You are on page 1of 2

Analiya: Pupusta ako. Lilingon si Don dito.

Khen: Kapal mo naman.

Analiya: Ano ba 'wag ka ngang kj! Kapag si Don talaga lumingon dito sa'kin nako! Maiinggit ka!

Khen: Bakit ba gustong gusto mo iyong lalaking iyon? Babaero iyon, Pia

Analiya: Araaaa! Wag ka ngang magsalita ng ganiyan! Ang bait niya kaya. Tapos ang gwapo pa...

Khen: Bahala ka na nga.

Analiya: OMG! Hala hala! Nilingon ako ni Don! Nakita mo ba iyon, Ara?!

Khen: Ha?

Analiya: Nilingon ako ni Don. Mga three seconds! Yieee!

Khen: Assuming mo! Baka may tiningnan lang sa likod natin.

Analiya: Wala namang tao sa likod natin ah! Tsaka, ano ka ba! Nilingon nga ako ni Don!

Khen: Oo na, oo na.Iyong iyo na si Don. Sayo na siya.

Analiya: Basta, 'wag kang magkakagusto kay Don, ah?

Khen: Ha? Bakit naman ako magkakagusto dun? Baliw to.

Analiya: Malay mo! Malay ko! Basta, ah?

Khen: Oo na. Hindi ako magkakagusto sa kaniya.

Analiya: Promise, bessy?

Khen: "I promise.

Narrator: Lingid sa kaalaman ni Pia na meron ng lihim na pagtingin si Ara kay Don. At gayundin naman pala si Don
para kay Ara.

Khen: Hi Don! Kamusta ka naman?

Mark: O-okay naman. Ikaw?

Khen: Okay lang rin naman din. Balita ko may gusto ka daw kay Pia.

Mark: Ha?! Kanino mo naman nalaman yan? Hindi totoo yan ah.

Khen: Basta. Kung hindi nga totoo, sinong natitipuhan mo ngayon?

Mark: Ikaw.

Khen: Talaga ba?

Mark: Oo nga!

Narrator: Masakit sa damdamin ng magkaibigan ang nangyari. Matinding pagsisisi ang naramdaman ni Ara kay Pia
dahil sa kanyang ginawa dahil matagal na palang niloloko nila Ara at Don si Pia.

Khen: Nangako ako, I know. I promised her that I won't fall in love with his dream boy. I promised her, I did. But then
things have changed...as well as my feelings. I fell in love with Don, and he fell for me too. I broke my promise and I
am beyond guilty because of that. Pero ano pa bang magagawa mo kung puso na ang nagdidikta sayo? I...I don't
know... –

Analiya: Kelan pa, Ara?

Khen: I'm sorry, Pia...


Analiya: Kelan pa?

Khen: Nung nakaraang taon pa, Pia...

Analiya: N-nakaraang taon? Ganoon katagal, Ara? Ganoon katagal mo akong niloko? Pinaniwala na walang
namamagitan sa inyo? Ganoon katagal?

Khen: P-pia...patawarin mo ko. Hindi ko namang sinadyang mahulog kay Don. Maniwala ka sa'kin. Sinubukan ko
siyang iwasan pero...

Analiya: Pero ano? Pinaniwala mo pa din ako! Pinaniwala niyo ko! Alam mong higit pa sa pagkagusto ang
nararamdaman ko para sa kaniya, Ara! Mahal ko siya!

Khen: Pero mahal ko din siya!

Analiya: Akala ko ba kaibigan kita? Akala ko ba kakampi kita? Pero bakit ganito? Bakit mo 'ko sinasaktan?

Khen: Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa mga nangyayari? Mahirap din para saakin ito dahil kaibigan kita!
Pero mahal ko siya...

Analiya: Kung ganoon, 'wag mo na akong kausapin kahit kailan. 'Wag ka ng lumapit saakin. Simula ngayon, hindi na
kita kaibigan.

Khen: Pia...

Khen: That was the last time I talked to her. Pinanood ko siyang tumatakbo palayo saakin. Ang sakit. Mahalaga siya
para sa'kin dahil parang kapatid na ang turing ko sa kaniya. At nagsisi ako sa ginawa ko. Bakit? Cuz few days after
we talked, I saw Don making out with another girl, with my two naked eye. He cheated and said he doesn't love. He
was just playing. The heck. Ang tanga diba? I wasted our friendship for something whose not even worth it. And now
it's too late, don't you think? I want to reconcile with Pia, but she won't let me do so. I guess, kailangan ko munang
maghintay. At kapag dumating na ang panahon na handa na siyang patawarin ako, I wish we can be friends again.
Sana...

Narrator: Lingid sa kaalaman ni Pia at Ara ay naaksidente si Don. Nalaman nila ito sa kanilang kaibigan na si
Juaquin. Agad agad na pinuntahan ni Pia si Don upang tignan ang kanyang kalagayan dahil hindi kayang makita ni
Ara ang lalaking mahal niya ng lubusan.

Analiya: Don, anong nangyari sayo?

Mark: Di ko kasi napansin yung asong dumaan sa kalsada kaya tumilapon ako galing sa motor.

Analiya: Ahhhh, ganun ba. Sige mauna na ko.

Mark: Sandali. May gusto pa kong sabihin sayo.

Analiya: Ano yun?

Mark: Gusto ko sanang humingi ng tawad sa nagawa naming paglilihim sayo ni Ara tungkol sa relasyon namin.
Sadyang di lang namin napigilan ang aming nararamdam para sa isa’t isa.

Analiya: Okay na yun. Wala naman na kong magagawa diba? Ayokong maging hadlang sa pagmamahalan niyo.
Atsaka kung talagang mahal mo ang kaibigan ko, ba’t mo siya niloko?

Mark: Alam ko niloko ko siya pero alam ko sa sarili ko na siya yung mahal ko. Kaya sana gusto kong makausap si
Ara para na rin makahigi ng tawad.

Analiya: Sige ba. Para na rin makapagusap na kaming dalawa at maibalik yung dating relasyon naming bilang
matalik na magkaibigan.

Narrator: Sina Don, Ara at Pia ay nagusap upang humingi ng tawad sa isa’t isa. Masayang masaya na ulit ang tatlo
lalo na sa magkaibigan na si Ara at Pia.

You might also like