Professional Documents
Culture Documents
Main: Chris
Characters:
Chris
Pete
Jam
John
Narrator: Sina Chris, Pete, Jam at John ay matalik na magkakaibigan. Sila ang
nagdadamayan sa lahat mga bagay, Mayroon ding mga problemang dumarating sa
kanila. Tulad nalang nang kwento ni Chris at kanyang mga magulang, Paano nga ba
n'ya hinarap ang kanyang suliranin at tinanggap ito ng maluwag sa kanyang
kalooban. Tunghayan, isa-puso at pagnilayan natin ang unang misteryo ng hapis.
Anghel: Yna.
Nanay Yna: Sino ka? Nakakasilaw ka.
Anghel: Ang anak mo ay maghihirap dahil sa kasalanan.
Nanay Yna: Anong sinasabi mo? Malakas ang anak ko. Hindi ako maniniwala sa'yo
Anghel: Ang anak mo ay parating kinakausap ang Diyos. Hindi ito naglilihim sa
kanya at palagi n'ya kayong ipinagdarasal. Ang anak mo ang maghihirap.
(Umalis ang anghel at iniwan ang mga salitang ito)
Nanay Yna: (Ginising ni Jose si Yna dahil para itong binabangunot) Hindi, hindi
totoo yun. Panaginip lang iyon.
Tatay Jose: Yna, anong nang yayare sa'yo?
Nanay Yna: Puntahan natin si Chris sa kwarto nya.
(Nag punta sina Yna at Jose sa kwarto ng kanilang anak, at narinig nila na
nagdarasal si Chris.)
Chris: Panginoon, Narito po at ako'y muling dumudulog sa'yo. Nawa panginoon ang
mga panalangin ko ay iyong pakinggan. Patawad panginoon sa mga nagawa kong
pagkakasala sa'yo. Hinihiling ko po na sana maging maayos na ang aming pamilya.
Dahil alam ko po na pag ako'y sumuko na baka hindi na lalo sila magkaroon nang
pagkakaunawaan. Panginoon patawad at salamat po sa lahat. Amen.
(Hindi na ginulo ng mag asawa ang anak. At pagkagising nang umaga nagulat si
Chris sa kanyang nakita.)
Narrator: Umiyak si John at halos hindi na sya makahinga, ngunit na kaht na ganun
ang trato sa kanya ng kanyang ama at ina mahal na mahal parin sila ni John.
ginagawa parin naman ni John ang kanyang makakaya para maging masaya ang mga
magulang nya sa kanya, Ngunit parang kulang ito para sa kanila.
Papa: John, Tingnan mo ang grado nitong kapatid mo. Ana halika nga dito anak.
Ana: Bakit po Pa?
Mama: Anak, ipakita mo nga d'yan sa kuya mo ang mga grado mo baka sakaling
magbago naman ang papanaw n'yan.
(Lumapit si Ana sa kanyang kuyang si John)
Ana: Kuya pagpasensyahan mo na si Mama at Papa ha? Hindi importante sa akin ang
mga larawang ginuhit mo ang gaganda kaya ako ang number 1 fan mo pagsumikat ka
ha?
John: Salamat Ana ha? Ito talaga hahaha.Hindi na naman makikila ang mga larawan
na yan eh. Ayaw ni mama at papa yan.
Ana:Nako kuya, basta ako? naniniwala akong makikilala yang mga yan.
(Nakita ni Chris na tinititigan ni John ang mga guhit n'yang larawan)
Chris: O John, Ang gaganda n'yan a. Gawa mo yang mga larawang yan?
John: Oo Chis, pinapakita ko nga kay mama at papa kaso sinasaktan lang nila ako
pag nalalaman nila na kaya bumababa ang grado ko kase lagi ako nakatuon ang isip
ko sa mga larawang ito.
Chris: Nako, Napaka ganda ng mga yan John. Pwede ko bang hingin ang isa? Ipe-
frame ko remembrance man lang bago tayo maka-graduate.
John: Sigurado ka ba? Sige. Salamat ha?
(hindi alam ni John na dinala ni Chris ang kanyang ginuha sa kanilang guro. at
nagustuhan ng guro ang kanyang ginuhit)
*on phone*
Teacher: Hello po, Good morning po
Mama: Ay, Hello po ma'am. Napakatawa po kayo?
Teacher: Gusto ko lang pong anyayahan kayo sa aming paaralan bukas, May mahalaga
lang po akong sasabihin tungkol kay John.
Mama: Sige po Ma'am Salamat po.
Teacher: Sige po, Salamat.
(Galit na tinawag ng ina si John)
Mama: John!!!!!!!
John: Bakit po mama?
Mama: Ano't pinapatawag ako sa school mo? Ano nanamang kalokohan ang ginawa mo
ha?!!!! Puro ka nalang kalokohan.
(hinigit ni mama si John). Kung ano man tong ginawa mo, Malalagot ka nanaman sa
amin. Wala ka nang ginawang matino talaga John. Sakit ka sa ulo!
Narrator: Kinabukasan dumating ang ama at ina ni John sa kanilang paaralan.
Teacher: Good morning po mister at misis.
Mama at Papa: Good morning din po ma'am.
Papa: Ano po ba ma'am ang ginawa ni John na kasalanan ma'am humihingi po kami ng
despensa.
Mama: Pasensya na po kayo ma'am ha? makulit po kase talaga yung batang yun eh.
Teacher: Mister at misis, wala pong kasalanan na ginawa ang anak ninyo sa
paaralang ito, katunayan po ay napakaganda nang nagawa ng anak n'yo.
Papa: Ano pong ibig n'yong sabihin?
Mama: Ma'am ang bababa po ng grado ng anak ko, Paano n'yo pong nasabing may
nagawa?
Teacher: Ang anak n'yo po ay may kakayahang gumuhit nang magagandang larawan, at
ang mga larawang ito ay ipinagkaloob ko sa isang art museum at nakita rin ito ng
isang may ari
ng arts school at minabuti nito na bigyan ng scholarship ang inyong anak.
Kaya po hindi nyo na po po-problemahin ang pag aaral n'ya ng college.
Narrator: Natigilan ang ina at ama ni John sa mga narinig nila. nagmadali silang
umuwi para mag sorry sa kanilang anak na si John.
Dala ng ina ni John ang scholarship certificate nito.
Narrator: Naging malupit man ang magulang ni John sa kanya ay minahal parin n'ya
ito nang buong buo at walang sama ng loob, Ang paghampas kay Jesus sa haliging
bato
ay isang pagpapakita nang pagmamahal sa atin ng Panginoon at ang bawat sugat
na kanyang natatamo sa pagmamalupit ng mga hudyo nang dahil sa ating
pagkakasala ay napatawad at minahal parin n'ya tayo ng buong buo.
Sorrowful Mystery
Main: Jam
3. Crowning with thorn
Narrator: Nararanasan ng mga kabataan ang bullying. Sa mga kadahilanang sila ay
mataba, payat o may kapansanan. Ano nga ba ang nararamdaman ng mga kabataang
nakakaranas nito. Maaring lahat tayo ay maranasan ito, tulad ng ipahiya ng mga
hudyo ang Panginoong Jesus habang pinuputong ang koronang tinik sa kanyang ulo at
sinasabing ikaw ay hari ng mga hudyo. Ano nga ba ang dapat nating gawin para
malampasan ang ganitong suliranin?. Tunghayan natin ang kwento ni Jam at kung
paano n'ya ito hinarap na gaya ni Kristo.
(nagbabasa sa isang bench sa school si Jam at nilapitan s'ya ng tatlong bully)
B1: Hoy! Jam, akala mo ang tali-talino mo? porke napuri ka lang ni ma'am kanina
sa recitation magaling ka na? Duhhh!
B2: Basagin ko kaya yang salamin mo para wala ka nang maaninag?
B3: Labo mata ka i. Nerd!
Jam: Wag ako ang pag-initan n'yo wala akong ginagawang masama sa inyo.
B2: Edi wow!
B1: kinabait mo yan? Attention sicker!
B3: Tama na guys may araw din yan satin, Kumain nalang tayo.
(Umalis ang tatlo at nanatili si Jam sas kanyang kinauupuan.)
Jam: Hays. Di kasi nila naiintindihan ang sitwasyon ko e. Kung alam lang nila
kung gaano ako nahihirapan.
Pete: Oy! Jam, Natititig ka jan.
John: May problema ba?
Jam: Wala tol, napapaisip lang ako.
Chris: Wag mo kaisipin, nandito lang kami pag kailangan mo ng tulong.
Jam: Salamat mga tol' ha? Oo mag sasabi naman ako pag may problema alam ko naman
na d'yan kayo.
B1: Aba, aba, aba at naririto nanaman ang magaling at matalino DAW naming
Classmate.
Jam: Hindi ko intensyon na makasagot sa mga tanong ni ma'am nais ko lang i-
maintain yung grade ko sana naman hindi na kayo magalit sakin ng ganto.
B2: Wow! at marunong ka nang sumagot ha?
Jam: Hindi ko rin intensyon na makipagtalo sa inyo. Please lang wag n'yo na ako
bully-hin.
B3: A ganon? So ngayon din umalis ka sa harapan namin.
Jam: Sige kung yan ang gusto n'yo.
*tinalapid ng bully si Jam*
B3: Napaka-lampa mo talaga, baka kulang pa ang taas nang grado ng mata mo ha?
*tumawa ang tatlo*
(Nakita ni Chris, John at Pete ang tatlo na binubully si Jam)
Narrator: Hindi nga natin alam ang sitwasyon na nararanasan ng bawat kabataan,
Katulad ni Jam hindi sya sumuko at kinausap n'ya ang Panginoon
upang palakasin ang kanyang loob. Sa bawat sakit na naramdaman ni Jesus
noong s'ya ay pinutungan ng koronang tinik, hindi sya nag reklamo
at tinanggap n'ya ito biglang pagligtas sa atin.
Sorrowful mystery.
Main: Pete
All characters.
Narrator: Nalaman natin kung paano nga ba hindi sumuko sa buhay sina Chris, Pete,
John at Jam.
kung saan tinanggap nila na sa buahy nang pagiging isang kabataan dadanas ng
iba't ibang pagpapasakit.
nariyan na nawawaan na nang tiwala sa sarili, pagkamahina nang kalooban
gayun din ang pagiging isang matapang.
may mga bagay talaga sa buhay natin na magpapahina at magpapalakas sa atin.
Ang kaloob nang ama na dapat tanggapin
at labanan. Ngayon na nakilala na natin ang apat, paano nga ba nila
malalampasan ang pinakahuling misteryo ng hapis.
Chris: O ano mga 'tol? Kamusta? Bakasyon na ah? John, Kamusta naman ang mga
magulang mo sayo?
John: E 'to nagiging okay na naman. Lagi na nila ako nave-very good sa mga
drawing ko. Hindi ko alam na
pwede pala talagang mabago ang lahat. basta't ipapakita mo lang ang
pagmamahal mo sa kanila
yung scholarship ko, hindi ko inaasahang makakakuha ako nun. Hindi ko rin
alam na darating
pala sa buhay ko yung hindi na ako sasaktan palagi ni mama at papa. yung
kapatid ko naman na super
supportive sa mga nararating ko, ayun sya parin ang no.1 fan ko. Salamat sa
suporta n'yo mga 'ttol ha?
hindi ko makakamit 'to kung wala kayo sa tabi ko. Pinalakas nyo ang loob ko.
Chris: Mabuti naman John kung ganon, Ikaw ba Jam?
Jam: Ito patuloy parin na nagsisipag para sa pangarap. yung mga nangbu-bully
sakin. tinutulungan ko sila
sa mga reviewer, Kaya ayos na din kami. Tinanggap na nila ako. Pati
nakikinig narin sila at nakakasagot na rin
sila sa recitaion. Bumabalik narin yung confidence ko sa sarili ko. Kaso
ngayon naman ako naman ang nagkukulang sa budget
pang journalism sana hahaha. may sakit kase si daddy eh. medyo wala na ulit
ako naiipon. sana nga magkapera na ulit ako.
Ipagkakaloob ng Diyos sa'kin yon. Teka? Akala ko ba uuwi si Pete?
Chris: Ayos, makakahanap din tayo ng pang journalism mo hahaha. tiwala lang. Ay
oo nga pala. Pauwi na yon. siguro nanjan narin 'yun maya maya.
John: Speaking off! hahaa
Pete: Hi mga 'tol. Kamusta?
Chris: Ikaw ang kamusta 'tol. isang buwan na kamusta naman?
Pete: Medyo nakakaraos-raos kahit kulang parin pero masaya naman akong
nakakatulong kay nanay. Sana nga mapunan na ang pambayad sa bahay baka kase
palayasin kami bigala, Biruin nyo? nakasanla na pala yung bahay namin sa
bangko? hindi ko na din alam paano gagawin namin ni nanay eh.
Jam: Nako, Pete pasensya ka na 'tol kung dadagdag sana ako. Kailangan ko kase ng
pera para sa pag sali ko sa journalism. baka sakaling kahit
kalahati sana mabigyan mo na ako? Isang buwan na din naman nakalipas at sabi
mo sa unang sweldo kahit kaunti mabibigyan mo ako.
Pete: 'tol kakasasbi ko lang na wala talaga eh. nakasanla yung bahay namin.
John: uy! Nagtatanong lang naman si Jam, Pete.
Pete: Eh bakit parang kasalanan ko?
Jam: 'Tol pasensya ka na ha? kung mali ata ang mga nasabi ko. pero sana hindi mo
na ako pagtaasan ng boses.
Pete: Alam mo na kaseng namomorblema na nga ako eh. Hayaan mo mababyaran din
kita. John hindi mo alam kase yung sabihan nang ganun.
John: Pre wag naman sana ganyan ang usap mo sakin. mag kakaibigan tayo dito.
Jam: Wag mo na sana idamay pa si John.
Pete: So ano? napakalaki na nang kasalanan ko? sorry ha? hindi kase ako nang
iisip. hindi ako kasing talino mo Jam.
Chris: Guys, Tama na yan. ano ba kayo? parang hindi tayo magkakaibigan dito ah?
lahat naman napaguuspan nang maayos ah?
Pete, Kailangan ba pagtaasan ng boses ang mga kaibigan natin? Kaya naman
makipag usap ng maayos ah? Hindi mo ba naisip kung paano tayo nagtulungan
para sa sari-sarili nating pamilya?
Jam, Hindi naman masama na sabihin ang nararamdaman pero bakit ba kailangan
ntin idaan din a init ng ulo? Oo namomorblema ka din, pero isipin mo naman
na kaya tayo tumutulong kase mas nangangailangan sila ng atensyon. kase tayo
nakukuha natin yung mga gusto natin na hindi kagaya ni Jon at Pete na
kailangan pa nilang magdusa bago makuha ang gusto nial. Intindihin natin
sila.
NArrator: Si Chris ay may sakit sa puso, hindi nya ito sinasabi sa kahit kanino
man. At dahil na rin sa nangyare kay Chris nagkasundo ang tatlo,
gumawa sila ng isang fund racing para sa kaibigan nila na kailangan ng heart
transplant. malaki laking gastos at hindi narin kinakaya ng ina
at ama ni Chris.
John: Ayos na kaya mga 'tol tong naipon natin para kay Chris?
Jam: I think hindi padin kasya yan sa laki nang bayarin ni tito at tita. But
still malaking halaga din naman yan. so we can help his parents narin.
Pete: Sana maging okay na si Chris 'no?
John: Oo naman magtiwala at magdasal lang tayo magiging okay sya. Nag benta na
nga din pala ako ng mga drawing ko pandagdag.
Jam: Magiging okay si Chris, He is strong and brave.
*Jam phone is ringing*
Nanay Yna: Hello, Jam?
Jam: Hello tita, yes this is Jam.
Nanay Yna: Pwede ba kayo mag punta dito sa hospital asap?
Jam: Yes tita, May nangyari po ba kay Chris?
*totoot*
Narrator: Dali daling nag punta ang tatlo sa hospital hindi nila alam ang tunay
na nangyari kay Chris. kinakabahan sila dahil hindi sinabi ni nanay Yna ang
nangyare.
nadatnan nila ang isang nakalumpasa'y na Chris at halos nag aagaw buhay na.
Jam: 'tol, Anong nangyayari sa strong friend namin. Chris magpagaling ka please?
John: 'tol nandito na kami, wag ka naman ganyan 'tol.
Pete: May pang heart transplant ka na 'tol. Gumawa kami nang paraan para sayo.
pagaling ka 'tol kaya mo yan.
Chris: Salamat mga kapatid, Salamat sa lahat. mahalaga sa akin na ayos na kayo.
Mahal na mahal ko na kayo na
parang isang tunay na pamilya. Sorry mga 'tol ha? medyo mahina na ako. Hindi
ko na kaya.
alagaan nyo ang nanay at tatay ko ha? Lagi kayo magkasundo. Salamat ha?
Salamat.
(Pumikit na si Chris at sabay iyak na din nang tatlo at magulang ni Chris)
Narrator: Sa buhay natin, ang pagiging isang mabuting tao ay nakakapagdulot nang
masasama at masasayang araw sa atin. May mga bagay na kinakapitan at
pinapahalagahan natin.
Ang bawat isa sa atin ay nagbibigay ng lakas at pagmamahal na maaaring
maging ispirasyon sa pang araw araw. Tulad nang pagkamatay ni Kristo sa krus
na nagbigay ng kalayaan at tunay na pagmamahal ng Diyos sa atin, Tunay nga
na ang pagmamahal n'ya ang magsasalba sa lahat.