You are on page 1of 3

SONA 2019 : ANG BAGO, NATATANGI AT HINDI KARANIWAN

Noong hapon ng July 22, Si President Rodrigo Duterte ay inihatid ang


kanyang ika-4 na State of the Nation Address (SONA) kung saan ang
SONA ay isang oppurtunidad para sa Presidente na ipaalam sa
kongreso at publiko ang mga suliranin ng bansa at para sabihin ang
kanyang mga pambatas na prayoridad.

Bawat presidente ay nagdadala ng makabago at kakaiba sa tradisyon.

Kaya, ano nga ba ang makabago at kakaiba sa SONA ngayong taon?

Ang SONA ngayong taon ay nagtampok ng isang Live Symphony


Orchestra. Ang Philippine Philharmonic Orchestra ay nagtanghal ng isa
sa mga kanta ni Freddie Aguilar na “Duterte Para sa Tunay na
Pagbabago”.

Isa rin sa bago ngayong SONA ay ang pagkanta ng Presidente kasama


ang Philharmonic Orchestra sa Batasang Pambansa pagkatapos ng
kanyang SONA.

Ang pagkakaroon ng ‘local woven fabric’ na nagsilbing backdrop ng


Presidente, at ang unang beses na pagsama ng paksang Isports sa
okasyon ay pinansin din na bago sa 2019 SONA.

Isa rin sa mga pinag-usapan sa ngayong taong pangyayari ay ang mga


kasuotan. Sa mga nakaraang taon, ang mga tinatawag na ‘worst-
dressed attendees’ ang naging sentro ng mga biro sa social media.

Halimbawa nito ay si Senator Nancy Binay na kailangang tiisin ang mga


pang-aasar noong 2014 dahil sa damit na inakala ng mga tao ay isang
imitasyon ni “Princess Fiona” sa pelikulang, Shrek.

Ngunit ngayong toon ay pinuri ang senador dahil sa kanyang eleganteng


Randy Ortiz na damit.

Isa rin sa mga pinag-uusap usapan ngayon ay ang damit ni Sen. Imee
Marcos na dinisenyo ni Mark Tumang, isang sikat na designer dahil sa
kanyang paggawa ng mga damit ni Miss Universe 2018, Catriona Gray.
Ngunit siya ay pinuna ng iilan dahil sa paggawa niya ng damit ng
senador habang ang iba naman ay sinasabi na sa katunayan, ang
disenyo ni Mark Tumang ay nagbabato ng ‘shade’. Ang ibang netizens
naman ay nagbiro na ang kulay pula sa ilalim ng damit ni Sen. Imee ay
dugo na sinisimbolo ang mga pagpatay at pag-abuso sa Pilipino noong
pamumuno ng kanyang ama.
: Ngayon naman ay ating pag-uusapan ang mga paksang tinalakay ni
Presidente Duterte sa Sona 2019.

Talk:

: Unang tinalakay ng Presidente ang pagkakaroon ng mas maraming


Malasakit Centers na sa tingin ko ay kailangan talaga natin.
: Maganda rin na kinilala ng president ang hindi magagandang epekto
ng paninigarilyo sa kadahilanan na hindi lang ang naninigarilyo ang
naapektuhan nito ngunit pati na rin ang mga tao sa pailigid.

: After Health, President Duterte discussed about Peace and Security.


What are your thoughts about it?

: Sa tingin ko ang pagpapataw ng batas na death penalty para sa mga


drug related crimes at plunder ay magandang desisyon.
: Ako rin ay sumasang-ayon ngunit sana ay isama niya ang mga sexual
offenders para sa batas na yan. ang mga kriminal na yan ay mga
demonyo at dapat turuan ng leksyon!
: Kung kayo ay sumasang-ayon, ako naman ay hindi. Hindi pa rin tama
ang pumatay ng tao. At isa pa, maggiging mahabang proseso pa yan
dahil sa Simbahang Katoliko.

: Tama lang kayong lahat. Ngayon naman ay ano ang masasabi niyo sa
programa na isinagawa para sa Ekonomiya at Labor? Sa tingin niyo ba
ay may pag-unlad na nangyayari?

: Sa aking palagay ay may progress naman na nangyayari. At maganda


rin ang plano ng gobyerno na taasan ang sweldo ng national workers.
:Tama tama. Ang tataas na ng mga bilihin ngayon kaya kailangan na din
ng mamamayan ng mas mataas na pera para sa kanilang mga
pangagailangan.
: Sabi ng Presidente, 6M na mga Pilipino na daw ang naligtas nila sa
poverty. Kahit marami pa rin ang kailangan matulungan, sa tingin ko ay
madami dami na iyon at ito na ang simula!

: Habang nasa paksa tayo ng kahirapan at pangangailangan, marami sa


mga kabataan ngayon ang kulang sa edukasyon. Ano kaya ang mga
sinabi ng president tungkol dito?
: President Duterte said, “"I am proud to say that More Filipinos are
receiving basic education."

: Napaka-importante ng edukasyon satin. Kung totoo nga ang sinabi ng


presidente, ibig sabihin non, ay konti konti ng nakakahabol ang Pilipinas
sa mga ibang bansa.
: Maaring marami na nga ang nakakatanggap ng edukasyon sa Pilipinas
ngunit, ang sistema ba ay maganda na? bakit may mga estudyante pa
rin na nagproprotesta dahil sa bulok na sistema ng edukasyon sa
Pilipinas?
: Hindi rin natin masasabi pero sana ay maayos na ang sistema kung
saan ito ay angkop sa lahat.

: Sa ginanap na SONA, ilang beses din binanggit ng pangulo ang


pagbalik ng Boracay to its “Original and Pristine State” ano ang
masasabi niyo rito?

: Oo maganda ito ngunit ang susunod na hamon para sa pangulo ay


panatilihin itong malinis.
: Maganda rin na malaman na siya ay may plano na maghanap ng mga
energy resources

: Tayo naman ay pupunta na sa isa sa highlight ng SONA, ang pag


talakay ng Presidente sa korapsyon sa gobyerno.

: Base sa mga sinabi ng pangulo sa kanyang SONA, sa tingin ko naman


ay may ginagawa na siya para mapuksa ang korapsyon sa bansa.
: Maganda rin ang ginawang move ng pangulo na ibahin ang mga
namumuno sa mga organisasyon ng bansa dahil sila ang naggiging
dahilan ng ating mabagal na pag-unlad.
: Nagustuhan ko rin ang sinabi ng pangulo na, dapat maging assertive
ang mga Pilipino at gumawa ng eksena kung sobra sa dapat na
babayaran ang sinisingil ng mga opisyal dahil ito ay labag sa batas.

: Sana naman sa sinabi ni President Duterte ay matakot na ang mga


magnanakaw at korap sa gobyerno para mas malinis at mas mabilis na
ang pag-unlad ng ating bansa.

: At sa sinabi ng pangulo na “I will end my term fighting” sana ay tuparin


2niya ito at ang iba pa niyang pangako dahil maraming Pilipino ang
umaasa na siya ang magdadala ng Pilipinas sa mabuting kalagayan.

You might also like