You are on page 1of 2

Aralin 1.

Mga Konseptong Pangwika

Ang opisyal na estadistika tungkol sa mga wika at diyalekto sa ating bansa ay


hango sa Census of Population and Housing (CPH) na isinasagawa tuwing isa ng
dekada ng National Statistics Office (NSO). Ayon sa datos ng CPH noong 2000,
may humigit-kumulang 150 wika at diyalekto sa bansa. Tagalog ang
nangungunang wika na ginagamit ng 5.4 milyong sambahayan.

Ang wika ay isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon. Ito ay mula


sa pinagsama-samang makabuluhang simbolo, at tuntunin ay ay nabubuo ang
mga salitang nakapagpapahayag ng ng kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong
ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mga mensahe sa isa’t-isa. Ito
ay mula sa salitang Latin na lingua na nangangahulugang “dila” at “wika” o
“lengguwahe”

Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na
maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ang wikang panturo naman
ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.

Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga


mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang
Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. Tinatawag itong Mother
Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE).

Aralin 2. Monolingguwalismo, Biingguwalismo, at Multilingguwalismo

Unang Wika (L1) ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang
itinuro sa isang tao.

Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, at arterial na wika. Sa


wikang ito pinakamatatas o pinakamahusay na naipahahayag ng tao ang kanyang
mga ideya, kaisipan, at damdamin.

Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika
sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon, o sa iba pang tao. Dito
ngayon umuusbong ang kanyang pangalawang wika (L2).

Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami


pa ang mga taong nakasasalamuha niya, gayun din ang mga lugar na kanyang
nararating, mga palabas na kanyang napapanood sa telebisyon, mga aklat na
kanyang nababasa at tumataas din ang antas ng kanyang pag-aaral. Ang wikang
ito ang ginagamit niya sa pakikiangkop sa lumalawak na mundong kanyang
ginagalawan. Ito ang ikatlong wika o L3.

Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang


bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South Korea,
Hapon at iba pa. Maliban sa edukasyon, sa sistemang monolingguwalismo ay may
iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng
pakikipagtalastasan sa pang-araw araw na buhay.

Bilingguwalismo ay paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila


ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. Maituturing na bilingguwal ang
isang tao kung magagamit niya ang dalawang wika ng matatas sa lahat ng
pagkakataon.

Multilingguwalismo. Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon


tayong mahigit 150 na wika at wikain.

You might also like