You are on page 1of 13

27 KAPANGYARIHAN NG MYSTISSISMO

NGAYON! Sa kauna-unahang pagkakataon ay naririto na ang 27 KAPANGYARIHAN NG


MYSTISSISMO na hinalaw sa iba't-ibang aklat na lihim na buhat pa sa INDIA, HERUSALEM
at EHYPTO. Ito ay naglalaman ng mga lihim na mabibisang ORACION, PAMAMARAAN at
MILAGRO. Ang aklat na ito na pinamagatan kong 27 KAPANGYARIHAN NG
MYSTISSISMO ay siyang kaganapan ng isang tao sa kanyang kasalukuyan tungo sa isang tiyak
na MAGANDANG KINABUKASAN. Mapalad ang sino man na magkaroon ng ganitong
kaalaman sapagka't ito ay iba't-ibang KAPANGYARIHAN na magbubukas sa tumpak na
pintuan upang marating ang MAGANDANG PAMUMUHAY na kinaroroonan ng TAGUMPAY
at maka-DIOS na kaalaman na dapat matutunan ng isang nilalang. Ang mga orihinal na
ORACION at PAMAMARAAN ng KAPANGYARIHAN na nilalaman ng aklat na ito ay ang
mga sumusunod:

1. KAPANGYARIHAN NG PAGPAPATAKBO O PAGPAPALIPAD NG ISIPAN NG ISANG


TAO. Ito ang tinatawag na "THRU MEDIUMSHIP".

Sa pamamagitan ng kapangyarihang ito ay malalaman mo kung ano ang ginagawa ng isang tao
kahit na siya'y nasa malayong lugar, at ito po ang tinatawag na Dictasyon o Deretsa sa
pamamagitan ng MEDIUMSHIP, at nais pa rin po ba ninyong mapaglakbay ang espirito ng isang
tao sa kaitaasan upang makausap ang Birhen na may korona at malaman ang mga iba pang
sikreto o lihim ng karunungan? Kung gayon ay tunghayan po natin ang mga sumusunod na
pamamaraan.

UNANG PAMAMARAAN: Paupuin ang isang tao sa isang silya at takpan ang kanyang mga
mata ng isang typewriting paper at ng isang panyung puti, nguni't bago takpan ang kanyang mga
mata ay iihip mo muna ang makapangyarihang salitang ito sa typewriting paper at sa panyo ang
mga sumusunod na oraciones:

ARAGONI PERANDAMO IPTALICUM LABAURED


at kung natakpan mo na ang kanyang mga mata ay usalin sa kanyang harapan ang pagpopoder sa
sarili upang hindi pasukin ng ibang espirito ang kanyang katawan na makikita ninyo ang
pagpopoder sa sarili sa Mahiwagang Aklat Ng Kababalaghan.

PANGALAWANG PAMAMARAAN: Magdasal ka muna sa harapan ng isang mini-Medium ng


isang Credo (Sumasampalataya) ng mga sumusunod:

CREDO IN UNUM DEUM PATREM OMNIPOTENTEM FACTOREM CAELI ET TERRAE


VISIBILIUM OMNIUM ET INVISIBILIUM ET IN UNUM DOMINUM JESUM CHRISTUM
FILIUM DEI UNIGENITUM ET EX PATRE NATUMANTE OMNIA SAECULA DEUM DE
DEO LUMEN DE LUMINE DEUM VIRUM DE DEO VERO GENITUM NON FACTUM
CONSUBSTANTIALEM PATRI PER QUEM OMNIA FACTA SUNT QUI PROPTER NOS
HOMINES ET PROPTER NOSTRAM SALUTEM DESCENDIT DE CAELIS ET
INCARNATUS EST DE ESPIRITO SANCTO ET MARIA VIRGENE, ET HOMO FACTUS
EST CRUCIFIXUS ETIAM PRONOVIS: SUBPONTIO PILATO PASSUS ET SEPULTUS
EST, ET RUSURREXSIT TERTIA DEI SECUNDUM SCRIPTURAS, ET ASCENDIT IN
CAELIM: SEDET AD DEXTERAN PATRIS, ET ITERUM VENTURUS EST CUM GLORIA
JUDICARE VIVOS ET MORTUOS CUJUS REGNI NON ERIT FINIS: ET IN ESPIRITUM
SANCTUM DOMINUM, ET VIVIFICANTEM QUI EX PATRE FILIOQUEPROCEDIT, QUI
CUM PATRE, ET CONGLORIFICATUR, QUI LOCUTUS EST PER PROPHETAS ET
UNAM SANCTAM CATHOLICAM: CONFITEORUNUM BAPTISMA IN REMISSIONEM
PECATORUM ET EXSPECTO RESURRECTIONEM MURTUORUM ET VITAM VENTURI
SAECULI, AMEN

Isunod ang oraciong ito ng nagmi-Medium na nakapaharap sa mini-Medium na nakataas ang


kanang kamay ng nagmi-Medium sa tapat ng ulo ng mini-Medium at sambitin o usalin ang mga
sumusunod:

ARAM RUEGA ANDUCA AMATUS MOTUS DEUS LUCCIM MORIM MUURAMI


LUCCISIM MONUS MONA MONIM

Ibaba uli ang iyong kanang kamay, at magdasal uli ng isang Pater Noster na nakapaharap sa
mini-Medium ng mga sumusunod:

PATER NOSTER (Ama Namin)

PATER NOSTER QUI ES IN CAELIS SANCTIFICETUR NOMEN TUUM ADVENIAT


REGNUM TUUM FIAT VOLUNTAS TUA SICUT IN CAELO ET IN TERRA PANEM
NOSTRUM QUOTIDIANUM DA NOBIS HODIE ET DIMITTE NOBIS DEBITA NOSTRA
SICUT ET NOS DIMITTIMUS DEBITORIBUS NOSTRIS ET NENOS INDUCAS IN
TENTATIONEM SED LIBERA NOSA MALO, AMEN

Itaas uli ang kanang kamay sa ulo ng mini-Medium at sambitin o usalin ang mga sumusunod na
oraciones:

JESUS ACNUM JESUS MAGNAM JESUS MITAM JESUS SARE PILATUS JESUS
ADEMIAM JESUS ALUCTEM JESUS LIBRE SABAOCNUM AMEN AMASUM AMACUM
MACUM AMARUM LICUM VIRGINUM SAPUARUM IMPERIUM LICUM HUM
ESPIRITUM ADLARUM BUHARUM EGOSUM VENI SANCTE ESPIRITO SUBTUM
ABRAHORA AGSAMANO OM PATER DE JESUS NAZARENO EGOSUM EGOSUM
PATER ET FILIO ET ESPIRITO SANCTO SUMAAKIN KA PO at banggitin ang pangalan ng
mini-Medium, at ito naman ang iyong uusalin at iiihip sa kanang hintuturo ng iyong daliri ang
mga sumusunod: SUROC TUROC at sabay tuon ng iyong hintuturo sa pagitan ng kanyang mga
mata at sabihin mo sa iyong mini-Medium na pagalain nya ang kanyang isipan sa kaitaasan.

PALIWANAG: Ang nagmi-Medium ang siyang mag-uutos kung saan niya gustong
papaglakbayin ang isipan o espirito ng mini-Medium, at ang magmi-Medium pa rin ang siyang
magtatanong sa mini-Medium kung sino ang nais niyang makausap at malaman ang mga lihim
ng mga lihim ng karunungan sa pamamagitan ng Dictasyon sa kaitaasan.

2. KAPANGYARIHAN NG PAGHANAP NG ISANG TAONG NAWAWALA, BUHAY MAN


O PATAY.
PAUNAWA: Kumuha kayo ng buhok na mula sa kanyang ulo, na maari naman kayong
makakuha sa kanilang bahay, at ilagay ang buhok sa isang basong suka.

(a) Kung patay na ang isang taong nawawala, ang buhok na nailagay sa suka ay manunuwid.

(b) Kung patay na ang isang taong nawawala, ang buhok niya na nailagay sa suka ay makukulot.

3. KAPANGYARIHAN NG ISANG TAO UPANG MAGKAROON NG ANAK NA LALAKI


O BABAE O KUNG ANO ANG IIBIGIN.

Kung ibig ninyo na magkaroon ng isang anak na batang lalaki sa inyong giliw na asawa (babae),
pag-ingatan po lamang ninyo na huwag lalapit sa kanya kung hindi pa siya nakahiga sa kanyang
higaan, at sa sandaling ginaganap na ninyo ang ang matrimonio, ipagdumali ninyong alalayan ng
inyong kanang kamay na angatin ng bahagya ang piging kaliwa ng inyong asawa sa taas na 25 o
30 sentimetro, at pagkatapos na pagkatapos ng inyong sigla ay patagilirin ang babae sa kanan at
sa ganitong pamamaraan ay makahihintay kayo na magkaroon ng isang anak na lalaki.

4. KAPANGYARIHAN SA PAGTAWAS SA ANO MANG SAKIT SA PAMAMAGITAN NG


KANDILA.

Narito ang ang mga pamamaraan ng paggawa at pagganap:

(a) Magpakuha po kayo ng isang palangganang may tubig.


(b) Isang kandila na halagang bente o bente singko sentimos.
(c) Paupuin ang bata o matandang tatawasin na nakapaharap sa may palangganang may tubig, na
lalaon baga'y ang taong nakaharap sa palangganang may tubig ay ang tinatawas at ang
tumatawas, at pagkatapos na maisaayos ang lahat ng bagay na kinakailangan ay magdasal ng
isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang Gloria Patri.

Ang tinutukoy po ng gaganap sa pagdarasal ay ang taong gaganap sa pagtawas, nguni't bago
simulan ang pagdarasal ay hawak mo na sa iyong kanang kamay ang kandila na wala pang sindi
na nakatayong nakatabi sa may palangganang may tubig.

Narito po ang kabuuan ng dasal:

AMA NAMIN

Ama namin sumasalangit ka, sambashin ang pangalan mo, mapasama sa kaharian mo, sundin
ang loob mo, dito sa lupa para ng sa langit, bigyan mo po kami ngayon ng aming kakainin sa
araw-araw at patawarin mo po kami sa aming mga sala, para ng pagpapatawad namin sa mga
nagkakasala sa amin, at huwag mo po kaming ipahintulot sa tukso, at iaadya mo po kami sa
dilang masasama, sapagka't iyo ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpakailan man..

ABA GINOONG MARIA


Aba Ginoong Maria, napupuno ka po ng Gracia, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod
kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala ka naman ng iyong anak na si Jesus,

Santa Maria Ina ng Diyos, ipanalangin mo po kaming makasalanan ngayon at kung kami ay
mamamatay, Amen

GLORIA

Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo, kapara nuong sa una-una, ngayon at


magpakailan man ay magpasawalang hanggan. Pinatutungkol ko sa Mahal na Anghel dela
Guardia at banggitin ang pangalan ng taong tinatawas.

PAUNAWA:--- Bago sindihan ang kandila ng tumatawas ay usalin muna ang makapangyarihang
ORACIONG ito:

JESUS SARVI JESUS EL QUITE SARVI JESUS AVE MARIA at ikrus ang kandilang hindi pa
nasisindihan sa palangganang may tubig, pagkatapos sindihan ang kandila at usalin ang:
ENKEP SEDICO ENDICTE
--- ipakita mo ang karamdaman ni (banggitin ang pangalan ng taong tinatawas) at pagkatapos ay
sabay tuwad ng kandilang may sindi sa palangganang may tubig na hindi dumadaiti ang
kandilang may sindi sa tubig, at pag ang patak ng kandila satubig ay sumasagitsit ay
nangangahuluganna ang taong iyong tinatawas ay nauusog o kinakabagan, at kung anu man
karamdaman ay makikita ang itim oputi namay hugis sa gitna ng kandila na nasa palanggana at
doon mo makikita kung ano man ang karamdaman ng taong inyong tinatawas, pagkatapos ng
pagkakatawas ay painumin ng kaunting tubig na pinagtawasan at ihilot sa parteng masakit ng
may karamdaman, at maaasahan mong siya'y gagaling na sa kanyang karamdaman.

5. KAPANGYARIHAN PANGGAGAMUTAN UPANG MAWALA ANG APENDICITIS

UNANG PAMAMARAAN: Usalin ng tatlong beses at iihip ang oraciong ito sa tapat ng
apendicitis.

Narito po ang ORACION:

ACDO DEI ET SOPEROMNIA ACDURUM CIRCULO CABALISTICO DARISTIS


DARISTIS ROTOLO VOBIS OPAYUOL INRI EMIRA REUM INCARNAP KOPNUM
MACMATUC

PANGALAWANG PAMAMARAAN: Itapal ang Circulo

PAUNAWA: Ang Circulo pong ito ay kabilaan, angibig ko pong sabihin ay ganito: na isang
bilog na papel po lamang ito,na may kanya kanyang sulat sa harap at likod na kumpormista ng
nasa litrato, na ang harap po nitong Circulo ay siyang nakalapat sa balat o sa tapat ng apendicitis.

PANGATLONG PAMAMARAAN: Pagkatapos maitapal ay banggitin ang mga sumusunod na


ORACIONES at iihip ng tatlong beses sa pinagtapalan.
NUUT DUUT --- Madurog
DUUT NUUT --- Mabasag
ATADATMAT --- Mawala

Pagkatapos na maganap na ninyo ang mga pamamaraang ito, ay maaasahan po ninyo na


mawawala na ang apendicitis at hindi na muling magbabalik.

6. KAPANGYARIHAN NG MAHIWAGANG TAGAPAGBANTAY SA BAHAY.

Hindi makikita o matutunton ang inyong bahay ng mga taong may masamang tangka o ibig
kayong pagnakawan, at sila'y mamamalikmata kahit na sila'y sanay sa pagtungo sa inyong lugar.

Ito po naman ang panalangin sa MAHIWAGANG TAGAPAGBANTAY ng inyong bahay sa


tuwing araw ng BIYERNES: MATER DIVINAE GRACIAESALVATORMUNDI GAYIM
JESUS AEOUI DUJUVIC SALVAME. at ito po naman ang inyong sasambitin bago kayo
umalis upang tanuran ang inyong bahay: ALI ADOY SABUT AMARA MISLIM KISLIM
YDLIM SIMBELEM bantayan ninyong mabuti itong aking bahay habang ako'y wala.

7. KAPANGYARIHAN SA NEGOSYO.

Kung ikaw ay may TINDAHAN o KALAKAL ay narito ang pamamaraan upang dagsaan ka ng
maraming mamimili ay ibulong mo ng tatlong beses sa kaunting langis ng oliva ( olive oil ) ang
dasal na nasa ibaba nito at pagkatapos ay ipahid mo sa iyong pisngi, sa ibabaw ng kamay at sa
ibabaw ng paa

NARITO PO ANG DASAL:

SA IYONG GANDA AT BANGO, HARI ATDIYOS KA NG MGA BALANI, RECHMIAL


EEL, ISUKOB MO SA AKIN ANG IYONG KATANGIAN UPANG MAAKIT NA LUMAPIT
ANG MARAMING TAO NA MAMILI DITO SA HARAPAN KO.NGAYON SA
PAMAMAGITAN NG AKING LUBOS NA PAGTITIWALA AT PANANALIG SA IYO.

PAUNAWA: Ang pagpapahid ay tatlong beses maghapon na iyong gagampanan, lalong mabuti
kung mayroon kayong dagta ng isis na kulay dilaw na nakabitin sa loob ng inyong tindahan.

8. KAPANGYARIHAN NG PAGKAKAROON NG MGA ANAK NA MAGAGANDA AT


MARURUNONG.

Na ang mag-asawa sa lahat ng sandali ng kanilang pagsisiping sa higaan, sila'y MAGKAISA NG


PAG-IISIP O PAGNANASANG magkaroon ng ANAK na MAGAGANDA, MATATALINO o
DILI naman kaya ay NAKAKAMUKHA nila. Sa ganitong pangyayari at sa LAKAS NG
KAPANGYARIHAN NG PAG-IISIP o ng PAGDIDILI- DILI ng babae sa batang
ipinagbubuntis,nangyayari ang pagkakaroon ng kung anu-anong hugis, kababalaghan,
pagkapangiwi ng mga sangkap sa katawan o pagdaragdag ng ano mang bagay o pagkakamukha
sa hayop at mga iba pa.
PAUNAWA: Ang mga iminumukha ng mga anak sa kani-kanilang mga magulang ay
nanggagaling sa paggunamgunam ng babae.Sa ganito ring paraan maaaring magkaroon ang mag-
asawa ng mga anak na MARURUNONG at MAGAGANDA, kailan ma't ang babae ay tatalima
sa kahatulang ito.

9. KAPANGYARIHAN NG PAGPAPALUBAG NG KALOOBAN.

Sa pamamagitan ng pamamaraang ito ay magkakaroonka ng KAPANGYARIHANG


MAPAGLABANAN ang ano mang tukso.

NAWA'Y PAGPALAIN AKO AT KALINGAIN NG PANGINOON, NAMA'Y IPATANAW


SA AKIN ANG MUKHA NG PANGINOON AT KAAWAAN AKO.NAWA'Y LINGAPIN
AKO NG PANGINOON AT IPAGKALOOB SA AKIN ANG KAPAYAPAAN, PAGPALAIN
MO PANGINOON ITONG IYONG ALIPIN. EDEUS GEDEUS DEDEUS DEUS DEUS DEUS
EGOSUM GAVINIT DEUS CHRISTUM MATUTENUM MIHALOM IT PIKATI EGOSUM
GAVINIT DEUS SALVAME.

10. KAPANGYARIHAN SA AHAS.

Sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan ay mapapalayo mo ang AHAS sa iyong harapan o


daraanan.

PAUNAWA: Usalin mo lamang ng tatlong beses sa harapan ng AHAS o sa iyong daraanan


upang ang mga AHAS ay magsilayo. JESUS AUTEM GRAUSELET PERMIREM EBAT SAN
PABLO CRUS DENCE CRUS MOTERO DIGNUM CRUCES JESUS JESUS JESUS
BINDISID MI JUGAR EGOSUM FACTUM DEUM AMEN.

PALIWANAG: Lalong mabuti kung kayo'y may hawak na sungay ng LIKORNIO at ang AHAS
ay takot na takot sa inyo.

11. KAPANGYARIHAN SA PAGLALAKBAY.

Kung nasa gitna ka ng dagat at bumagyo, ikaw ay maliligtas sa pamamagitan ng


MAKAPANGYARIHANG ORACIONG ito

PAUNAWA: Usalin lamang ang mga sumusunod ay ligtas ka na.

O AMA KONG DAKILANG BATHALA MAY LALANG NG LAHAT DITO SA IBABAW


NG SANLIBUTAN, KUNG MAAARI AKO AY KAAWAAN AT ANG MGA KALINGA MO
AY AKING MAKAMTAN, AMA KO AT PANGINOON, SA PAMAMAGITAN NG AKING
LUBOS NA PANINIWALA AT PANANALIG SA MAKAPANGYARIHAN MONG
PANGALANG "SCHADEI" SA PAGKABATHALA AY LUBUSANG MAPAWI AT
MAPARAM ANG MALAKAS NA ULAN AT BAGYO, MANGYAYARI, MANGYAYARI,
MANGYAYARI. HOC ET SUM CORPUS MEUM EGOSUM JESUS EGO EGO EGO
EGOSUM BEATIS ET SUITAM BONIFAS PATER MEI AGNUS DEI MICEREREI MEI QUI
PASUS EX PORNOBIS MISERERE NOVIS JESUS SALVAME JESUS LEBRAME BERITA
BETA BUSPAS EGOSUM AC JAC A-AC SALVAME.

12.KAPANGYARIHAN SA PAGPAPABALIK. Ito ang kapangyarihang lubhang mabisa upang


PABALIKIN ang sino mang taong lumayas.

PAMAMARAAN NG PAGGAWA:
(a) Isulat sa papel o litrato ang pangalan at apelyido ng taong lumayas.
(b) Magdasal ng isang sumasampalataya hanggang sa ipinako at sambitin ang mga sumusunod
na mga ORACIONES:

SANTA MACOLUM PANIMBULUM UM AKHOM ABHOM ABECHUM


Ikaw --> (pangalan ng taong lumayas) ay bumalik na at hinihintay na kita, kung hindi mo
susundin ang ipinag-uutos ko sa iyo ikaw ay magkakasakit ng malubha, kung kaya't sundin mo
na ang ipinag-uutos ko sayo,at pagkatapos ay ilagay sa ilalim ng abo ng kalan ang litrato na may
apoy sa ibabaw ng abo. At ito po naman ang iyong gaganapin pagsapit ng gabi (taunin sa araw
ng Biyernes at gabi-gabi'y iyong gaganapin). Ito ang ORACION NI SAN ANTONIO DE
PADUA upang pabalikin ang taong lumayas.

NARITO PO ANG DASAL:


DIOS AT PANGINOON, NA SA IYONG KAPANGYARIHAN,NAPAPASAILALIM ANG
TANANG NILALANG, IPAHINTULOT MO SA AKIN ANG TULONG MO NA BUMALIK
NA SI (pangalan ng taong lumayas) AT DI KO PAGTATANIMAN NG MASAMANG
KALOOBAN ANG TAONG LUMAYAS, PINASASALAMATAN KONG WALANG
HANGGAN, DIOS KO'T PANGINOON ANG BAWAT IPASYA MO SA IKABUBUTI NG
AKING KALULUWA'T KATAWAN. DEUS DEUS DEUS EGOSUM GABENAT DEUM at
isunod ang pangalan ng taong nawawala o lumayas at sabihin mong bumalik na siya. Ang dasal
na ito ay dadasalin sa harap ng larawan ni SAN ANTONIO DE PADUA. Magtulos ng kandila sa
kanyang harapan sa pasimula ng pagdarasal.

13.KAPANGYARIHAN SA BALING BUTO NG ISANG TAO.

Sa pamamagitan ng kapangyarihang ito mapapasauli mo sa dati ang nabaling buto ng isang tao.

PAUNAWA: Bago manghilot ay ito muna ang iyong dadasalin.

MACMAMITAM DEABSISI MOLOM MOMSO MOLOM ELEAN DEY DOMINE SANCTE


EIOVA OMNIPOTENTE ETERNI DEUS PER CHRISTUM DOMINUM NOSTRUM.

At ito naman po ang iyong uusalin at iiihip sa paghilot.

PUROM CRUSIM SANTUM CIURUM MICUM REUM DEUM LAM EGNUM ATAM
ITAM.

At ito po naman ang panapal o itatapal sa bali ang buto:


14. KAPANGYARIHAN SA PAGHANAP NG PILAY NG ISANG TAO.

Sa pamamagitan ng kapangyarihang ito, ay malalaman mo agad kung saan lugar ng katawan ang
pilay ng isang tao, at ito ang tinatawag na PILAY DETECTOR.

MGA PAMAMARAAN:

UNA: Kumuha ng isang dahon ng saging, pagkatapos ay usalin o iihip sa dahon ang mga
sumusunod na ORACION: JESUS JESUS JESUS MARTIRES COMPARETIS

PANGALAWA: Isulat sa dulo ng dahon ng saging ang W Y W, at pahiran ng ng Vicks o Langis


ang dahon, at usalin at iihip sa dahon ng tatlong beses ang mga sumusunod:

IULIT MOLIATOC DIGKIT, idaiti at hilahin ang dahon ng saging sa parteng masakit at asahan
mong sa tapat ng parteng may pilay ay hindi mapuknat-puknatang dahon ng saging na iyong
hawak at nangangahulugan na naroroon ang parteng may pilay.

PANGATLO: Kumuha ng salonpas at isulat ang mga sumusunod:

J. J. J.
C. P. R.
T. E. S.

Pagkatapos ay itapal itong salompas sa parteng may pilay at kapal naitapal na ay banggitin at
iihip ang ang mga sumusunod:

JESUS JESUS JESUS C.P.R.T.E.S.

15. KAPANGYARIHAN UPANG MAGKAROON NG SINAG SA ATING ULO AT MGA


DALIRI.

Sa pamamagitan ng po nito ay magkakaroon kayo ng KAPANGYARIHAN o POWER upang


mapaandar ang mga ORACIONES.
PAUNAWA: Ito ang makapangyarihang ORACION na sasambitin po ninyo ng TATLONG
BESES bago matulog sa gabi upang magkaroon ng malaking sinag sa ating ulo at mga daliri.

MITAM MATUM LUAM ABESOMI ENDIGMOUMO IGLASUMY OMNIPAM UGJAJE


AUM ADVENIAT REGNUM TUUM ADRA EGOSUM IRUC OVUV UTRONUM REX DEI

16. KAPANGYARIHAN SA BOXING.

Sa pamamagitan ng kapangyarihang ito ang bawat tamaan ng "Gloves" ay pihadong bubulagta o


babaligtad kapag iyong tinamaan saang mang parte ng katawan.

PALIWANAG:
(a) Ito ang iyong sasambitin at iiihip sa kanang Glove.
MUSIQUIM IXLAUPAN SEJIITWAN AWGAC CIMAJAC MUMPHSAC
(b) At ito po naman ang inyong sasambitin at iiihip sa kaliwang Glove.
BATONATA ACSATIVA TIGNOT OMOAC RAMAAM LAUMASAC

17. KAPANGYARIHAN SA SUNTUKAN.

Sa pamamagitan ng kapangyarihang ito ang bawat tamaan ng suntok ng iyong kamay ay tiyak na
hindi na makakabangon at hindi na makakalaban.

PALIWANAG: Banggitin at iihip ang oraciong ito sa kaliwa't kanang kamay.

IGSAC IGMAC EGULHUM HUM.

18. KAPANGYARIHANG PAMARUSA SA KAPWA.

Nais po ba ninyong makaganti sa inyong mga kaaway o sa nagkasala ng mabigat sa inyo?


Hindi na gagamitan ng lakas o bagay na makakasugat o makakasakit ng katawa. Hindi
malulunasan ng gamot botica ang may sakit.

PAUNAWA: Ito po ang pamamaraan.


UNA: Tuklapin ng masinop ang balat ng balite na hustong-husto na mailalagay po ninyo ang
larawan ng taong nais mong mapaghigantihan, pagkatapos mailagay ang larawan ay magdasal ng
isang Credo o Sumasampalataya hanggang sa ipinako, namatay, at pagkatapos ay tawagan po
ninyo ang Hari ng mga Encantong pitong beses na paulit-ulit itong mga sumusunod:

CAPI-IPYOP CAHIHIRING POSINGPA CAPIPITEM RIININ OTHE CABITIS COGBILA


CABILI POBIS CAPILIS CUNGILONG, at pagkatapos na matawagan ang Hari ng mga
Encanto ay isunod po ninyong babanggitin ng tatlong beses ng paulit-ulit ang Oracion ng Pag-
uutos upang tumalima siya sa iyong kagustuhan, at narito po ang Oracion ng pag-uutos:
CAHIPIAP IOHOY POYHO SIL-LEJE OSE CAPIPIRIO SERIGPER CAPILO PIGLA
CAPILIRI ASRETOS CALILRIOS NILISIS CANSUS-SO CAHOHI HOCTUS, at pagkatapos
po ninyong mabanggit ang Oracion ng Pag-uutos ay isunod po ninyong babanggitin ng
TATLONG BESES na paulit-ulit ang Oracion ng Pamarusa sa pasimula ng pagbibigay ng
karamdaman ng isang tao, at narito po ang Oracion ng Pamarusa:

VECRUT USPERUC ELIANIM OPERUS MARUC XATROS NIFER ROXAS TORTOS


GULANO FLUROS SEER MICROBIC, at pagkatapos ay sabihin po ninyo kung anung sakit
ang unang dapat kumapit sa kanya, at pagkatapos ay takpan ng balat ng balite ang litrato na nasa
puno ng balite, hindi pa po natatapos ang pitong Biyernes ay masisinag napo ninyo ang
pagkakasakit at pagkaluko ng tao na inyong pinaghigantihan.

PAUNAWA: Na ang balat po ninyong itatakip ay siya ring balat ng balite na inyong tinuklap,at
pakuan po ninyo sa apat na kanto upang hindi malaglag o maalis ang balat na itinakip.
19. KAPANGYARIHAN SA PAKIKIPAGKAMAY SA ISANG BINIBINI NA HINDI KA
MATUTUTULAN KAHIT NA SAAN MO SIYA DALHIN HABANG HAWAK MO SIYA SA
KAMAY.

NARITO PO ANG PAMAMARAAN: Sambitin ang makapangyarihang oraciong ito at iihip sa


iyong kanang kamay at itikom pagkatapos, at ilahad ang iyong kamay sa binibining iyong
kakamayan.

PAUNAWA: Huwag bubuksan ang iyong kamay sa pagkakatikom hangga't hindi nakakadaiti sa
kamay ng ibinibining iyong kakamayan.

Narito po ang ORACION:

QUIPALAS QUIBIBAN ROPA BABI BILIA LABID KIKIRAM RAMPAS UMBRUM


EGOSUM LABID UMI BUWIS BIATI MARIA MAGDALENA LUMAY SIRILOM
CHRISTUM HUM

Susi: NORAC ARICAM YTARUM PHU

20. KAPANGYARIHAN SA PAGTULOG.

Sa pamamagitan ng kapangyarihang ito ay maiiwasan ang ano mang masamang panaginip o


bangungot.
Ito ang ORACION upang maiwasan ang anu mang masamang panaginip o bangungot.

PAUNAWA: Ang iku-krus po ninyo sa inyong mukha ay ang salitang: CRUX SANCTI PATER
BENEDICTE sa pasimula ng pagdarasal, at dasalin bago matulog itong mga sumusunod:

DIOS AMANG NAKALUKLOK, DIOS INANG NAKASUKOB, DIOS ESPIRITO SANTO


NA SA AKIN AY SUMAKOP, AKO PO NGAYON AY MATUTULOG, SANDATA KO PO
AY "KRUS", MARIA JOSEP Y JESUS, KAYO PO ANG PATNUBAY KO SA AKING
PAGTULOG.

21. KAPANGYARIHAN SA TAGABULAG O LIWAS.

Sa pamamagitan po ng kapangyarihang ito ay hindi kayo mapapansin o makikita ng inyong mga


kaaway kahit na kayo'y magkasalubong at sila'y mamamalikmata. Ito po ang kaparaanang
ginagamit sa tagabulag upang hindi mapansin o makita ng mga kaaway kahit na sila'y
magkasalubong.

UNANG PAMAMARAAN:

Kumuha ka ng isang niyog na iisa ang mata o walang mata, langisin ito at ipahid sa buong
katawan at sambitin ng tatlong beses ang makapangyarihang oraciong ito:
YBAG YBAG MANLAPISAC MABULAGAN KAYONG LAHAT PERBISTATEM JESUS
CHRISTUM.
At maaasahan mong hindi ka makikita ng iyong mga kaaway sa loob ng 24 oras.

PANGALAWANG PAMAMARAAN:

Ang nag-iisang mata ng niyog na akin ng nabanggit ay itapat (ilapat) sa pusod ng iyong tiyan at
banggitin ang maka-pangyarihang oracion na akin ng nabanggit sa unahan nito at maaasahan
mong hindi ka makikita habang nakadikit ang mata ng niyog sa pusod ng iyong tiyan at pag
iyong inalis ang pagkakadaiti ng mata ng niyog sa iyong tiyanay saka ka pa lamang makikita ng
iyong mga kaalit o kaaway.

22. KAPANGYARIHAN SA MESMERISMO:

Ito ang kapangyarihan sa PAGSUPIL ng MABABANGIS na HAYOP, tulad ng ASO,


PUTAKTE, SIMARON, AHAS at iba pa. Sambitin lamang ang mabisang ORACION sa harapan
at ang mga HAYOP ay babait.

PALIWANAG: Kung sa ASO, AHAS, SIMARON at iba pang HAYOP ay ganito ang iyong
gagawin: TITIGAN MO NG UBOS DIIN ANG MATA NG HAYOP AT TATLONG BESES
MONG SASAMBITIN AT IIIHIP ANG MGA SUMUSUNOD:
YUROM YUROM KITING KITING JESUS JESUS JESUS BINDISID MI JUGAR EGOSUM
FACTUM DIUM AMEN SA PANGALAN NG AMA ANAK ESPIRITO SANTO
Mapapasailalim ka sa aking kapangyarihan at ikaw ay babait, ako ang iyong panginoon.

At kung sa putakte po naman ay ganoon din ang iyong gagawin at asahan mong kahit na lurayin
mo pa ang bahay ng putakte ay hindi ka man lamang kakagatin.

23. KAPANGYARIHAN SA ULAN UPANG HINDI KA MABASA.

Sa pamamagitan ng kapangyarihang ito ay hindi kayo mababasa ng ulan sa paglakad, at isang


metro po ang layo ng ulan sa inyong harapan, tagiliran at likuran, ito'y mangyayari lamang kung
kayo'y may sapat na LAKAS NG KALOOBAN AT KAPANGYARIHAN O POWER.

PAUNAWA: Sasambitin muna ng tatlong beses na mataimtim na mataimtim sa iyong kalooban


na patungo sa kalsadang iyong lalakaran.

NARITO PO ANG ORACION:

O DIRAMOS DI CHRISTE VENEDIS MOSTIBI QUIA PER SANTAM CROSIM TUAM


NON DOM PECATA NOSTRUM DIMITATIS PERDICAMOS DOMINE AMEN DEUS
DEUS DEUS MANOS TUOS COMENDOS ESPIRITU MAYOM ABA PINAMAMAHAYAN
NG SANTISSIMA TRINIDAD SUKUBAN MO PO AKO NG IYONG MAHAL MONG
MANTUNG.

PAUNAWA: Tatlong beses mo itong babanggitin.


24.KAPANGYARIHAN SA PAGKUHA NG KAPANGYARIHAN NG MAY
KAPANGYARIHAN SA IBANG TAO.

Sa pamamagitan ng kapangyarihang ito ay mahuhubaran mo ang isang tao sa kanyang


kapangyarihang taglay, at ang kapangyarihan nya ay mapupunta o malilipat sa iyo at sa gayong
pamamaraan ay mararagdagan ang kapangyarihan mong taglay o power.

ANG KAPARAANAN PO AY GANITO:

Magpoder ka muna sa iyong sarili. Ito ang iyong sasambitin bago humarap sa pagkukunan mo ng
kapangyarihan.

BENEDICTAM REENADICTAM VENIT MACULATAM ELEBATE ELEBILA


ELECULAPA ELEBINA EGRA EGRAYOM EGROMIT EREYSUM AYISMOTUM
PODERAN MO AKO SA LAHAT NG ORAS.

At ito po naman ang iyong gagawin pagkaharap mo na ang taong iyong pagkukunan ng
kapangyarihan: Titigan mo siya ng ubos diin sa pagitan ng kanyang kilay at usalin mo sa iyong
sarili ang salitang ito ng tatlong beses: SAOC-UM. Ang kapangyarihan mong taglay ay malilipat
sa akin, malilipat sa akin, malilipat sa akin.

PALIWANAG: Ang taong pinagkunan mo ng KAPANGYARIHAN O POWER ay hindi na


makakagawa ng kababalaghan at asahan mo sa iyong pagkuha ng kapangyarihan sa ganitong
pamamaraan ay lalong mararagdagan ang kapangyarihan mong taglay tungo sa iyong
kabantugan, katagumpayan sa paggawa ng kababalaghan.

25. KAPANGYARIHAN SA PAGHIPO SA PARTE NG KATAWAN NG ISANG TAO.

Ito ang kapangyarihan sa paghipo na hindi ka matututulan kahit na ano pa ang iyong gawin sa
kanya.

NARITO PO ANG MGA PAMAMARAAN:

UNA: Usalin mo ng tatlong beses sa iyong sarili at iihip mo sa taong iyong kursunada ang
oraciong ito:

EDEUS GEDEUS DEDEUS DEUS DEUS DEUS EGOSUM GAVINIT DEUS DELAUDIBUS
VIRGINIS SUPER MISSUS SUNT PACTINET EGOLHUM HUM

PANGALAWA: Ito po naman ang paghipo sa parte ng katawan ng may katawan, sasambitin ito
ng tatlong beses at iiihip sa iyong palad at itikom ang iyong kamay at idaiti sa katawan ng isang
tao, sabay buka ng palad at maaasahan mong hindi aalisin ang iyong kamay sa kanyang katawan,
kahit na ano pa ang iyong gawin sa kanya.

NARITO PO ANG ORACION:


SALOM AREPO LEMEL OPERA MOLAS SUMATUS TUISUT

26. KAPANGYARIHAN LABAN SA MASAMANG ESPIRITO.

Ito ang kapangyarihan ng PANGINOONG DIOS ng ituro niya ang KANYANG DALIRI KAY
SATANAS AT SI SATANAS ay hindi nakakibo o nakakilos at para pang nakuryente.

PALIWANAG: Usalin lamang ang oraciong ito ng tatlong beses at iihip sa iyong daliri (sa
hintuturo at pangatlong daliri) at sabay tuon ng daliring nabanggit na paharap sa taong
ginagawan ng masama, at maaasahan mo na ang taong ginagawan ng masamang espirito ay hindi
makakakibo ni makakakilos.

Narito po ang makapangyarihang ORACION:

PER BENEDICTIONEM MALEDICTUS UJUS ADUMBRA ILLOLO PUER SINOBIS


MUNDIS LAXINATIS MUNDUM ICNUM PINACUAN.

Susi: INIT BINGURUT NIBRIT TIVIX PHU

27. KAPANGYARIHAN UPANG HINDI MAGTAKSIL ANS ISANG TAO SA KANYANG


ASAWA.

ANG PAMAMARAAN PO AY GANITO: Sikretong ilagay sa sukbitan o ano mang damit na


isinusuot ng taong nagtataksil ang pinatuyong mata ng ibong bato-bato o kalapating bundok at
asahan mong siya'y (ang taong nagtataksil) hindi na lilibugan.

PAUNAWA: Ang paggawa po nito ay sisimulan ninyo sa araw ng Biyernes na ang mata ng
ibong Bato-bato o angmata ng kalapating bundok ay patutuyuin sa pamamagitan ng init ng araw,
at kung ito nga po ay nagawa na ninyo ay pwede ng ilagay o isingit sa under wear o panloob na
kasuotan (sa panty o sa brief) sa taong paggagamitan nito.

28.KAPANGYARIHAN SA PAG-UNLAD NG KABUHAYAN.

Upang maging maunlad ang pamumuhay ay banggitin o usalin ng tatlong beses bago matulog
ang oraciong ito:

AMIIM BARDAT CETAY DEWATA ESNYBTA FUERZA GRAZZIAY HANGT INIITZAA


JEJOVY KILAT LANGYTY LLIVAY MACMASY HONOTA NIEVAT OSONOS PADRA
QUIRITA ROSALA SOERTY TONAYNAZ UTACSY VITINY WAGASAL XZATYZY
YIEMAL ZOLLIZ
Oh makapangyarihan kong ORACION, magina maunlad po sana ang aming pamumuhay sa
pamamagitan po ng inyong paglingap at pagtangkilik ADONAI JEHOVAH AHA JISZRAOEL
JEHUDA TENET OPERA ROTAS AREPO SATOR NIGMINI Jesuscopy

You might also like