You are on page 1of 5

Maiklin

g
Kwento
Ipinasa ni: Jullia Alexa C. Velasco
10- Br. Hartmann
Ipinasa kay: Gng. Soriano

Sapat na ba?

Labingdalawang taong gulang pa lamang si Sandra ng magsimula


siyang matutong mabuhay ng parang wala ang kanyang mga magulang.
Hindi sa ulila na siya, ngunit natutunan niyang mabuhay ng parang mag-isa
lang dahil mas tinututukan ng kaniyang mga magulang ang kani-kanilang
mga trabaho. Isa pa, dahil ang kanyang mas nakatatadang mga kapatid ay
nasa kolehiyo na ay lagi ding wala sa kanilang tahanan dahil sa mga
gawaing pang-eskwelahan na dapat din nilang tutukan. Madalas niyang
nararanasan ang maging malungkot at mag-isa. Nasa ganoong gulang lang
niya naramdaman ang mga ganitong bagay dahil noon naman ay lagi pa
niyang kasama ang kaniyang mga magulang sa kanilang bahay, ngunit dahil
naging maganda ang mga posisyon ng kaniyang mga magulang sa kani-
kanilang trabaho ay mas lalo silang nagpursigi at nagtutok sa trabaho.

Isang gabi, habang kumakain si Sandra ng hapunan mag-isa, bigla


niyang narinig ang pagbukas ng pintuan sa kanilang bahay at nagalak siya
sapagkat iniisip niya na makakasabay niya sa kanyang hapunan ang mga
magulang niya. Tama naming dumating ang kaniyang mga magulang ngunit,
binati at hinalikan lamang siya ng kanyang tatay sa noo at sinabing
magpapahinga na dahil napagod siya sa kaniyang trabaho. Ang kaniyang
nanay naman ay hindi man lang siya tiningnan ng nag-mano si Sandra
sakanya dahil may kausap sa telepono na waring tungkol pa din sa trabaho.
Malungkot na isinaayos ni Sandra ang hapag kainan at nawalan na din ng
gana kumain kaya umakyat na rin siya sa kaniyang kwarto at natulog.

Sa halos labing-tatlong taong nabubuhay si Sandra, may maayos


naman silang pamumuhay kahit pa man hindi ganoon kagandahan ang
posisyon ng kaniyang mga magulang kaya’t siya ay nagtataka kung bakit
mas mahalaga na ang trabaho ng kaniyang mga magulang kaysa sakanya.
Nasanay si Sandra noong bata pa siya na laging may oras pa sakanya ang
kaniyang nanay at tatay. Lagi niyang naaalala yung mga Linggo na masaya
silang nagsisimba sa umaga, pumapasyal sa hapon at sabay sabay kumain.
Hindi niya naisip na magiging ganito ang kaniyang dating masaya at laging
magkakasama na pamilya.

Isang araw, sa kaarawan ni Sandra, natanggap din niya ang resulta ng


kaniyang pagsusulit. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na marka ngunit
hindi niya ito na-perfect. Pag uwi niya, inaasahan niya na hindi nagtrabaho
ang kaniyang mga magulang dahil ganoon ang gawi nila dati kapag
kaarawan niya. Ngunit, wala, natulog na lamang siya buong maghapon at
inintay na mag-hapunan. Dumating ang kaniyang mga magulang at masaya
niya itong sinalubong na may kasamang yakap. “O, anak, kumusta ang araw
mo?” tanong ng kaniyang tatay at dumeretso sila sa hapag kainan upang
mag hapunan. Hindi naman umaasa si Sandra sa magarbong kaarawan
ngunit para sakanya, sama sama lang silang kumain ay ayos na para
sakanya. “Ayos naman po, daddy. Kayo po?” tanong din ni Sandra habang
nagmamano sa kaniyang nanay. “Ayos din naman kami ng mommy mo sa
trabaho. Marami nga lang gawain kaya medyo pagod pero para sainyo
naman itong ginagawa namin eh, kaya makita lang naming kayo na maayos
ay nawawala na din ang pagod naming.” sagot ng kaniyang daddy. Sa isip
ni Sandra, maayos naman sila kahit dati at mas maayos pa nga kasi may
oras pa sila para sakanya noon. “Kumusta naman ang school mo, Sandra?”
tanong ng kanyang mommy. “Ay, ma! Ako po ang nakakuha ng
pinakamataas na marka sa pagsusulit namin pero hindi ko po na-perfect eh.”
sagot ni Sandra. “Ha? Bakit? Anong nangyari?” tanong uli ng kanyang
nanay. Hindi na sumagot si Sandra at iniba ang usapan.

“Mommy, daddy, masaya po ako na kahit ngayong kaarawan ko ay


nagkasabay-sabay tayo maghapunan.” banggit ni Sandra kahit mayroon
siyang kaunting tampo dahil hindi man lang siya binati dahil sa mataas na
marking nakuha niya. Nagkatinginan ang kaniyang mga magulang. Mas
lalong nalungkot at nagtampo si Sandra dahil alam na niya iyon, nakalimutan
ng kaniyang mga magulang na kaarawan niya. “Ah, nakalimutan niyo po,
pero ayos lang po. Magkakasama tayo ngayon sapat na po iyon para sa
akin.”

Bago matapos ang kaniyang kaarawan, nang siya ay matutulog na,


hindi niya kinalimutang mag-dasal at pasalamatan ang Diyos. “Kahit na po
nakalimutan na nila na kaarawan ko ngayon, ayos na po yun sakin na
binigyan Niyo kami ng pagkakataon na magkasama-sama ngayon. Sapat na
po iyon sa akin. Pero ang tanong ko lang po sa Inyo, bakit po kaya parang
mas mahalaga pa ang kanilang trabaho kaysa sa akin. Humihingi po ako ng
tulong sa Inyo, bigyan Niyo po sana ako ng linaw sa lahat. Ako po kaya?
Sapat na po kaya ako sakanila? Kailan po kaya ako magiging sapat para
sakanila?” tanong ni Sandra habang nagdadasal at umiiyak sa sakit ng
kaniyang nararamdaman.

You might also like