You are on page 1of 1

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at

nagbibigay tulong sa pagunlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang wikang pambansa ay nagiging
isang malaking daan ng komunikasyon upang mapalago at mapagbuti ang takbo ng political,
sosyolohikal, at maging ang ekonomikal na aspeto ng lipunan. Ang wika ang ginagamit komunikasyon ng
mga tao sa lipunan bilang instrumento ng komunikasyon Hindi magiging matagumpay ang alinmang
klase ng transaksiyon kung hindi tayo magkakaintindihan at kung hindi tayo gagamit ng iisa at sarili
nating wika.

Ang mga taong nagtatrabaho sa Hotel, ay wikang Filipino pa rin ang gamit, sapagkat sila ay Pilipino at ang
mga ka-trabaho nila ay wikang Pilipino din ang gamit sa pagsasalita at pakikipagusap. Ginagamit din nila
ang wikang Filipino lalo na kung ang mga taong pumupunta sa Hotel na kanilang pinagtatrabahuhan ay
mga Filipino at tagalog talaga ang ginagamit na mga salita. Maliban na lamang kung mga taga-ibang
bansa o ibang lahi ang pumupunta sa kanilang pinagtatrabahuhan o ang kanilang pinagsisilbihan, doon
lamang sila gumagamit ng wikang Ingles o iba pang wika. Pero Wikang Filipino talaga ang kanilang
normal at madalas gamitin sa kanilang pang-araw-araw na trabaho.

You might also like