You are on page 1of 3

MAMATID SENIOR HIGH SCHOOL

FILIPINO SA PILING LARANG

KATITIKAN NG
PULONG

Inihanda ni:
JOVAN I. INOSTRO

Ipinasa kay:
G. JUANITO O. CALAY

PULONG PARA SA ACQUAINTANCE PARTY


Daloy ng Usapan
Panimula
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagpapatibay ng Nakaraang Katitikan
3. Presentasyon ng mga Suliranin
4. Pagtanggap ng mga Suhestiyon sa Solusyon
5. Botohan sa Pipiliing Suhestiyon
6. Pagpaplano sa Pagsasagawa ng Solusyon
7. Pagtatapos na Panalangin
Mga dumalo sa Pagpupulong
i. Inostro, Jovan (G. JII), Pangulo
ii. Nakpil, Julian (G. JN), Pang. Pangulo
iii. Barreto, Ferdinand(G. FB), Kalihim
iv. De Vera, Gustavio (G. GDV), Ingat-Yaman
v. Buenconsejo, John Andrew (G. JAB), Tagasuri

PANIMULA
Sinimulan ang pagpupulong sa pambungad na panalangin na pinangunahan ni Julian
Nakpil
(G. JII) Bago natin simulan ang pagpupulong, atin munang damhin ang presensiya ng Panginoon
at tayo’y manalangin.
(G. JII) Inaanyayahan si Ginoong Luna upang bigkasin ang katitikan ng nakaraang pulong.
(G. FB) Narito ang mga napagusapan saa nakaraan pulong kaugnay pa rin sa paghahanda sa
Acquiantance Party. Ang petsa ng programa ay nakatakda sa buwan ng Agosto. Ang napiling
tema para sa programa ay "Beginning of a Legacy", ito ay iniayos sa iskedyul na hindi
maapektuhan ang pag-aaral ng mgaa mag-aaral. At ang pondo ay inaasahang kukunin mula sa mga
Class Fund at sa tulong ng PTA ng paaralan.
(G. Jn) Ngayon naman, ating tatalakayin sa pulong na ito ang mga nalalabing suliranin na
kailangang matugunan ng samahan. Isa sa mga suliranin natin ay ang inaasahang gastos ng
programa.
(G. GDV) Hinggil sa aspetong iyan, amin nang natuos ang pangunang bilang ng gastusin. Ngunit,
ang aming natuos ay hindi pa ang kabuuang bilang ng gastusin. May mga nalalabi pang kagamitan
na hindi pa natutumbasan ng karampatang halaga.
(G. JAB) At kaugnay naman sa suliranin na iyan, ako ay nakipagusap na sa iba pang organisasyon
na hawak ang mga nalalabing kagamitan at sila ay magpapasa na ng kanilang ulat pagkatapos ng
klase.
(G. JII) Ang isa pa na kailangan nating bigyang pansin ay ang lokasyon ng ating programa. Maari
kayong magbigay ng inyong mga suhestiyon kauganay sa problemang ito.
(G. JAB) Para mas ekonomiko at episyente, aking inisusuhestiyon na sa ating Covered Court na
lamang ganapin ang programa.
(G. Fb) Mainam iyon. Ngunit aking inaalala ang panahon sa programa. Kung doon natin
gaganapin ang programa, at biglaang umulan, hindi masisigurado ang kaligtasan ng mga mag-
aaral at ng mga kagamitan.
(G. GDV) Ang aking maisusuhestiyon ay ang kalapit na Covered Court ng ating barangay. Kulong
ang lugar na iyon ng mga establisyimento kaya mahihirapang makapasok ang ulan. Dagdag pa,
iyon ay may entablado na maaari nating magamit.
(G. Jn) Ang aking iniisip ay ang temperatura ng lugar. Masyado itong kulob kaya hindi madaling
makakapasok ang hangin.
(G. JII) Atin ngayong pamimilian ang dalawang lugar na iyon. Alin ang mas episyente sa mga
mag-aaral at saa atin? Ang ating Covered Court o ang Covered Court ng Barangay?
(G. Fb) Lamang ang bilang ng unang pamimilian. Ito ang nagwagi at ito na ang ating lokasyon
para sa programa.
(G. JII) Mainam, lagyan na lamang natin ng harang ang itaas na bahagi nang ito ay maprotektahan
mula sa ulan.
(G. Fb) At iyan po ang kailangang matapos ngayong pulong na ito. Maraming salamat sa inyong
pagdalo. Ating isara ang pulong na ito sa isang panalangin.

You might also like