You are on page 1of 1

“Alaalang walang pag-asa”

Gawa ni Rosedel Sumbi A-24

Sa buwan ng Octobre, ika 85th na kaarawan ng aking lolo, iyun ang pinakamagandang
pangyayari sa buhay ko. Pagsapit ng gabi, ang mga magulang at matatanda nagtipon-tipon,
kaming mga bata ay nagsi-upo lamang na walang gagawin "eto pera, balik kayo dito nang alas-
syete", namuhay ang aming mga loob at sa pagkasulubong ng mga tingin, alam agad namin ang
ibig sabihin.

Ako, kuya Macmac, kuya Boyboy at pinsan kong si Franz, di nagdadalawang isip,
"manong, bayad po, sa Titanium lang" sa pagdating namin, sa isang yapak ng sapatos, nalanghap
agad ang hangin ng computer shop. Sa pagpasok pa lang may mga bati na agad ng mga barkada
ni kuya, kasama na yun yung mga student teacher ko na bestfriend ni kuya, nakakahiya naman
kasi bunso pa ako ng kuya kong magaling sa laro tapos ako nagaaral pa lang.

Sa pag upo, tinubuan ako ng kaba kasi mga kasama ko sa laro nasa edad na nang 20, eh
ako at ang pinsan ko nagsitawanan nalang sa edad nang 14. Sa larong iyon puro tawa lang at
tuksuhan marinig, walang sakitan nang loob at kasiyahan lamang., nakikita ko na ang iba't ibang
abilidad nang tao, doon ko nakita na mas malakas pala si kuya Macmac kaysa kay Kuya Boyboy
ngunit may kagalingan sila sa bawat partikularna abilidad na hindi kayang makamit ng isa.

Sa pagkatapos nang laro, lumabas ang ranking chart at nasa top 2 ako sa hulihan,
siyempre nakakahiya kasi nga kuya ko pa naman malalakas, eh ako? Nakakahiya nga naman
pero sobrang saya ko sa araw na iyon, nagiging idolo ko ang aking mga kuya at sila ang aking
inspirasyon na mas galingan ko pa, at abutin ko ang lampas ng aking potensyal. Sa larong Dota,
isinasabuhay ko ang aking natutunan na mas magiging magaling pa ako at dapat hindi ako
susuko sa mga hadlang sa buhay.

Sa pagkawatak-watak ng aming pamilya, ang araw na iyon ay matagal ko nang


inaasahang bumalik. At hanggang ngayon, umaasa pa rin ako sa alaalang iyon.

You might also like