You are on page 1of 1

“Hindi ko kailangan ng kaibigan!

Sampung taon na din ang nakalipas simula nang nasabi ko ito sa harapan ng aking
pinakamatalik na kaibigan.

One weird occasion na parang nasa loob kami ng movie. Nakahawak ako ng payong na hindi
ko pinayagang malaglag sa aking kamay dahil sa napakahigpit na kapit ko dito. May hawak
din siyang payong noon pero salungat sa akin, nalaglag niya ito.

Nakayuko’t nagagambala sa aking sinabi. Naramdaman ko ang lungkot niya noong sinabi ko
‘yon at nakisimpatya sa kanya ang malakas na ulan.

Napunta ang pagkakaibigan namin sa wala. Naaalala ko pang mabuti ang aming mga
pinagsamahan at ang dahilan kung bakit sinabi kong hindi ko kailangan ng kaibigan.

You might also like