You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division Office of Bataan
BASECO ELEMENTARY SCHOOL
Address: Baseco, Mariveles, Bataan 2105 |Sch. ID 104638 |e-mail: basecoelementary@gmail.com

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP VI


( Unang Kwarter )
Pangalan: ________________________________________________________ Iskor : ______________________

Baitang at Pangkat: _____________________________________________Petsa: __________________________

I. Panuto: Suriing mabuti ang bawat sitwasyon . Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______1. Kitang-kita mo na may inaabot sa kaibigan mo ang isang mag-aaral sa ibang section. Kilala
mong ito'y naninigarilyo. Alam mo rin na siya'y sinusubaybayan ng mga guro. Alam mo ring pag
may nahuling naninigarilyo, may parusang inilalapat dito. Nang araw na makita mo silang nag-
aabutan ng pakete, may nakapagsabi sa guro nyo. Kaya't sa loob ng klase nagkaroon ng
kapkapan. Alam mo ang posibleng mangyayari. Ano ang nararapat mong gawin ?
A. Magmamaang-maangan na wala kang nakita
B. Sabihin sa guro ang nasaksihan upang makatulong sa imbestigasyon at hindi na
madamay pa ang iba.
C.Wag nang sabihin sa guro sapagkat madadamay lang ang iyong kaibigan
D. Gayahin ang kaibigan na nahikayat na manigarilyo.

_____2. Kasisimula lamang ng unang linggo ng pasukan. Sa pagsisimula ng bagong baitang, marami ring
pagbabago ang kinakailangan mong harapin. Isa na rito ang paghihiwa-hiwalay ninyong
magkakaibigan dahil nagkaroon ng pagbabago sa inyong pangkat na papasukan. Dahil dito,
lubhang nalungkot ang isa mong kamag-aral at sinabi niyang ayaw na niyang pumasok sa
paaralan. Ano ang magiging pananaw mo sa kanyang inasal?
A. Lubha rin akong malulungkot at makikiusap sa dating guro na ibalik nalang sa dating
pangkat.
B. Gagayahin ang kamag-aral at hindi na rin papasok sa paaralan.
C. Tatanggapin ng bukal sa loob ang naganap na pagbabago at ipapaliwanag sa kamag-aral
ang positibong epekto ng pagbabagong ito.
D. Hindi na lang mag-aaral nang mabuti dahil nawala ka sa nais mong pangkat.
_____3. Dahil sa marahas na nagaganap ngayon sa Marawi City, maraming haka-haka ang naglalabasan
ngayon tungkol sa posibleng pag-atake ng Maute group sa Metro Manila. Maraming
naglalabasang babala tungkol sa pag-iwas sa matataong lugar lalo na ang mga pook pasyalan
tulad ng mall dahil sa posibleng ito ang kanilang tumbukin. Ano ang nararapat mong gawin tungkol
sa impormasyong ito?
A. Matatakot ako ng sobra –sobra dahil sa balitang ito.
B. Hindi na ako lalabas ng bahay at magmumukmok nalang ako.
C. Kahit ito’y babala lamang, mainam parin ang mag-ingat. Hindi muna ako tutungo sa
matataong lugar at mag-iisip na lamang ako ng ibang mapaglilibangan.
D. Hindi ko ito papansinin.
_____4. Patakaran sa inyong paaralan ang hindi pagdadala ng cellphone kung hindi naman ito kailangan.
Ikaw ang may pinakamagandang unit ng cellphone sa inyong magkakaibigan. Kinukulit ka nilang
dalhin ito dahil nais ninyong makapagselfie sa mga bago ninyong kamag-aral. Ano ang magiging
desisyon mo ukol dito?
A. Dadalhin mo ito dahil gusto mo ring magpasikat sa bagong kamag-aral.
B. Lihim mo itong dadalhin sa paaralan kahit ipinagbabawal upang matuwa sa iyo ang iyong
mga kaibigan.
C. Magsisinungaling sa guro na pinapadala ng iyong nanay kahit hindi naman.
D. Hindi nalang ito dadalhin sa paaralan kapag hindi naman kailangan at gagamitin lamang
ito sa kapakipakinabang na paraan.

_____5. Si Harris ay isang batang masipag mag-aral. Araw-araw wala siyang ginagawa kung hindi
magbasa at mag-aral. Subalit isang araw, nabalitaan niya na nagkakalat ng maling balita ang
kaniyang kaibigan. Ipinagkakalat daw nito na kaya matataas ang kaniyang marka ay dahil siya
ay nangongopya lamang sa kaniyang matalinong katabi. Ano sa palagay mo ang nararapat na
gawin ni Harris tungkol sa balitang ito?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Bataan
BASECO ELEMENTARY SCHOOL
Address: Baseco, Mariveles, Bataan 2105 |Sch. ID 104638 |e-mail: basecoelementary@gmail.com

A. Huwag nalang pansinin ang balitang ito subalit labis na magdadamdam sa kaibigan.
B. Awayin ang kaibigan dahil sa pagkakalat nito ng maling balita.
C. Kalmahin muna ang sarili, kausapin ang kaibigan nang maayos tungkol sa nababalitaang
ito saka magkaroon ng nararapat na desisyon.
D. Isumbong agad sa magulang ang nabalitaan kahit hindi pa naman napapatunayan.

B. Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Isulat ang salitang TAMA kung ang sitwasyon ay tama. Kung mali,
isulat ang salitang MALI at itama ang nararapat na sitwasyon.

6. Si Ana ay nahuling nangongopya sa kaniyang kaklase ng kanyang guro subalit pilit niya itong
itinatanggi.
________________________________________________________________________.

7. Si Joey ay madalas na nagunguha ng gamit ng kanyang kaklase ngunit hinahayaan niyang iba
ang mapagbintangan..
________________________________________________________________________.

8. Tuwing Byernes, si Aldrin ay umaalis ng bahay upang pumasok sa paaralan ngunit hindi
rin siya dumederetso sa paaralan.
________________________________________________________________________.

9. May pagkakataon na ang batang si Juan ay malimit kumuha ng gamit na walang paalam.
________________________________________________________________________.

10. Si Joanna ay laging nagpopost sa facebook ng mga bastos na salita laban sa kanyang kagalit na
kamag-aral.
_______________________________________________________________________.

11. Ang batang si Gerald ay nagmamalasakit sa mga gamit sa tahanan at paaralan ng buong tapat.
_______________________________________________________________________.

12. Gumagawa ng tama sa lahat ng pagkakataon si Maricel kahit walang nakakakita.


_______________________________________________________________________.

13. Si Patricia ay gumagawa ng masama dahil sa pakikisama sa kanyang mga kaibigan.


_______________________________________________________________________.

14. Si Jonathan ay malimit na hindi nagsasabi ng totoo dahil sa takot sa kaniyang mga kaklase.
_______________________________________________________________________.

15. Ang batang si Cristina ay laging naninindigan laban sa masamang gawa kahit magalit ang
nakararami.
_______________________________________________________________________

C. Ipaliwanag ito. ( 5 puntos) 16-20

1. Ano para sa iyo ang ibig sabihin ng mapanuring pag-iisip o kritikal na pag-iisip?

D. Ipaliwanag ito. ( 5 puntos) 21-25

1. Bakit mahalaga ang mapanuring pag-iisip sa paghubog ng pagkatao?


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Bataan
BASECO ELEMENTARY SCHOOL
Address: Baseco, Mariveles, Bataan 2105 |Sch. ID 104638 |e-mail: basecoelementary@gmail.com

II. Panuto: Punan ng salita ang patlang.

Bibliya gawa paroroonan

matapat mayaman totoo

26. Lahat tayo ay anak Diyos. Sa mata ng Diyos, ang mahirap at _______________ ay pantay-pantay.
27. Ang pagbabasa ng ______________ o salita ng Diyos ay nakapagpapalakas ng loob.
28. Ang taong di-marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa _______________.
29. Nasa Dios ang awa,nasa tao ang ______________.
30. Ang batang matapat ay nagsasabi ng ________________.

You might also like