You are on page 1of 2

Glendy C. Desabille.

BSCPE 2-1

1. Ipaliwanag ang ebolusyon o pagbabago ng kaisipang pampulitika ni Rizal batay


sa kaniyang mga akda (maari kang magdagdag pa ng akda na bukod sa 5 piling
akda)

Sagot: “Sa Kabataang Pilipino” o “A La Juventud Filipino” na isinulat ni Rizal


noong siya ay labing-walong taong gulang lamang, ay para sa akin opinyon
ipinapakita niya dito na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, tayo ay may
katalinuhan na dapat natin pagunlarin at gamitin sa pagangat ng ating bayan, na
kaya natin makipagsabayan sa mga dayuhan, at sa tingin ko ipinapakita rin ni
Rizal sa panahon nya na hindi dapat silang makipagsunodsunuran sa mga
Espanyol at hindi nila kalimutan ang pagiging patriot sa ating bansa.

Sa kanyang sulat naman na Sa Mga Kababaihang Taga Malolos, ipinapakita niya


naman ang paghanga at paggalang niya sa Kababaihang Pilipino, dahilan sa
kanilang katapangan para sa kanilang karapatan sa edukasyon at pagtanggi sa
kapangyarihan ng mga prayle. Pinapayuhan rin sila na pumili sila ng kanilang
maiibigan na lalakeng marangal at hindi sa magandang pisikal.

Sa Sulat na “Sa Loob Ng Sandaang Taon” dito naman ay sinasabihan ni Rizal na


kung ano ang mga masamang mangyayari sa mga pilipino kung ang mga
banyaga o espanyol ay patuloy na dominante sa ating bansa, at hinihikayat nya
na wag magbulagbulugan sa mga nakamaskarang mga espanyol at gisingin ang
pagiging nasyonalismo Pilipino.

"Ang Katamaran ng mga Pilipino" ay ipinupunto naman ni Rizal na ang


katamaran ng mga Pilipino ay kadahilanan rin ng mga Espanyol nung ito'y
sumakop sa ating bansa at ang Espanyol pa nga ang dapat tawaging tamad,
nanamlay ang Pilipino sa kanilang gawa dahil sa ipinapakita rin mga dayuhan at
isa narin dito ay maliit na sahod na mga binibigay nila kahit nung mga panahon
na nagsisikap sila.

"Huling Paalam" na huling sulat ni Rizal bago ito ay namatay. ipinapakita nya pa
rin dito ang pagmamahal sa bayan sa panahong na malapit na syang ihatol na
kamatayan ng mga espanyol. At binibigyang diin pa rin nya na hindi kailangan ng
pagdanak ng dugo upang makamtan ang kalayaan.
2. Kailan, saan at paano nagbago ang mga idiyelohiya ni Rizal? (ipaliwanag ang
bawat akda na nakaayon sa panahon kung kailan ito naisulat (Chronological).

Sagot: nagsimula ito sa “Sa Kabataang Pilipino” noong 1879 sa Unibersidad ng


Santo Tomas noong siya’y labingwalong taong gulang. Inilalarawan niya na ang
Edukasyon bilang isang importanteng bagay para makamit ang iyong mga
ninanais at karunungan na dapat kamtan ng bawat mamamayan. "Sa Mga
Kababaihang Taga Malolos" na isinulat niya noong nabalitaan nya noong ika-12
ng Disyembre, 1888 ang mga kababaihan ng Malolos na nagpetisyon kay
Gobernador Heneral Weyler ukol sa paghingi nila ng permiso upang mabuksan
ang isang pang gabing paaralan na magtuturo sa kanila ng wikang Kastila sa
pamamatnubay ni Ginoong Teodoro Sandiko. Agad naman itong tinutulan ni Padre
Felipe Garcia, na siyang kura ng Malolos noon kaya naman hindi na sumang-ayon ang
Gobernador Heneral. Taliwas sa inaasahan nila, hindi ito naging sanhi ng pagkawalang
pag-aasa ng mga kababaihan, bagkus ipinagpatuloy parin nila ang paghingi ng
permiso at nang sa huli ay pinayagan din sa kondisyon na ang magiging guro nila ay si
Senora Guadalupe Reyes.

Sa Kabataang Pilipino, 1979

Sa Loob Ng Sandaang Taon pebrero 1990

Ang Katamaran ng mga Pilipino setyembre 1990

Huling Paalam

You might also like