Sabay: Ang inyong mga guro ng palatuntunan Lalaki: Sa pagkakataong ito, ating matutunghayan ang pagparada ng mga katutubong kasuotan kasabay ng pagbati ng mga mag- aaral ng bawat baitang gamit ang iba't ibang dayalekto ng mga lalawigan sa Pilipinas.. Mga mag- aaral: (Pagpasok suot ang kanilang katutubong kasuotan at pagbati ng mga mag- aaral sa bawat baitang.) Lalaki: Sa pagsisimula ng ating palatuntunan sa buwan na ito, maaring tumayo tayong lahat para sa ating doxology na pamumunuan ng glee club at susundan ng isang pambungad na panalangin mula kay _________________. (doxology) (Pambungad na Panalangin) Lalaki: Manatiling nakatayo para sa pagpugay sa ating watawat at sa pag-awit ng Lupang Hinirang sa pagkumpas ni Bb./ G./ Gng. ______________________. (Pag- awit ng ng Lupang Hinirang) Lalaki: Maari na po kayong maupo Babae: Inaanyayahan po namin si G. Philip Andrew P. Briola, para sa pambungad na pananalita. Pasalubungan natin siya ng masigabong palakpakan. (Pambungad na Pananalita) Babae: Maraming salamat G. Philip Andrew P. Briola para sa isang pambungad na pananalita! Lalaki: At ngayon ating masasaksihan ang mga natatanging bilang na inihanda ng mga kapwa ko mag- aaral sa iba't ibang baitang. (paki dagdagan miss pen...) Lalaki: Inaanyayahan po namin sa entablado si Gng. Alpen Arre para sa sa pangwakas na pananalita. Pasalubungan natin siya ng masigabong palakpakan. (Pangwakas na Pananalita) Lalaki: Maraming salamat Gng. Alpen Arre! Babae: Para sa huling bahagi ng ating palantuntunan pakinggan natin ang mga mag- aaral na aawit ng "Pinoy Ako" kasabay ng malikhaing paglalapat ng galaw nito.