You are on page 1of 3

Honorato C. Perez, Sr.

Memorial Science High School


Sta. Arcadia, Cabanatuan City

NARATIBONG ULAT AT
DOKUMENTASYON
(GULAYAN SA PAARALAN)

Ipinasa ni:
Marc Vincent T. Castillo
XII-Fleming

Ipinasa kay:
Gng. Genalynn A. Correa
Taon-taon ay nagkakaroon ng pangkalahatang ebalwasyon ang paaralang Honorato C.
Perez, Sr. Memorial Science High School. Kasama na sa nasabing ebalwasyon ang
paglilinis at pagpapaganda ng silid-aralan. Hindi mawawala rito ang paghahardin, na
kung saan ay nagdamo kami sa hardin na naka-assign sa amin. Pagkatapos magdamo ay
nagtanim kami ng mga halaman, partikular ang halaman ng talong, sili, at marami pang
iba. Nagtayo rin kami at ang aking mga kamag-aral ng bakod na magbibigay proteksyon
sa aming mga tanim. Ilan sa mga dahilan kung bakit namin ito isinagawa sa taunang
ebalwasyon ay dahil nakita namin na ang hardin na naka-assign sa amin ay tadtad ng
mga damung gumagambala sa pagtubo ng mga tanim. Isa pang dahilan ay ang unti-unting
pagkasira ng bakod na nagsisilbing proteksyon ng mga halaman.

Mainam ang pagsasagawa ng ganitong uri ng aktibidad, lalong lalo na sa eskwelahan


kung saan ay nahahasa ang aming kakayanan sa pakikipagkomunikasyon at
pakikipagtulungan. Hindi maisasagawa ang lahat ng ito kung hindi dahil sa kooperasyon
ng bawat isa sa amin. Tulong-tulong kaming abutin ang aming “goal” na kung saan ay
mapaganda pang lalo ang loob ng aming silid-aralan, at ang labas ng aming hardin.

You might also like