

Ayon sa maraming sabi-sabi, ang kapanhyunan ng mga alamat sa ating bansa ay nagsimula sa kauna-
unahang panahon ng ating lahi at ang kaalaman natin ngayon ay hango sa saling-dila ng ating mga ninuno. Sa
pagpapalipat-lipat na ito, maaaring nagkaroon ng mga pagbabago ang ating mga alamat. Gayunpaman, hindi
nawawala ang katangianj nitong ilahad ang pinagmulan ng tao, bagay, lunana o mga pangyayari sa ating kapaligiran.
Alinsunod naman sa mga poklorista, nahahati sa dalawang pangkat ang mga alamat. Una’y ang mga alamat
nha nagpapaliwanag kung paano nagsilam ang bagay sa daigdig tulad ng mga bagay sa kalikasan: ilog, bundok, mga
lawa, at iba pa, mga hayop, mga halaman, at iba pang kauri nito. Kasama rin sa pangkat na ito ang mga alamat na
nagbibigay-katwiran kung bakit ang isang bagay, lunan o pangyayari ay ganito. Tulad ng mga alamat na
nagpapaliwanag kung bakit ang buntot ng aso ay kumakawag o bakit ang mgta lamok ay umuugong kapag
lumilipad.
Ang ikalawang pangkat ng mga alamat ay yaong nagpapaliwanag o nagsasabi ng pinagmulan ng mga bagay-
bagay. Kasama rito ang mga kuwento tungkol sa matatapang at makikisig na tao o mga bayani na matatagpuan sa
iba’t ibang bahagi ng kapuluan. Kabilang dito si Angalo ng Ilokano, Binag at Malana ng mga Ibanag, at Bernardo
Carpio ng mga Tagalog bagamat impluwensya ng mga Kastila. Makikita sa mga tulad nito ang mga pangunahing
tauhan sa mga epikong tulad ni Lam-ang ng mga Olokano, Tuwaang ng mga Manuvu. Agyu ng Bukidnon, at
Bantugan ng mga Maranaw. Kasama rin sa pangkat na ito ang mga alamat tungkol sa mga di-kapani-paniwalang
nilalang na pinaniniwalaan ng ating mga ninuno tulad ng mga duwende, engkantada, sirena, aswang, kapre,
tikbalang, tiyanak at iba pa.

Napatunayan ng maraming pag-aaral na ang kabangyaman ng ating mga alamat ay hindi gaanong natatarok.
Marami pang mga alamat ang patuloy na nagpapasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan ang hindi pa naisusulat.
Isang hamon ito sa ating mga mag-aaral at sa mga alagad ng panitikan.

You might also like