You are on page 1of 3

MARIANG SINUKUAN (Tagalog)

Miyembro:
Ma. Rowena Landao – Direktor John Ervin Alejo
Angelica Agunod – Inay Paulyn Isidro
Mga bata: Rainier Jay Udarbe
Daniella Bustillo Riza Anysius Fetalvero
December-Anne Cabatlao

Eksena 1: Introduksyon

001 INAY: Halina kayo, mga bata! Naihanda ko na ang meryenda.

(Magtatakbuhan ang mga bata papunta sa kanilang ina.)

002 RAIN: Aling Angge, ang sarap po ng luto niyong kamote.

003 RIZA: Oo nga po. Napakatamis ng kamote.

004 INAY: Nakuha ko ‘yan sa paanan ng bundok.

005 DANIE: Talaga po? Pumunta po kayo doon sa bundok? (namamangha) Hindi po
ba… (natatakot)

006 PAULYN: (sasabat) May white lady dun?

007 ERVIN: Oo nga po, Aling Angge. Hindi po ba may nagpapakita po doong white lady.

007 INAY: Wala namang dapat katakutan. At saka hindi white lady kundi isang
napakaganda at napakabuting engkantada ni Mariang Sinukuan.

008 CEM: Mariang Sinukuan po ang pangalan ng engkantada, Aling Angge?

009 INAY: Oo. At sinasabing noong unang panahon, (lalakad, susundan ng mga bata)

(Unang formation)
010 LAHAT: Ang Bundok Arayat ang tahanan ng dalaga’t magandang engkantadang si
Mariang Sinukuan.

011 Ngunit napabantog siya, hindi sa kanyang balingkinita’t magandang pagkilos kundi
sa kanyang pagiging mabait at bukas-palad.

012 Sinasabing ang kanyang palasyo, na hindi mapapasok ng sinuman ay yari sa purong
ginto.

013 Sa tuwing piyesta at di pangkaraniwang okasyon, (iikot ang magkapareha na


magkakapit ang kamay)

014 nagpapahiram siya ng

015 hikaw, (Ipapasa ang folder sa kanan)

016 singsing (ipapasang muli sa kanan at bubuksan)

017 at iba pang palamuting ginto sa mga mahihirap at mga dalagang karapat-dapat.

018 Kung paano niya binawi (ibabalik ang folder pakaliwa)

019 ang pribelehiyong ito (pakaliwa at bubuksan)

020 at ang iba pang tanda ng kanyang kagandahang-loob ay ipinapaliwanag ng


kuwentong ito.

021 Sa paanan ng bundok ay ang bayan ng Arayat.

(Ikalawang formation)

022 Araw-araw ay nakagawian na niyang ipadala ang kanyang mga aliping Negrito

023 na makipagpalitan ng kumpay para sa kanyang alagang baboy.


024 Sa bawat salop ng darak, ipinagpapalit niya ito ng isang salop na gabok at tipak ng
ginto.

025 Sa katunayan, napakayaman niya kaya’t pati takalan ay yari sa ginto.

026 Dumating ang panahon ng mga tao sa Arayat ay naging interesado na sa “lahat nang
kumikinang” (disperse)

027 na hindi lamang nila nais ang gabok ng ginto, ngunit pati ang tipak ng ginto.

028 Upang magawa ito, pinagpapatay nila ang mga aliping Negrito. (may ilang luluhod)

029 Magbuhat noon, hindi na pinadala ni Mariang Sinukuan ang kanyang mga alipin at
nagwakas ang panustos na ginto.

030 Naparusahan ang tao sa kanilang pagiging ganid. (unti-unting lalapit sa isa’t isa)

031 Sa kanilang pagpipilit na maghangad pa ng marami, nawala ang lahat sa kanila.

(Tableau; lahat ay nakatago ang mukha sa likod ng folder)

“Matutong makontento at magpasalamat sa biyayang ipinagkaloob sa’”

You might also like