You are on page 1of 2

PPM INVESTMENT SCAM -

PSSUPT SUPITER: WALANG SALA

Mapahanggang ngayon ay ginagawa pa rin ng Philippine Regional Office 12 Criminal Investigation and
Detection Group ang kanilang makakaya upang mabigyan ng solusyon ang kontrobersiyal na isyu tungkol
sa PlanProMatrix o kilala sa tawag na PPM. Daan-daang mga sibilyan at maging mga kapulisan ang naloko
ng nasabing investment scam na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng sapat na hustisya sa
kadahilanang hindi pa natutukoy ang pinaka-utak sa likod ng panlolokong ito.

Matatandaang nadawit ang iilang pangalang ng mga opisyal ng kapulisan sa rehiyon kung saan ay
napabilang si Col. Raul Supiter, Hepe ng General Santos City Police Office. Matapos ang isang masusing
imbestigasyon ay napatunayang isa lamang siya sa mga naging biktima ng PPM Investment Scam sa
lungsod kung kaya't siya kasama sina Cpl. Rhodora Bombita, Cpl. Daisy Javierto, at Lt.Col. Henry Biñas ay
makikipagtulungan upang masuplong na sa batas ang mga utak sa likod ng operasyon ng PPM.

Tinatayang mahigit sa 500 milyong piso ang halagang nalikom mula sa mga opisyal ng PRO-12 maliban pa
sa mga perang nakuha nito mula sa mga sibilyan.

Hawak na ng City Prosecutor's Office sa ilalim ng pamumuno ni Major Gen. Amador Corpus, CIDG
director, ang mga dokumentong naglalaman ng inisyal na report tungkol sa kaso na nagmumula kay
Nena Santos, isang pribadong tagausig. Ayon sa CIDG, wala ni-isa sa mga naglaan ng halaga sa PPM ang
nabayaran.

Nasa kamay rin ni Santos ang mga kinakailangang dokumento na makatutulong upang madakip ang mga
taong nasa likod ng panglolokong ito. Sila ay haharap sa kasong large-scale swindling at estafa.

Maaalalang isang pulis na nagngangalang Kristel Joy Roxas, ang misteryosong naglaho matapos na siya ay
nagsimulang magsampa ng kaso laban sa PPM.

Napag-alamang may mga mahahalagang ebidensyang naiwan ang nawawalang pulis sa pamilya nito
bago pa man ito naglaho na maaaring maging susi rin sa pagreresolba ng kaso.
Makikipagtulungan ang lahat ng mga naging biktima ng PPM Investment Scam upang mabigyan ng
hustisya ang lahat ng mga naloko at makatanggap rin ng kaukulang kaparusahan ang dapat na managot
nito.

You might also like