You are on page 1of 3

Sa Islam, ang mga bagay na ipinagbabawal lamang ay ang mga bagay na nakasisira,

nakaaapekto, nakasasama sa kalusugan, buhay o pagkatao ng isang tao. Ang Allah, ang Walang
hanggang nakaaalam ng mga bagay ay nakababatid sa lahat ng mga makabubuti o makasasama
sa Kanyang mga nilikha. Alam Niya ang kahinaan at ang kalakasan ng Kanyang mga nilikha. Kaya
kung ano man ang mga bagay na ipinagbawal Niya, ito ay makasasama at kung anuman ang
mga bagay na ipinagagawa Niya, yaon ay makabubuti at para sa kanilang sariling kapakanan.

Pero bakit pa nilikha ang baboy, gayung ipagbabawal lang naman pala? Dito makikita, ito ay
isang maliwanag na pagsubok sa isang nilikha kung siya ba ay susunod o hindi sa mga batas at
kautusan, sa mga responsibilidad at tungkulin na ini-atang sa kanya ng Nag-iisang Tunay na
Diyos na Tagapaglikha, ang Allah. Makakapasa ba siya o babagsak sa mga pagsubok. Katulad
halimbawa noong panahon nina Propeta Adan at Eva, binigyan sila ng kalayaan na kumain o
lumapit sa alinmang mga puno o halaman huwag lamang doon sa isang puno. Dito pumapasok
ang kakayahan ng isang tao na pumili, sumunod o sumuway sa mga batas sa kanya ng kanyang
Tagapaglikha.

Tungkol sa baboy, sasagutin ko ito sa tatlong kaparaanan. Una ay espirituwal, pangalawa ay


medical at pangatlo ay social o ang pakikisalamuha natin sa lahat ng mga bagay na nakapaligid
sa atin.

Sa espirituwal, noong ipinag-utos ng Allah sa Banal na Qur’an sa Surah al-Baqara (2): 173, Surah
al-Maida (5):3, Surah Al-An-am (6): 145 at sa Surah an-Nahl (16): 115, na nakasaad sa mga ito
na ipinagbabawal sa mga Muslim ang pagkain ng baboy. Kaming mga Muslim, kapag ipinag-utos
ng Allah na bawal, hindi na kami nagtatanong ng : Ya Allah, bakit bawal? Ang mga Muslim sabi
sa Banal na Qur’an, Surah Al-Baqara (2):285: “Wa Qalu Sami’na Wa Ata’na, We hear and we
obey, narinig namin at amin itong susundin.

Ang pagkain, pag-aalaga, pagbebenta ng baboy ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga Muslim .


Magkaganun pa man hindi ipinaliwanag ng Quran ang dahilan ng pagbabawal nito. kung ang
isang nilikha ay tunay na nananampalataya sa Tagapaglikha, marapat lamang na sundin Siya ng
wala nang tanong-tanong pa. Dahil ang Allah, ang walang hanggang nakababatid kung ano ang
mabuti o masama para sa Kanyang nilikha, kaya bilang isang nilikha lamang na nagnanais ng
Kanyang kaluguran, makatarungan lamang na sumunod at magpasakop tayo sa Kanya. Sa mga
kautusan ay hindi isinasama ang dahilan. Ang dahilan ay nakatago. Tulad halimbawa, walang
dahilang binabanggit sa mga paalala tulad ng: NO PARKING”, “NO SMOKING”, NO SWIMMING”
atbp. kahit may dahilan ang pagkakalagay nila doon.

At kung titingnan natin ang mga biyaya ng Allah sa atin, ipinagbawal Niya lamang ang mga
bagay na makasasama subalit pinalitan naman niya ito ng napakaraming pwede mong I-
substitute doon, tulad halimbawa na pwede kang kumain ng baka, kambing, tupa, kamelyo, isda
at napakarami pang iba. Magkaganon pa man, ang Allah na Pinakamaawain sa Kanyang mga
nilikha ay nagbigay ng pahintulot na kung sakali at napuwersa siya ng matinding
pangangailangan na walang sadyang pagsuway sa batas ng Allah o paglampas sa mga limitasyon
na itinakda ng Allah, ukol doon ay wala siyang kasalanan.
Ang halimbawa nito ay yaong naglalakbay ka sa isang disyerto o isang isla na walang anumang
pagkain kang matagpuan, ni anumang hayop upang kainin at yong baboy lamang ang
naandoon; pwede kang kumain ng karne ng baboy na makakasuporta sa iyo sa iyong
paglalakbay subalit hindi yong magbabaon ka pa ng natirang karne, kundi ang kakainin mo
lamang ay yaong makakasapat sa iyo. Kahit na sa Biblia, sa Lumang Tipan: Deuteronomy 14:8 at
sa Leviticus 11:7-8, mahigpit na ipinagbabawal ang baboy.

Ang pangalawa ay medical: sa isang artikulo, “ang Baboy ay sanhi ng sakit na Cirrhosis”, na nasa
issue ng Plain Truth noong April 1986, na published ng Worldwide Church of God sa California
ay nagsasabi: “Ang mga researchers sa University ng Ottawa ay nag-ugnay sa pagkain ng baboy
sa pagkakaroon ng sakit na Cirrhosis- ang talamak na pagkabulok ng Atay sa isang tao. Sinabi
din nina Dr. Amin Nanji at Dr. Sammuel French, na mas mabilis ang pagkabulok ng atay kapag
pinagsama ang pagkain ng baboy at ang pag-inom ng alak. Ang baboy ay tamad at mahilig sa
sex, ayaw sa liwanag ng araw mas gusto niya ang madilim na lugar, maruming hayop at walang
pagnanais na makipaglaban. Ang baboy ay worst scavenger din, kinakain niya ang kahit na
anong bagay kahit pa nga ang kanyang sariling tae o anumang bagay na marumi. Kung
ikukumpara sa lahat ng mga hayop, ang baboy ang pinakatirahan ng napakaraming uri ng
mikrobyo, hindi lang iyon, siya rin ang tagapagdala ng napakaraming sakit o diseases sa mga
tao.

Sinabi ni Rev. C.L. Vories sa kanyang aklat na “The Hog”: “tingnan ninyo ang animal na ito
habang siya ay nakalublob sa putikan, tingnan mo siya sa kanyang pinakamasayang panahon, sa
ibabaw ng bunton ng pataba, na ang kanyang ulo ay nakabaon sa dumi kung saan ipinapakita
niya ang kanyang kasiyahan at satisfaction sa pamamagitan ng kanyang maindayog na pag-igik.”

Sa sulat ni Dr. Martin Harris, isa namang anthropologist, sa “The Human Strategy”…papalibutan
at mumudmuran ng baboy ang kanyang katawan ng kanyang sariling ihi at dumi.” Sa aklat ni Dr.
Rizvi: ang baboy ay ang supremong tagapagdala ng mga mikrobyo, ang dahilan ng
napakaraming serious at mga nakamamatay na mga sakit, ang ilan sa kanila ay: dysentery:
trichinosis, tape worms, jaundice, pneumonia, suffocation, intestinal obstruction, acute
pancreatitis, enlargement of the liver, diarrhoea, high fever, pumipigil sa malusog na paglaki ng
mga bata, typhoid, pagkalumpo, heart trouble, sterility, etc.

Mayroong napakaraming uri ng bulate na matatagpuan sa baboy tulad ng trichinola, tape worm
atbp. at ano ba ang kinakain ng baboy, hindi ba yaong mga natirang pinaghalu-halong pagkain?
At bakit kung ikukumpara sa lahat ng hayop kapag nanganak, ang baboy lamang ang may
kamadrona (midwife), sosyal; kasi kahit ang sarili niyang anak, kapag siya ay nagutom, ito ay
kakainin niya. Siguro ay narinig ninyo na rin ang bulugan na iginagala sa bayan upang ika nga ay
ipakipagtalik doon sa alaga nilang baboy. Okey lamang sa mga asawa nila, kung sila ay
makipagtalik sa iba, hindi katulad ng ibang hayop na marunong magselos, handang ipagtanggol
ang kanilang mga asawa laban sa mga may pagnanasa sa mga ito.

Pangatlo, sosyal naman po—pagkatapos po nating mabatid na ang baboy ay masama sa isang
tao; sa kanyang kalusugan ano naman po kaya sa naturalesa ng isang tao? Ang mga pagkain po
pala, pagkatapos po nating kainin ay hindi lamang pumapasok sa intestines tapos ay lalabas sa
ating katawan bilang isang dumi. Ito po may malaking apekto sa kaisipan at pamumuhay ng
isang tao. May kasabihan nga pong “What we eat, is what we are”. Kapag kumain po tayo ng
malulusog at malinis na pagkain, magiging malinis din po ang ating kaisipan at kalusugan,
subalit kabaligtaran naman kung madumi ang pagkain.

Kapag nga halimbawa ay may tao kayong nakagalit, ano kaya ang sasabihin niya sa inyo, baka
ka, kambing ka o baboy ka. Kahit biro lang ito, sa ating pandinig ay hindi maganda. Bakit ganon
tayong tao, kinakain ang laman, pero ang salita pa lamang ay hindi na maganda? Kasi nga,
pangalan pa lamang ay alam nating marumi na.Tingnan natin ang mga restaurant na nasa
Kamaynilaan: halimbawang manok ang tinda ninya, sa streamer ay ganito ang mababasa:
manukan, Max’s Fried Chicken, Pinaupong Manok, Tinolang Manok; kapag baka naman ay;
bakahan, kalderetang baka, pritong baka; kapag kambing naman ay kambingan, kalderetang
kambing; pero kapag baboy bakit ang nakalagay lang ay: LECHONG KAWALI, LECHON DE LECHE.
LYDIA’S LECHON, MANG TOMAS LECHON? Kasi , halimbawa kayang BABUYAN ang ilagay, o
KAKANING BABOY, meron pa kayang papasok ng inyong tindahan?

You might also like