You are on page 1of 2

Epekto ng “Konstruksyon ng kontra-traffic” sa pagtindi ng Traffic

1. Tumindi pa ang nararanasang traffic sa 2018 dahil sa pag-arangkada ng construction projects ng


gobyerno para mapaginhawa umano ang pagko-commute sa bansa.
2. Pinaghahandaan ng Department of Transportation (DOTr) ang posibleng pagbigat ng daloy ng trapiko
sa Metro Manila bunsod ng mga malalaking construction projects sa susunod na taon.
3. Nasa top 10 ang Pilipinas sa may pinakamalalang traffic flow sa mundo pero kapag natapos at
nakapagbukas na ng dagdag na kalsada, inaasahang mawawala na umano ang buhol-buhol at
usad-pagong na traffic.
4. Isa sa mga proyekto ang TPLEX na matatapos sa 2019 at magpapaikli umano ng biyahe mula La Union
hanggang Tarlac ng isang oras mula sa 3.5 oras.
5. Target namang tapusin sa 2020 ang Central Luzon Link Expressway Phase 1 na kokonekta sa Tarlac at
Cabanatuan, Nueva Ecija.
6. Tinataya namang matatapos sa 2018 ang Plaridel Bypass Bulacan.
7. Ikokonekta naman ng NLEX-SLEX Connector Road ang C3 at Sta. Mesa sa 2019 habang matatapos din
sa 2020 ang Cavite-Laguna Expressway.
8. Nagbabalak din ang gobyerno na magsimulang magsagawa ng 12 tulay sa Metro Manila mula sa
susunod na taon.
9. Nasa P382 bilyon ang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga
proyekto sa iba't ibang rehiyon.

Pagtaas ng Pasahe sa Jeepney

1. Nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Hulyo 6 ang
kautusan nitong pumapayag sa dagdag na pamasahe sa mga jeep.
2. Sa paglabas nito, magiging epektibo na ang dagdag na P1 sa bayad sa unang 4 kilometro sa mga
pampublikong jeep na bumibiyahe sa mga rehiyon ng National Capital Region, Central Luzon,
Calabarzon, at Mimaropa.
3. Orihinal na hinihiling ng mga pampasaherong jeep na itaas sa P10 ang kasalukyang P8 na singil
matapos indahin ang pagtaas ng presyo ng gasolina.
4. Sa kasalukuyan, nasa P9.00 na ang pasahe sa jeep at pinaalalahanan naman ng LTFRB ang
nananatiling 20 porsyento para sa estudyante, senior citizen at PWDs.

Ang Kagawaran ng Transportasyon ng Pilipinas (Ingles: Department of Transportation o DOTr) ay isang


departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na may tungkuling mangalaga at magpalawak
ng independente, mahusay, at maaasahang sistema ng transportasyon at komunikasyon bilang epektibong
kagamitan para sa pagkabangon at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Hanggang sa ika-30 ng Hunyo, 2016, ang pangalan ng kagawaran ay Kagawaran ng Transportasyon at
Komunikasyon (DOTC; English: Department of Transportation and Communication). Ang pag-alis ng
komunikasyon sa tungkulin ng DOTC ay ayon sa naipasang batas noong ika-20 ng Mayo 2016, ang Batas
Republika Blg. 10844 o An Act Creating the Department of Information and Communications Technology na
inatasan ang lahat ng mga yunit at ahensiya na ukol sa komunikasyon ay magsama-sama upang buuin
ang Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at Komunikasyon.

You might also like